C-7
"Work for me"
Hindi maitago ang kakaibang naramdaman ni seli ng sinabi iyon ng binatang si fer sa kaniya. Habang nakatayo at tinatanaw ang mga gusaling nagsisitaasan sa parteng maynila, ay hindi niya mapigilang hindi mapaisip kung anong klaseng trabaho ang ibig-sabihin ng binata sa kaniya.
Tatanungin na kasi sana niya ito kung wala lang tumawag sa kaniya. Pansin niyang importante iyon dahil nangunot ang noo ng binata ng tumayo ito upang sagutin ang tawag. Kaya nang matapos itong kausapin ang tumawag sa kaniya, ay hindi na siya nito binalingan at dire-diretsong pumunta sa sariling kwarto.
Kaya heto siya ngayon, nakatayo at nag-iisip kung ano ang pwedeng ipagawa nito sa kaniya sa oras na pumayag siya sa alok ng binata.
NAALIMPUNGATAN si seli ng makarinig siya ng mga pag-uusap sa ibaba. Kinusot niya ang ang kaniyang mata at saka dumiretso sa banyo. Sandal siyang naghilamos roon at saka bumaba para tignan kung sino ang nasa sala.
Sa may sala, sa sofa ay may isang lalaking halos kamukhang-kamukha ng binata si fer. Maputi ito at kagaya ng mga mata ni fer, ay malalim rin ito. Matangos ang ilong at ang labi nitong mapula kahit anong gawin.
Nahigit niya ang kaniyang hininga habang pinagmamasdan ang istura ng lalaki na ngayon ay naka-dekwatro sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo't sa harapan nito ay ang isang kapeng umuusok pa. Napaatras siya ng bigla na lamang nalipat ang tingin nito sa kaniya.
Gusto niyang bumalik nalang sa kwarto at doon ay ipagpatuloy ang naputol niyang tulog, ngunit sa mga oras na iyon ay hindi niya maigalaw maski ang kaniyang mga daliri. Tumayo ang lalaki mula sa sofa at ibinaba ang hawak-hawak na dyaryo
"Who are you?" matigas na tanong nito sa dalaga.
Sasagot na sana siya nang biglang sumulpot mula sa kusina si fer. Napahinga siya ng maluwag ng Makita ang binata.
"She's Seli Kuya"
Wala sa sariling napatango na lamang siya nang marinig niyang magsalita si fer.
Kuya... ibig-sabihin ay magkapatid ang dalawang 'to, kaya pala magkamukhang-magkamukha silang dalawa" saad niya sa sarili.
"Seli, come here" narinig niyang utos ng binata sa kaniya. Tumango siya rito at ibinaling ang tingin sa katabi ng binata. Ang kuya niya. Subalit ganoon parin ang klase ng tingin nito sa kaniya. Hindi parin umaalis at nanatiling nakatitig sa kaniyang mga mata. Ngunit ang kaibahan nga lang ngayon ay nakakunot na ang noo nito.
"Where did you met her?" tanong nito kay fer.
Napayuko lamang siya ng makababa siya sa sala. Ngayon ay mas naging malapit na ang distansiya nilang tatlo at doon ay mas nagkaroon ng pagkakataon si seli na Makita ng malapitan ang binatang katabi ni fer. Napakatangos ng ilong nito at ang balbas nitong nagsisimula palang tumubo na akala niya noon ay pangit tignan sa mga lalaki ay siyang nakadadag ng kakisigan at kagwapuhan ng binata.
Bumaba ang titig niya mula sa ilong pababa sa kaniyang mga labing, sa ngayo'y naka buka. Napalunok siya habang tinititigan niya iyon. Na para bang ngayon lang siya nakakita ng labi ng isang lalaki.
"Staring is rude" narinig niyang sabi nito. Umangat ang paninigin niya at tumingin sa kaniyang mga mata. Muli siyang napalunok ng Makita ang malalim at ang perpektong hugis ng mata nito. Nakakapaso ang pagtitig, na halos pati ang binti mo at katawan ay manlalambot sa klase ng titig nito.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Random(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...