C-3
"Anong sabi ko sayo? hindi ba dapat malinis ang aking kwarto? Ano bang ginagawa mo?!"
"P-pasensiya na po talaga, p-pero hindi ko na kasi ho kaya, B-bigla ho kasing s-sumakit ang tiyan ko"
"Wala ka talagang kwenta! iyan ang napapalo mo! bagay yan sa iyo! kung hindi ka lang nagpabuntis sa anak ko ay hindi sana mangyayare sayo ito at wala akong iniisip ngayon!"
"H-hindi ho, nagkakamali ho kayo, m-mahal na mahal ko ho ang anak niyo, at kahit na anong mangyare, h-hinding h-hindi ko siya iiwan"
"M-mahal?! hindi mo kayang mahalin ang anak ko! pinaglalaruan ka lang niya, You'r only one of the toys of arthur, hindi ka niya mahal kaya wala ring silbing manirahan ka dito! isa ka lang palamunin!!"
Walang nagawa si cecil kundi ang umiyak na lamang habang pinagmamasdan niya ang bulto ng kaniyang biyanan habang naglalakad ito pataas sa kwarto nito. Hindi kasi nito nagawa ang ipinaguutos.
At hindi na siya magtataka dahil kahit sa dinami-rami ng kanilang katiwala ay sa kaniya pa mismo iniutos ang paglilinis ng kwarto niya. Alam naman niyang pinahihirapan lang siya nito habang wala si arthur, ang kaniyang asawa.
Hindi niya alam kung hanggang kailan siya magtitis sa paghihirap sa kaniya ng kaniyang biyanan. Sa itsura niya ngayon ay dapat nagpapahinga siya dahil sa may umbok na ang kaniyang tiyan.
Kung may ibang tao lang na nakakakita sa kaniya ngayon, ay paniguradong maawa ito sa kaniya. Kung tutuusin kasi ay isa lamang siyang sampid sa pamamahay ng asawa niya.
Habang patuloy parin siya sa pag-iyak ay doon naman namutawi ang sakit sa tiyan niya. Sobrang awa ang nararamdaman niya sa kaniyang sarili. Hindi niya napigilan ang hindi mapaungol dahil sa sakit na kaniyang naramdaman.
Nakita niyang may dumating mula sa kusina na siyang isa rin sa mga katiwala sa mansyon at labis ang gulat nito nang makita siyang namimilipit sa sakit.
"CECIL!!!"
ILANG ULIT tumingin sa kaniyang mumurahng relo si seli. Ilang oras na kasi ang nakalipas at hindi parin natatawag ang bus na siyang sasakyan niya papuntang maynila. Simula kasi nung pinabaya sa kaniya nang lalaki ang upuan na siyang kinuupuan na niya ngayon, ay para bang tinamaan siya ng malas.
Muli siyang tumingin sa kaniyang orasan. Napahinga siya ng malalim sa sobrang inip na kaniyang nararamdaman. Hindi pala madali ang mag-antay ka ng sasakyan ano? kailangan talaga ay baon mo ang paghihintay, pagtitiis at ang inip.
Sumandal siya sa upuan at inilapat niya ang kaniyang batok sa may sandalan nito. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mata, at hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
IPINILIG NIYA ang kaniyang ulo dahil sa ingay na naririnig niya. Otomatikong kumunot ang kaniyang noo at dahan-dahang iminulat niya ang kaniyang mga mata. At nakita niya ang mga taong nagkakanda-ugaga na mga bitbit sa kani-kanilang mga bagahe.
Muling Kumunot ang noo niya. Maya'y walang atubiling nagtanong siya sa kaniyang katabi. "Ahh, anong nangyayare?" tanong nito. Tumingin naman sa kaniya ang katabi niyang babae.
"Naku, tinawag na kasi yung bus na papuntang maynila, hayun, nagmamadali na silang makapasok," ani nito.
Nawala ang antok sa katawan ni seli ng marinig niya ang sinabi ng babae. Muli siyang humarap rito at nagpasalamat. Tumango naman ang babae sa kaniya at ngumiti. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang mga bagahe at nagsimulang na siyang mgalakad papaunta sa may bus na papunta sa maynila.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Random(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...