"Ineng...ineng"
Naalimpungatan ako ng mayroong yumogyog sa aking balikat. Kunoot-noo kong idinilat ang aking mga mata at doon ay puro itim lang ang aking nakita.
Umupo ako at luminga-linga sa paligid. Sandali pa akong natigilan dahil sa taka ngunit hindi naglaon ay naalala ko na dahil sa pagod ko kanina sa paglalakad ay naisipan kong maupo muna sa isang waiting shed at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Mabuti na nga lang ay hindi nawala ang perang nakalagay sa bulsa ko.
"anong pangalan mo ineng?" nilingon ko ang aking katabi at ito'y isang ginang. Ito siguro ang siyang gumising sa akin kani-kanina nalamang.
"Ah seli po" sagot ko rito. Bumaba ang tingin ko mula sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang kamay. May dala-dala itong mga plastic na sa tingin ko'y mga gulay na galing ata sa palengke.
"Oh eh bakit nandito ka at natutulog? Saan ka ba nakatira?" muli niyang tanong sa akin.
Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko pa ba iyon o hindi na. huminga ako ng malalim at saka nagsalita.
"ang totoo po'y wala akong tirahan, ang balak ko po sana'y makapaghanap ng trabaho at doon na rin po ako maghahanap ng aking matutuluyan"
"eh malapit nang gumabi, ang mabuti pa'y sa amin ka muna pansamantala, tutal ako lang naman at ang aking tatlong anak na naroon" may ngiti sa kaniyang labi na sabi sa akin.
Lumiwanag sandali ang aking mukha ngunit kinalaunan ay bigla itong bumalik sa pagiging seryoso.
'Sa ikalawang pagkakataon ay makikitira nanaman ako sa taong hindi ko kilala?' giit ko sa aking sarili. Naiyukom ko ang aking kamao dahil sa aking mga naiisip.
Bakit ba ganito ang ginagawa sa aking parusa ng diyos? Magiging isang palaboy na lamang ba ako habang buhay?
Ay patuloy ang paghahanap ng pera na siyang ibibigay matustusan lamang ay maibalik lamang ang utang na loob ko kina manang carol?
Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi dahil sa mga problema na sunod-sunod kong nararanasan ngayon.
"Oh wag kang umiyak, sayang ang ganda mo niyan eh" mariin kong tinignan ang mukha ng ginang na katabi ko ngayon.
Morena ang kulay ng balat nito at hindi maitatago ang katandaan sa likod ng kolorete nito sa mukha.
"o siya halika kana, malapit lang ang bahay namin rito, kaya lakarin nalang natin" tumayo siya at wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo na rin.
Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod ako. Habang naglalakad kami ay doon naman mas lalong nilalamon ng dilim ang daanan na siyang dinadaanan name. wala kasing halos street lights rito.
Masikip ang daanan na sa tantiya ko'y kasya ang tatlong katao lamang. Ano na kaya ang oras? Siguro'y nasa alas-siyete ng gabi.
Ang haba naman ng tulog ko kung ganoon? Siguro'y napagod lang ako dahil sa kakalakad ko.
Hindi naman kasi ako sumakay ng sasakyan dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.
Wala din akong masyadong kilala rito at hindi rin naman ako pamilyar sa lugar at sa mga pasikot-sikot rito.
Hindi din naman ako lumalabas ng bahay nila vhin at doon lamang maghapon.
Kaya ngayon ay kabado ako dahil hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba itong ginang na siyang kasama ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Random(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...