Riiinggg riiinggg ….
Napatigil siya sa kaniyang pagsigaw ng marinig namin ang pagtunog ng cellphone niya. Mula sa kaniyang bulsa ay inilabas niya ito saka sinagot.
Tumingin muna siya sa akin na para bang nagsasabing mag-uusap kami mamaya, saka ako tinalikuran upang kausaping maayos ang kung sinong nasa kabilang linya.
Lumipad ang tingin ko sa kaniyang mga magulang na nakatingin rin sa akin. Tumayo ang kaniyang ama at mabilis ring sumunod rito ang kaniyang ina.
Nakita kong tinapik ni Mr. Gonzales ang balikat ni vhin at bahagya itong tumango sa anak. Niyakap din ng bahagya ni Mrs. Gonzales ang anak saka ito tuluyang lumabas ng bahay.
Napalunok ako nang mapagtantong hindi man lang sila lumingon sa kinlalagyan at tuluyan nang umalis.
“Hindi pa po ako nag-iimbestiga sa inyong anak sir, but I’ll assure you that we will find her”
Siguro’y importante ang pinag-uusapan ni vhin at nang nasa kabilang linya. Napabuntong-hininga nalang ako at tinungo ang sofa. Umupo ako roon at isinandal ang aking likod.
Nasan kaya si fer? Galit kaya siya sa akin? Sana’y hindi. Hindi ko maatim na galit siya sa akin.
Malaki ang utang na loob ko sa kaniya at kung hindi dahil sa kaniya ay siguro wala ako ngayon ditto at hindi ko siguro nakilala si vhin.
Nang iuwi kasi ako dito ni vhin ay hindi ko na napansin si fer. Hindi ko alam kung nasan siya. Itatanong ko nalang kay vhin kung nasan ang kapatid niya.
“Ahh may problema ba?” humarap siya sa akin saka ibinalik ang cellphone sa kaniyang bulsa.
Umiling siya pagkatapos. “Wala kaya ko naman na iyon”
“Ahh ganun ba?”
Natigil kami nang may marinig kaming ugong ng sasakyan galing sa labas. Lalabas na sana ako nang harangin ako ni vhin.
“Akon na” tumango nalang ako at pinanood siyang lumabas sa may pinto.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita ko si vhin na akay-akay si fer sa kaniyang balikat. Taka akong lumapit sa kanila at tinulungan si vhin sa pagpapahiga kay fer sa sofa.
“Anong nangyari sa kaniya?” taking tanong k okay vhin.
“He’s fckng drunk again” napahilamos si vhin sa kaniyang mukha.
Nilipat ko naman ang tingin ko sa walang kamalay-malay na si fer kung saan nakahiga ngayon sa sofa.
“Bakit? May problema siya?”
“I don’t know, basta ang alam ko lang ay naging ganyan na siya simula nung pinuntahan niya si ana”
“ana?”
“Yes, his girlfriend” napailing lang si vhin habang nakatingin rin kay fer.
Ano kayang nangyari sa kanila ng girlfriend niya? Ngayon ko nalang makikita tong lalaking ‘to tapos ganyan ang itsura niya? Haaist.
“ana…ana…please..d-don’t leave me” nagkatingin kaming dalawa ni vhin sa isa’t-isa na para bang alam namin kung ano nga ba ang problema ng kapatid niya.
Pero ngayon, hindi ano, kundi sino…
“Bantayan mo muna si fer, I’ll go get something to eat okay? Alam kong hindi ka pa din nakakapag-almusal” ani vhin.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Random(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...