C-11
Ilang minutong hindi nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan ang dalaga. Panibagong damdamin ang bigla na lamang umusbong sa kaniyang sarili. Nakatingin parin siya hanggang ngayon kay fer na siyang nakatingin rin sa kaniya.
Magsasalita na sana siya ukol sa plano na balak nilang gawin ng marinig nilang nag-ingay ang cellphone ng binata.
Bumaling siyang muli sa dalaga. "I will just answer this ok?" paalam niya kay seli. "sige" tipid na sagot niya rito. Hinintay niya nalamang na mawala ito mula sa pintuan ng kwarto. Napabuntong hininga siya. Tumalikod siya at nilapitan ang nakahigang si vhin sa hospital bed.
Wala sa sariling napaupo na lamang siya sa upuan na malapit sa binata at maiiging pinagmamasdan ito. Kahit na naaksidente ang binata'y hindi parin nabawasan ang taglay nitong kagwapuhan. Alam iyon ng dalaga lalo na ang mahahaba nitong mga pilikmata na sa tingin niya'y mas mahaba pa sa kaniya.
Habang patuloy ang pagtitig niya rito ay hindi niya maiwasan hindi mag-isip ng kung ano-ano. Kagaya na nga ng kung ano ang magiging reaksiyon ng binata sakaling kapag dumating ang araw ay unti-unti itong gumaling at malaman ang palabas lang pala ang lahat.
Hindi niya siguro mapapatawad ang sarili sa pagkakataong iyon. Subalit anong magagawa niya? Umo-o na siya kay Fer at hindi niya pwedeng tanggihan ang alok ng binata sa kadahilanang ito ang magiging kabayaran sa lahat ng mga utang na loob ng kapatid sa binata.
Naisip rin niya sina manang seli sa probinsiya. Nakakalungkot isipin na hindi man lang siya makapagpadala ng kahit na ano sa kanila. Wala pa kasi siyang ipon at pera sa ngayon. Hindi rin siya nakakahanap ng trabaho.
Nahihiya naman rin siyang humingin ng pera kay fer dahil malaki na ang utang na loob nito sa binata at ayaw na niyang dag-dagan pa ito. Napapikit siya ng mariin habang nasa tab parin ng binata. Maraming gumugulo sa isip niya at hindi niya alam kung ano ang dapat na unahin.
Iniisip niya na kung siguro'y hindi siya naging pabebe noon para lang mapansin ni fer, at kung hindi siguro siya nagpakatanga na magpasagasa sa sasakyan, hindi niya siguro ito mararanasan ngayon. Ngunit kung iisipin mo sa ibang anggulo, ay malamang sa malamang ay hindi nga niya nararanasan ang mga nangyayari ngayon ngunit panigurado ay nasa isang bar siya ngayon at nagbibibgay ng aliw sa iba-t-ibang mga lalaki.
Tama nang nararanasan niya ang mga bagay na ito ngayon. Dahil ang gagawin niya lamang ay ang magpanggap na fiancée ng binata. Iyon ang lang at wala na siyang iba pang poproblemahin na iba. Makakapagpadala narin siya kina manang seli kapag naibigay na sa kaniya ang unang sweldo sa pagpapanggap niyang fiancée rito.
Napalingon siya sa may pintuan ng makitang magbukas ito. Pumasok roon si fer na halatang Masaya. Siguro'y nakausap ang girlfriend niyang si ana.
"Wala bang ibang nangyari sa kaniya?" tanong sa kaniya ng binata. Umupo ito sa may sofa na siya ring katapat ng kinahihigaan ni vhin.
Umiling si seli at pagkuwa'y nagsalita. "Fer, nakapagdesisyon na ako tungkol sa plano natin"
"Spill it" saad ni fer sa kaniya.
"Pumapayag na ako sa plano na sinasabi mo, ngunit paano kapag sa huli ay gumaling si V-vhin at malaman ang lahat ng ito ay isang pagpapanggap lamang? H-hindi ko ata masisikmura na magalit at kamuhian niya ako fer" yumuko siya at iniwas ang tingin sa binata.
"Don't worry, kung mangyari man ang iniisip mo, ako ang aako seli, dahil ako ang may kasalanan at sa akin nagsimula ang lahat. Hangga't wala siyang nalalaman, walang magiging problema." Tumango na lamang siya sa binata at muling ibinaling ang tingin kay vhin na hanggang ngayon ay wala paring pinapakitang galaw ni isa sa kinahihigaan niya.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Random(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...