Kung hindi pa ako tinawag ni papa ay baka para akong tangang nakatayong mag-isa habang nakatingin ng mariin sa kaniya.
Pinaghila ako ng upuan ng isa sa mga waiter at doon ay wala sa sarili akong napaupo.
Kasabay naman noon ay ang siyang pagdating ng waiter na dala-dala ang mga pagkain. Inilapag niha ito sa lamesa at doon ay naunang kinuha ni papa ang red wine na nakalalagay lang sa tabi niya.
"I think it's better kung magkaroon naman kayo ng space ano? Pakiramdam ko kasi ay magmumukha akong sabit rito" saad ni papa at bigla na lamang siya humagalpak ng tawa.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
What did he mean?
"Antonio!" Biglang tawag niya sa kaniyang tauhan slash Bodyguard pala niya.
"Yes sir?"
"Ipakuha mo itong plato ko at itong paborito kong ulam, sabayan mo akong kumain" utos niya sa tauhan.
Ibinaling ko ang aking tingin kay manong antonio at doon ay may lito rin sa kaniyang mukha.
Anong nangyayari? Maski ako ay naguguluhan narin.
"S-sigurado ho ba kayo sir?" Aniya.
"Sasabihin ko ba kung hindi?" Pambabara ni papa sa kaniya at ngumisi ng nakakaloko.
Tumango nalang si manong antonio at saka naman tumayo si papa.
"Oh sige, diyan na muna kayong dalawa..vhin iyong binilin ko ha?" Tinapik niya ang likod nito at may nakakalokong ngisi nanaman sa kaniyang labi.
"B-but papa?...you'll leave me here with him?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Oh come on! Trust me...this would be exciting " Aniya. At bago pa ako makapag-protesta ay mabilis siyang naglakad palayo kasama si manong antonio.
Hindi ko alam kung saan ako titingin ngayon. Kung sa aking harapan sa kabilang bahagi o sa plato ko na hanggang ngayon ay wala pang laman.
Ayoko rin naman na ibaba ang tingin ko dahil parang nangangahulugan iyon na parang wala akong lakas ng loob na harapin siya ngayon.
I need to think a topic that will break the ice between us. Nararamdaman ko kasi iyon kanina pa. Kahit noong andito pa si papa.
And i thought that, the ice can easily break, when papa is not here but i was wrong. Parang mas lalong kumapal nga iyong yelo na namumuo sa pagitan namin ngayon eh.
Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Napatingin ako sa kaniya nang kumuha siya ng isa sa mga putahe na nakalagay sa aming mesa at inilagay niya ito sa kaniyang plato.
Anong gagawin? At mas lalong
Anong sasabihin ko?! Magmumukha lang kaming tanga rito kung wala man lang kaming pi agkwekwentuhan.I need to open an convoversation, so that when papa ask me, what we talked about, i have an answer to say to him!
Paano ko nga ba sisimulan?
Anong gagawin ko? Kukumustahin ko ba siya? Magtatanong sa takbo ng buhay niya?
At paano naman ako magtatanong sa kaniya, kung nakakatawag-pansin ang paggalaw ng kaniyang panga.
Napapikit tuloy ako ng aking mata!
Damn it celine! You need focus!
Focus on what?!
Otomatikong umikot ang mata ko dahil sa naisip.
Hindi ko napigilan na hindi mapalunok dahil sa nakikita ko ngayon.
Bumilis ang takbo ng puso ko nang bigla niyang iniangat ang kaniyang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Acak(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...