C-4
Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si seli dahil sa kaniyang natuklasan. Na ang lalaking katabi niya ngayon ay ang lalaking nakasagutan niya lamang kanina! Omg, what she will do?!
"Staring is rude Miss.." ani nito habang nakatitig ng mariin sa kaniya. "A-ano?! " sabi naman niya at sa ngayon ay pinipigilan niya talaga ang hindi mapasigaw ng malakas dahil nakakahiya ito sa mga kasakayan nila.
"It's ok, accept it, i know you're hungry already, " sabi ulit ng lalaki sa kaniya. Ngunit nagtaas lamang ng kilay si seli dahil dito. Sa totoo lang talaga ay gutom na gutom na siya pero ayaw niya lang tanggapin ang alok ng binata dahil magmumukhang cheap ito panigurado sa kaniya.
"Hindi, ok lang ako, hindi pa naman ako gutom" sabi niya uli sa lalaki. Bumuntong-hininga ang lalaki at inayos na ang kaniyang pag-upo. Sumandal ito sa kaniyang kinauupuan at muling inilagay ang salamin sa kaniyang mata.
Parang nawalan naman ng tinik si seli dahil wala na sa wakas ang atensyon sa kaniya ng lalaki. Muling umandar ang bus at nakahinga ng maluwag si seli. Buti nga't umandar na sila dahil kung hindi ay paniguradong maririnig ng katabi niya ang pagtunog ng tiyan niya. Sumabay kasi ito sa pag-andar ng bus.
Habang nakatingin sa may bintana, ay marami nanamang pumasok sa isip ni seli, na kung sino nga ba ang tunay niyang mga magulang. Bago kasi siya umalis patungong terminal, ay sinabi na lahat ni manang carol sa kaniyang ang katotohanan. Na hindi nga niya tunay na mga magulang ang mga nag-aruga sa kaniya.
Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang pisngi at nagulat na lamang siya ng may makapa siyang basa. Tinignan niya ito mula sa kaniyang daliri. Luha. Luha? tumulo ang luha niya? perp bakit wala naman siyang naramdaman kanina?
Iniisip niya na sino kaya ang tunay na mga magulang niya? at bakit, paano siya napunta sa mga tinuring niyang magulang?. Malaki talaga ang utang na loob niya kay manang carol. Dahil kung hindi kay manang carol ay baka hindi siya makakasakay at makakapunta sa maynila.
At kung hindi kay manang karol ay baka nasa pangasinan parin siya at siguro'y nagtitinda narin ng mga sariwang isda roon. At ngayon niya lang napagtanto na wala siya halos mga naging kaibigan roon.
Mga anak lamang ni manang karol ang mga nakakasama niya at nakakasalamuha niya. Wala nang iba. Awang-awa siya sa sarili niya, sapagkat, hindi niya alam kung anong naghihintay sa kaniya pagdating niya sa maynila.
Ni wala siyang natapos na kung ano mang kurso. Wala rin siyang masyadong alam pagdating sa mga makabagong teknolohiya maski telepono, cellphone ay wala siya. Pano pa kaya kapoag nakarating na siya roon?
Sana nga'y may tumulong sa kaniya na isang tao upang sa ganoon ay hindi man lang siya tutunga-tunganga. Ang tanging alam lang niya ay ang mga gawaing bahay. Katulad ng paglilinis, paglalaba at pagluluto.
At sa totoo lang ay masarap siyang magluto. Sa kanila nga ay siya ang masarap magluto ng arrozcaldo sa twing umaga at bago mangisda ang itay niya. Naging uglai na rin niya ang pagluluto ng arrozcaldo at sopas tuwing umaga at kaniyang itinitinda ito at ang nalilikom niyang pera ay agad niyang ibinibigay sa kaniya inay at itay.
At ngayon, panigurado, hindi na bebenta ang mga luto niya, dahil alam niyang may mga sikat na mga restaurant na mas maganda pa ang paghahain ng mga pagkain na nakalagay sa mga mamahaling plato at kubyertos.
Sobrang pangungulila ang nararamdaman niya ngayon at hindi niya mapigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. Wala siyang ginawa. Hinayaan niya lamang ito. Maganda rin kasing hayaan mo lang ang sarili mong umiyak, sapagkat dahil dito ay gagaan ang loob mo at mababawasana ng lungkot na mararamdaman mo.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
De Todo(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...