C-2
"Are you sure you need to go paris today?"
"Yes honey, it's very important, don't worry i'll call you everyday.."
"O-okay please take care...I will wait for you, WE will wait for you"
Pinigilang hindi maiyak ni Cecil sa naging desisiyon ng kaniyang asawa. Aalis kasi ito papunta sa ibang bansa. At alam niyang hindi bukal sa kaniyang kalooban ang gagawin nito.
Dahil bukod sa Wala na siyang pamilyang natitira, ay kaya sa mansiyon na lang siya ng asawa nakatira. Ngunit kung may pera lamang siya, ay talagang aalis siya kaagad sa bahay na kasalukuyan niyang tinutuloy.
Iba kasi ang ina ng asawa niya. Kum-baga, iba ang ugali nito kaysa sa ibang tao. Masungit ito, kahit na hindi halata na may edad na ito. Napaka-senyora ang dating at sa unang tingin mo palang ay para bang mapaatras ka na dahil sa kakaibang hatid nito sa mga tao.
Masasabi mong may kaya ito. Kahit na yumao na ang asawa nito ay sa kaniya naman ipinamana ang lahat-lahat ng ari-arian nito. Kung kaya't ito rin ang naging dahilan, kung bakit nasilaw siya sa pera na ipinamana sa kaniya ng yumaong asawa.
Ang dating mabait, mapagkumbaba, at mauunawaing ina at biglang nag-iba nang mamatay ang asawa nito. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit ni minsan ma'y hindi ito nakikkitang ngumingiti man lang.
Alam ni Cecil na ayaw sa kaniya ng biyanan niya, ngunit wala rin itong nagawa dahil sa anak nito. Pati ang kasal na nangyare sa kanilang dalawa ay hindi na nakialam pa ang biyanan niya. Ni pag-sipot ay hindi niya ginawa.
Hindi naman niya alam kung anong dahilan bakit ayaw sa kaniya ng kaniyang biyanan. Wala naman siyang maalalang ginawa rito na kaniyang ikinahiya. At ngayon ay nangangamba siya dahil sa pag-alis ng asawa niya.
Dala-dala ang ibang bagahe, ay muling bumaling ang tingin ng asawa niya sa kaniya. Tinitigan niya ito ng buong puso at pagkuwa'y lumapat ang mga labi nito sa kaniya.
Walang atubiling tinugon iyon ni cecil. Alam niyang ito na kasi ang huling pagkakataon na mahahalikan niya ang asawa, na mayayakap niya ito. At pakiramdam niya, pagkatapos ng araw na ito, ay doon na magsisimula ang paghihirap niya sa kamay ng kaniyang biyanan.
"Please, remember, always take care wife, please wait for me.."
Buong pusong hinaplos ng asawa ang pisngi nito at matamang tinignan ang kaniyang mga mata. Bumaba ang tingin nito sa tiyan niyang malaki na ang umbok at iyon naman ang sinunod niyang hinaplos.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Random(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...