C-17
"Hindi maaari"
Naitulos ako sa kinatatayuan ko nang Makita ang isang pamilyar na bulto ng katawan ng isang lalaki. Naramdaman ko ang pagbayo ng kakaibang damdamin sa dibdb ko.
Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o hindi na. Pero kung babalik ako sa loob ay malamang papagalitan nila ako at bawasan pa ang sahod na binibigay nila sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang Makita kong nagtaas siya ng tingin at nagtama ang paningin namin sa isa't-isa. Sa totoo lang ay gusto ko nang tumakbo sa mga oras na ito pero hindi sumasang-ayon sa akin ang katawan ko.
Itinungga niya ang alak na hawak niya at saka iyon tinabi sa lamesa. Tumayo siya at nakita kong naglakad siya papunta sa kinaroroonan ko.
Magsasalita na sana ako nang bigla niyang hilain ang braso ko palabas. Napapikit ako nang maramdaman ang sakit sa paghawak niya doon.
Pilit akong pumipiglas sa hawak niya ngunit mas lalo niyang hinihigpitan ang paghawak niya sa akin. Nang makaratin na kami sa harapan ng isang sasakyan ay saka niya ito binuksan.
Alam kong sa kaniya ito dahil minsan ko na itong nakita sa bahay nila na nakagarahe.
"Pasok" nilingon ko siya at masamang tinignan. "ayoko" binitawan niya ako kaya napahinga ako ng maluwag at tinignan ang braso kong grabe ang pamumula dahil sa hawak niya.
"pasok!" napaatras ako ng bigla siyang sumigaw. Nag-igting ang panga niya at muling lumapit sa akin.
Kahit gusto kong lumayo sa kaniya ngayon ay hindi ko magawa, naiinis ako dahil hindi ko mapasunod maski sariling katawan ko.
Kahit ngayon man lang.
Muli niyang hinawakan ang braso ngunit ngayon ay sa mahinahon na paraan. Hinila niya ako at wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sa kaniya dahil ayoko nang masigawan pa akong muli.
Nang makapasok na ako ay saka naman siya umikot para sumakay na rin. Lumingon ulit siya at nagbuntong-hininga.
Napahawak ako sa gilid ko nang lumapit siya sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata sa kung ano man an gagawin niya ngunit pag tunog lang ng kung ano ang siyang narinig ko dahilan upang imulat ko ang aking mata.
KANINA ko pa gustong gumawa ng usapan ngunit hindi ko naman maibuka ang aking bibig. Ni paglingon sa kaniya ay hindi ko rin magawa.
Kanina ko rin iniisip kung bakit niya ako hinila palabas ng bar at ipasok rito sa sasakyan niya? Akala ko ay may sakit siya? Anong nangyari?
Napabuntong-hininga na lang ako. Siguro nga'y maraming nangyari at nagbago simula nang umalis ako sa kanila.
Wala rin naman mangyayari kung mananatili parin ako sa kanila diba? Una sa lahat, wala akong trabahong mapasukan hiyang-hiya na nga ako dahil sa mga ginagasta nila para lang sa akin.
Pagkain pa lang ay pangmagdagan na namin iyon sa probinsiya. Nakita kong lumingon siya sa akin ngunit hindi ako lumingon pabalik.
Ano naman ang sasabihin ko? Wala naman, kaya mananahimik nalang ako.
"from now on, you will not going in that kind of place seli" napasinghap ako nang marinig ko ang sinabi niya lalo na nang sabihin niya ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Random(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...