C-28
Masaya ako sa piling ni vhin, at wala na akong mahihilang pa. Ilang linggo narin ang relasyon na namamagitan sa aming dalawa. Masaya naman si papa sa nagiging sitwasyon namin. At sa akin, pakiramdam ko, ako na ang pinakasamayang babae ngayon.
Hindi nga rin namin inakala ni vhin na mayroon na palang nakahandang bahay para sa amin na binigay ni papa. Pilit akong tumatanggi dahil alam kong malaki ang nagastos at nagamit niyang pera pero patuloy lang siyang umaalma.
Ang sabi niya’y pagkatapos na sana ng kasal namin ni vhin niya ibibigay ang bahay pero mas naunahan siya ng excitement niya kaya hindi na niya nahintay ang araw ng kasal namin.
Todo ang suporta sa amin ni papa ng sabihin naming dalawang buwan mula ngayon ay magpapakasal na kami ni vhin. Masayang-masaya si papa sa narinig niya at maski rin ako ay hindi maitago ang kabat at pagkasabik sa ideyang ikakasala na ako sa lalaking makakasama ko habang-buhay.
Ang lalaking aalagaan at mamahalin ko hanggang sa huling hininga ng buhay at pagkatao ko. Alam kong maski si vhin ay kinakabahan dahil sa nalalapit naming kasal kahit hindi niya sabihin sa akin ay ramdam ko ay halata naman sa mukha niya.
“Anong niluluto ng aking soon to be Mrs. Gonzales?” napatalon ako ng bahagya sa biglaang niyang pagsulpot sa aking likuran. Ang kaniyang kamay ay nakalagay sa aking magkabilang bewang at ang kaniyang mukha ay nakasuksok sa kanang bahagi ng aking leeg.
“Ano ba vhin, may g-ginagawa ako oh?” pagpigil ko sa kaniya. He just chuckled and continue kissing my neck like a butterfly kiss.
“May ginagawa rin ako?” pang-aasar niya. Umirap ako kahit na hindi niya nakikita. Kahit kailan talaga ‘tong lalaking ito. Pasalamat nalang siya at mahal ko siya kahit napaka kulit niya!
“Ayaw mo bang mag-almusal? At para kang tuko na nakakapit sa akin diyan” mas lalo lang niyang idinikit ang kaniyang katawan at mas lalo pa niyang isinuksok ang mukha niya sa leeg ko.
“I like, if you’ll gonna be my breakfast” he whispered. Agad na namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya.
“He! Umalis ka nga riyan nakakainis ka umagang-umaga minamanyak mo ‘ko! Tumigil ka” kunwari’y galit kong sabi. Doon ko naramdaman ang pagbitaw niya sa akin at ang paglayo niya. Saglit akong tumigil at bahagya ko siyang sinilip. Lukot ang mukha ng mokong habang nakapalumbaba at nakatingin sa may bintana.
Mahina akong natawa dahil sa reaksyon niya. Para siyang bata.
Nang matapos akong magluto ng almusal namin ay mabilis naman niyang kinuha ang pinggan at baso habang ako ay isinasalin ang toasted meat at toasted bread sa isa pang plato. Nang matapos ay bigla nalang tumunog ang telepono na nasa sala.
Tumingin ako sa kaniya at agad naman niyang naintindihan iyon habang papaalis ay nandon parin ang lukot ng mukha niya dahil sa inasal ko sa kaniya kanina.
“Sino daw?” tanong ko habang kumukuha ng kanin at ulam.
“Si dad, pumunta daw tayong opisina at may ipapakilala sa’yo, importanteng tao...” kumunot ang noo ko dahil doon ngunit hindi ko nalang muna inisip iyon at tuluyang kumain.
“Sino ‘yung ipapakilala ni papa?” wala sa sarili kong tanong habang nakatingin ng diretso sa daan. Si vhin naman ay nagmamaneho at walang imik, hindi ko siya kinakausap at ganun din naman siya sa akin. Mamaya ko nalang siya susuyuin tutal inisi siya ngayon sa akin, lulubusin ko na.
Nang mai-garahe na niya ng maayos ang kotse ay agad siyang bumaba at naunang naglakad. Napasimangot tuloy ako sa akalang pagbubuksan niya ako ng pinto. Baka nga inis na inis siya sa akin dahil sa sinabi ko kanina.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Aléatoire(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...