Here's the first part of CELINE..
C-1
***
"MAY nakuha na ba kayong impormasyon?"
Tanong ng isang lalaking nasa mahigit sisenta'y aniyos pataas. Naka suot ito ng amerikana , at sa tindig palang nito, masasabi mong malakas ito at may kaya.
"Meron na po sir, kaso hindi pa po iyon kumpleto"
Sabi naman ng isang lalaking nakatayo sa harap nito.
"Kung ganon, gawin niyo ang lahat. Babayaran ko kayo kahit magkano, basta mahanap niyo lamang siya. "
Saad niya habang niluluwagan ang suot niyang kulay abong kurbata.
"Opo sir, gagawin namin ang makakaya namin para mahanap siya, at isa pa sir, saka na namin ibibigay sa inyo ang mga nakalap naming impormasyon kapag kumpleto na ito at maayos."
Sagot nito sa kaniya.
"Sige, salamat maaari ka nang umalis"
Utos nito sa kanila at marahang yumuko naman ang lalaki para magbigay galang sa pag-alis nito.
NAPABUGA ng hangin ang lalaki at marahan itong pumikit. Bakas sa mukha nito ang pagod dahilan sa ito ang nagpapatakbo ng sarili nitong kompanya, ang Marquez Empire Corpoartion.
Balak na niya ngang ipangalan ang kompanya niya sa anak niyang si Alex Jazztine, ngunit wala pa ito sa isip ng binata. He's just 28 year's old for pete's sake! ngunit gusto na niya itong paghawakin ng isang malaking kompanya. Kung sa ibang tao, ay nakakaya nang humawak ng ganitong klaseng kompanya, ay okay na okay sa kanila, ngunit ibang tao si alex jazztine, gusto pa daw niyang hibangin ang sarili sa mga bagay na karaniwang ginagawa ng isang binatilyo.
Nagfefeeling-binata pa kasi ang anak nito porke' nag-iisa lang ito. Ngunit ang hindi nito alam, ay may isa pa siyang kapatid ngunit mas bata ito sa kaniya. Sasabihin naman ito ng kaniyang ama ngunit naghahanap lamang ito ng tamang oras at panahon.
Labis-labis ang pagsisisi nito nang iwan niya ang kaniyang mag-ina, mahigit dalawampu't-isang taon na ang nakakalipas. Sanay hindi na lamang siya pumunta pang paris kung alam niyang ganoon lang ang mangyayari sa kaniyang mag-ina.
Labing-dalawang anyos pa lamang ang anak nilang si alex nong mangyari ang pangyayari na iyon. HIndi niya lubos maisip na sa isang iglap, mawawala ang babaeng minamahal niya, at ang maa matindi pa roon ay kasama nito ang ipinagbubuntis niyang bata. Litong-lito siya sa mga oras na iyon kaya napagpasiyahan niya na ipahanap ang kaniyang asawa.
Nalaman niya kasing pinalayas ito ng kaniyang ina sa mansyon nila kung kaya't walang atubiling napabalik siya sa pilipinas upang malaman ang buong pangyayari. Kinamuhian pa niya ang kaniyang ina sa mga panahon na iyon, subalit napatawad na niya ito nang, ito na mismo ang siyang humingi ng despensa sa ginawa nito.
Pinaiimbestigahan niya ang nangyari. Doon niya nalaman na wala na ang kaniyang asawa. Patay na pala ito. Nakita ang katawan nito sa may gilid ng dagat at nakabaon sa lupa. Sa kanilang tansiya, ay inilibing nga ito roon. Dahil may krus pang kahoy na nakatirik sa unahan nito. May kasama pang mga bulaklak sa may gilid nito.
Hindi nito alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Tila ba naubos lahat ng enerhiya niya sa katawan. Ngunit muli siyang nabuhayan ng loob ng maalala niya ang bata sa sinapupunan nito. Agad nitong ipinahukay ang bangkay ng asawa. At doon ay nakita niya ang napakaganda nitong mukha kahit sumakabilang buhay na ito.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Acak(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...