Kabanata 24

1.9K 51 2
                                    

Makalipas ang Limang taon...

Minsan iniisp ko, paano kaya kung hindi ako nahanap ng tunay kong ama? Paano kaya kung hindi ko nakilala sina vhin at fer? At paano kaya kung hindi ako inaalagan nina manang? Malaki ang utang na loob ko sa kanila, pati narin sa mga anak niya.

Tinuring ko na silang tunay na kapatid at pamilya, ngayon, ako naman ang mag-aalaga sa kanila... Marunong akong tumanaw ng utang na loob, siguro'y iyon ang isa sa mga nakuha kong ugali sa aking tunay na ina...

Nakakalungkot nga dahil hindi ko na mayayakap at makikita pang muli ang mga dating nag-aruga sa akin simula pagkabata ko, kung hindi dahil rin sa kanila ay siguro, wala akong ngayon sa kinatatayuan ko..

Siguro, hindi na ako makikita pa ng tunay kong ama, at siguro ngayon, kasama ko na si ina sa itaas.

Napangiti ako nang maisip iyon..ano kayang itusra niya? Magkamukha kaya kaming dalawa? Malalim din ba ang mata ko kagaya ng sa kaniya? Sa aking ama kasi ay hindi naman malalim ang mata niya..makapal lamang na pilikmata ang nakuha ko mula sa kaniya.

Napapikit ako nang dumampi sa aking mukha ang simoy ng hangin na naggagaling sa kanlurang bahagi... Malalakas narin ang paghampas ng alon habang nakaupo ako rito sa may itaas na bahagi ng dalampasigan...

Nagiging kahel narin ang kulay ng araw na nagbabadyang malapit nang kumagat ang dilim
...

Sa loob ng limang taon, marami akong napagdaanan sa paghahanap lamang ng maayos na trabaho, at doon nga ay nakita ako at nakilala ako ng akinh tunay na ama.

Nasa isang restaurant ako noon na naga-apply bilang kahit dishwasher lamang nila, nang mayroong tumawag sa akin at kumausap.

Inalokan niya ako ng trabaho bilang isang janitress sa kompanya niya. Dahil nakikita daw niya na may potensiyal daw ako at magaan raw ang loob niya sa akin...

Noong una ay nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang trabahong inaalok niya. At makalipas ang dalawang araw na pag-iisip ay pumayag ako sa inalok niya.

Naging maayos naman ang pagta-trabaho ko sa kompanya niya at naging mabait rin sa akin ang pakikitungo ng lahat.

Hanggang sa isang araw, na ipinatawag niya ako sa kaniyang opisina.

Kabado ako noong araw na iyon dahil baka may nagawa akong hindi ko alam na hindi niya nagustuhan...iniisip ko na baka paalisin niya ako trabaho ko...

Ngunit mali pala lahat ng iniisip ko..dahil nung araw pala na iyon ay sinabi niya sa akin na siya ang aking tunay na ama at matagal na niya akong hinahanap...

Hindi ako naniniwala sa kaniya hanggang sa nagpakita siya ng DNA test na nagpapatunay na magkadugo kaming dalawa at ama ko siya, samantalang anak naman niya ako.

At simula nun nagbago ang takbo ng buhay ko, lahat-lahat, magmula sa pananamit ko at pagkilos ko ay may limitado na.

Maraming bumati sa kaniya dahil sa nakita na niya ako sa loob ng ilang taong paghahanap niya.

At nang malaman niyang Highschool lamang ang natapos ko ay pinag-aral niya ako sa isa sa mga sikat na paaralan sa maynila...

Ilang buwan rin akong nag-adjust dahil maski ako ay hindi makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari.

Sinabi ko rin sa kaniya kung sino-sino ang mga kumupkop sa akin simula nang ipinanganak ako ng aking ina.

Malaki ang pasasalamat sa kanila ng aking ama dahil sa pag-aaruga na ginawa nila sa akin. Kaya ang ginawa niya ay nagbigay siya ng mga trabaho sa kanila at pinag-aral ang mga anak ni manang.

Celine✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon