Kabanata 19

1.8K 42 0
                                    

C-19

Tatlong araw nang walang kibo si vhin simula nang pumunta rito iyong tatlong lalaki na nakipagusap sa kaniya.

At sa tatlong araw na iyon ay bumalik na muli sa dati si fer. Naging aktibo na ulit ito na para bang walang nangyaring kakaiba sa kaniya noong mga nakaraang araw.

Nang matapos ako sa paggawa ng sandwich na inutos sa akin ni fer ay inilagay ko na ito sa may plato at pumunta sa may sala kung nasan silang dalawa.

Hindi ko sinasadya na marinig ang pinag-uusapan nila nang malapit na ako sa kinaroroonan nila.

“Bakit naman kuya? Hindi mo pa nga nakikita iyong babae eh, susuko kana kaagad?”

Sinong babae? At anong hindi pa niya nakikita? Kahit gustuhin ko mang tumuloy sa kanila ay tila may sariling utak ang mga paa ko na manatili sa kinatatyuan ko ngayon.

“Fer, you don’t understand”

“I understand kuya, ayaw mong hanapin iyong nawawalang anak ni Mr. Amoroso, dahil siya ang mapapangasawa mo diba? Eh pwede ka namang tumutol eh, like, may nagugustuhan kana, kunwari, para maiba iyong plano ng boss mo”

“No, i can’t do that, malaki ang utang na loob ko kay Mr. Amoroso, at hindi ko iyon basta-basta magagawa”

“So anong gagawin mo ngayon? Sisimulan na ang paghahanap sa anak niya? Eh ang akala ko ay dapat noon mo pa iyan ginagawa eh”

“Hinintay ko lang ang permiso niya fer”

Bumuntong-hininga si fer at umiling-iling sa kay vhin.

Iyon ang pala ang mga ginagawa niya? Napapansin ko kasi nitong mga nagdaang araw ay lagi siyang busy, lalo na tuwing gabi kapag pumupunta ako sa kwarto niya at nadadatnan ko itong bukas at nakikita ko siyang abala na nakaharap sa kaniyang laptop.

Hindi ko naman siya tinatanong dahil laging wala siya sa sarili, minsan nga ay naiisip ko kung iniiwasan niya ako o ano, iyon naman pala ay talagang may ginagawa siyang importante.

Pero bakit ganun? Bigla ko na lamang naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko nang malaman kong ikakasal siya kapag nahanap na niya iyong babaeng anak ng boss niya?

Pwede naman siyang tumanggi ‘diba?

Ngunit bakit ba ako nangingialam?... dahil kaibigan ko siya? Hindi, dahil alam kong unti-unti nang umuusbong itong nararamdaman ko sa kaniya. Oo tama iyon nga iyon.

At ano ang mangyayari kung sakaling mahanap niya iyong babaeng iyon? Ano nang mangyayari lalo na sa akin? Maiiwan nalang siguro akong mag-isa  at babalik sa pangasinan.

Hindi naman ako pumunta rito para maghanap at mag-asawa, pumunta ako rito para makahanap ng disenteng trabaho para makabawi man lang ako sa mga nag-aruga sa akin sa probinsiya.

Dumiretso na ako sa kinarorooonan nilang dalawa at parehas silang napaangat ng tingin sa akin. Nginitian ko na lamang sila ng tipid at ibinaba ang dala-dala kong plato na may lamang sandwich sa lamesa nila.

“Ahh gusto niyo pa ba ng juice? Kukuha ako” alok ko nang makita ang baso nila na wala nang laman.

Tumango nalamang si fer sa akin at saka ko naman ibinaling ang tingin ko kay vhin, hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay sa sandwich na nasa kaniyang harapan.

“Ahh, sige na seli, pakikuha mo nalang kami nung pitsel doon sa ref, nakatimpla na kasi doon iyong juice, kahit iyon nalang ang kunin mo” ani fer. Tumango na lang ako at hindi na binalingan si vhin.

Maraming pumapasok ngayon sa isip ko habang nakahiga dito sa kama ko. Maraming paano kung, anong mangyayari, at ano ang magagawa ko.

Kahit naman highschool lang ang natapos ko ay may karapatan naman siguro akong mag-isip ng mga solusiyon hindi ba? Na siyang maaaring maging daan para sa mga problema ni vhin.

Celine✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon