Chapter 2

18 5 3
                                    

"STEPH ANYARI SA'YO?" Tanong ni Bijess Dotcom. Kaibigan ko yan ahh, basta 'yan ang name niya wag ka nang mangi-alam. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. Hingal na hingal akong pumara ng jeep, sumakay ako kaya gano'n din ginawa ni Bijess. Hindi ko pa rin siya sinagot.

" Gusto mo ba sa inyo ako matulog ngayon?" tanong niya na puno nang pag- aalala. Gusto ko nalang tuloy umiyak ulit ngunit pinipigilan ko kasi marami kaming kasabay sa jeep. Tumango ako sa alok niya kasi gusto ko ng kausap ngayon. Wala kaming ginawa masyado sa school but I felt very tired.

"Oy, Bijess dito ka ba matutulog ngayon?" My mama asked at agad yumakap kay Bijess.

" Ma ako po anak niyo," walang gana kong sabi. Mas una pang niyakap ang 'di niya anak. Tumawa silang dalawa sa inasal ko.

" Opo tita pasok muna kami sa kwarto hehe," paalam ni Bijess at tinulak ako paakyat ng hagdan. Hindi naman gaanong malaki ang bahay namin pero 'di rin kami naghihirap. Mas gusto ko nga ang ganito mas malapit kami sa isa't isa.

"kwentuhan mo naman ako," lumapit si Bijess sa kama ko at umupo sa pinakadulo.

"Wala na, hayop na Amaro 'yon Ginago lang pala ako!" Galit na galit kong ani. Hinding-hindi na ako babalik sa kanya. Itaga man sa bato. Hindi ko naman namalayan ang pagtulo ng luha ko kaya agad akong niyakap ni Bijess.

"Shhhh! Nandito lang ako," she caressed my back. Ang sarap sa feelings na may taong handa kang damayan sa kahit anong problema.

"Hindi mo siya deserved okay? Pag nakita ko talaga 'yang Amaro na iyan uuwing my black eye.

" Sira ka talaga," bumitaw ako sa yakap niya at tumawa.

"Ayan tumawa ka kasi lalo kang pumapangit ew!" nahampas ko bigla si Bijess sa sinabi niya. Nagpapasalamat ako dahil nandito siya sa tabi ko ngayon.

"Sabi ko sayo eh, wag ka na sa pinoy." Ito na naman siya. Pipilitin na niya naman ako makipaglandian sa mga power Ranger. Hindi ko talaga bet mga taga ibang planeta eh, loyal pa rin ako sa pinoy.

"Ano sa power ranger ako makipaglandian gano'n ba?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Ahahahahah gague!" Baliw na siguro to kapapanood ng kung ano-ano.

"Tama nga na iniwan ka ni Amaro ang bobo mo bespren HAHAHAH" Tawa siya ng tawa 'di ko naman alam kung bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Ano-ng pa-wer renger? Whahaahah." Pwede ba manapak promise isang beses lang. Nabuang na.

"Power ranger nga 'yong galing sa ibang bansa," paliwanag ko. 'Di pa nga ako okay eh binibweset pa ako nito. Hindi naman ako bobo eh sakto lang.

"Isa ka talagang dakilang bobo," sabi niya. Agad ko siyang binatukan. Bobo daw kasi eh, sakit kaya pagtotoo. Paulit- ulit huh.

" Hoy parehas lang tayo ng score kanina sa math kung makapagyabang naman 3 over 10 naman ang score.

"Aray naman! Foriegner kasi 'yon." Pumapalakpak pa siya habang tumatawa. Huh foreigner ba 'yon? Gusto ko nalang maglaho sa lupa.

"Eh ano naman? Magkatunog naman ah." Putspa iba pala 'yong power ranger. Wahhhhh nakakahiya. 'yon pala yong parang mga robot na may iba't ibang kulay basta bet ko talaga ang red. Idol ko 'yon.

"Halika dito!" Hinila niya ako papasok sa loob ng cr. Tapos nilabas niya ang kanyang cellphone. Hala manonood ba kami ng bold?

" Woyyy bad 'yan ahh!" pagbabanta ko sa kanya. Agad akong nakatikim ng batok mula sa kanya.

"Bastos ng iniisip mo. Ito may Arabo kasing nagchat sa akin, pero loyal na kasi ako eh kaya bigay ko nalang sayo," sabi niya sa akin. Bahala ka sa buhay mo ayaw ko. Hindi pa nga ako nakamove on eh. Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya.

"Whahahahah Ang bantot ng name." Nasabunuton ko pa si Bijess. Pumapalakpak ako habang tumatawa.

"Abdhul Jhakul," basa ko ulit. Ayaw ko pangalan palang nakakabuntis na. No way. Alam ko matanda na rin 'yan ayaw kong kumain ng expired na hotdog.

"Jhakul- Jhakul- Jhakul." Putspa ang sagwa talaga. Whaahha ansakit na nang tiyan ko kakatawa. Nakakatakot! Her brow furrowed and alam kong inis na inis na si Bijess sa akin. Ngayon nga lang nagbigay ng lalaki ang sagwa pa ng name.

"Sa ayaw at sa gusto mo binigay ko na pangalan mo sa kanya," sabi niya at naglakad na siya palabas. Padabog niyang sinara ang pinto.

"Bijesssssssssssss!" Sigaw ko sa kanya pero ang gague di man lang ako pinakinggan. Napikon ko ata! Whahahahah. I looked at my reflection on the mirror at marahang ngumiti.

" Paano na kaya ako bukas wala na kami ni Amaro?" I asked myself. Gusto kong umiyak ulit pero pinigilan ko. Biglang tumunog ang phone ko na nasa loob ng bulsa ng palda ko.

"hey baby," basa ko sa chat ng isang Arabo at laking gulat ko nang mabasa ang name nito.

"Abdhul J- jhakul?" lintikkk na.

I LOVE MY ARABO, YES I DOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon