C-16
"Seli, ikaw na ang susunod Dalian mo na wag kanang kukupad kupad!" wala akong nagawa kundi kunin ang damit na halos hindi na matatakpan ang buong katawan ko.
Saka akong dumiretso sa banyo at doon nag-bihis.
Pagkalabas ko, doon ko naalala ang lahat. Hindi ko kasi inakala na sa isang Bar ako dadalhin ng mga lalaking nanghila sa akin sa van na iyon.
Tatlong linggo na ang nakakalipas at parang kapahon parin para sa akin ang nangyari.
Nung unang araw ko rito ay ni hindi ko maibuka ang bibig ko para sagutin ang kanilang mga tanong. Tango at iling lamang ang naibibigay ko sa kanila.
Ilang beses ko ring naranasan ang pananapak nila sa akin at nagpapasalamat ako dahil ni pagdapo ng kanilang palad ay hindi ko na maramdaman.
Siguro ay naging manhid na ang aking katawan at napagod na rin sa mga natatanggap nitong pagmamalupit galing sa mga 'di kilalang tao.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid at doon ay halata mo ang taranta sa bawat kilos ng iba.
Hindi alam kung ano ang dapat ilagay na kolorete sa mukha, hindi alam kung anong magandang damit ang dapat isuot makakuha lamang ng malaking tip galing sa mga magiging kostumer naming ngayong gabi.
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili at umupo sa may bakanteng upuan na kaharap ng isang hindi kalakihang salamin.
Kinuha ko ang isang lipstick na hindi ko kilala ang brand at dahan-dahang inilagay ito sa aking labi.
Hindi pa ako natatapos nang may biglang pumalakpak at nagsalita sa likuran namin.
"Bilis-bilisan niyo! Ano ba naman kayo? Hindi tanggap dito ang kukupad-kupad na tao! I-wala niyo na ang mga kahihiyaan niyo dahil hindi iyan pwede dito. Maraming kostumer ang manonood sa inyo mamaya kaya wag kukupad kupad!"
Napapikit ako at saka tinapos ang paglalagay ng lipstick sa aking labi. Pula na ito hindi kagaya kanina na halos walang kulay at puti lamang.
Pagkatayo ko at saka ko naman inayos ang damit na suot-suot ko.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Diversos(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...