Chapter 25

3 1 0
                                    

"Sino jowa ni Steph sa inyo?" Biglaang tanong ni kuya Stex wahhhhh! Wala pa kaming label ni Abdhul eh.

"Kuya naman eh," saway ko sa kanya.

"Ako, Im his future boyfriend," sabi nito na nagpalaki ng mata ko and my jaw drop also.

"Nagbibiro lang siya kuya HAHAHAH" Awkward akong tumawa ng biglang sumagot si Lance. Pero beke nemen future gf niya rin ako mwehehehe bagay naman kami eh. I shifted my gaze to Aj and nakita kong nagkuyom ang kanyang kamao but hindi ko na 'yon pinansin.

Natapos ang gabi na 'yon na puro katatawanan lamang and medyo hindi nagsalita si Aj kanina baka naninibago siya o baka nahihiya pa sa amin. Umuwi rin sila pagkatapos at naiwan na naman akong may malaking katanungan sa aking isip pero dahil may pasok pa ako bukas ay nakatulog din ako.

"Good morning self gumising ka na namang cute." Whahaha nag unat-unat ako ng aking mga buto at hinagod ang aking mata. Its monday at papasok  ako ngayon. Grabe na miss ko ang school. It took 30 minutes before I finished my morning routine.

"Good morning mama," sigaw ko ng buong galak sa aming mansyon char

"Good morning din papa," bati ko sabay halik sa kanyang pisngi. Kasalukuyang nagbabasa ng diaryo si papa at umiinom ng kape.

"Good morning anak," bati niya pabalik. Naagaw ang attention ko dahil sa isang matapang na amoy. Inamoy ko sila mama at papa pero di naman sila mabango eh.

"Ahem ikaw kuya ahh ba't  ang bango mo ngayon?" Tanong ko sa kanya. Siya pala ang may matapang na amoy.

"Paki mo ba unggoy? " Sagot niya. Wuteek ang ganda talaga ng unggoy niya. Gosh!

"Tama na 'yan kain na tayo," aya sa amin ni mama. Kinamusta nila kalagayan ko at mukhang okay na naman ako eh kaya papasok na talaga ako ngayon.

"Kuya sabay ako sayo ah!"

"Wag na! May naghihintay na sayo sa labas," sagot niya. Sino naman maghihintay sa akin? Parang timang to si kuya.

"Sino?"

"Lumabas ka kung gusto mong malaman," sagot ni kuya. Out of curiosity nagmadali akong lumabas sa bahay namin and then binuksan ang gate.

Dug! Dug! Dug! Wahhhh bakit ganito heart beat ko? Abnormal.

"Good morning," bati niya at yumuko pa kaunti. Naka uniform siya gaya ng school ko. It means mag aaral din siya?

"What are you doing here?" Wahhh ang gwapo niya talaga di ko ma carry. Nakakamatay ang mga titig niya. Steph please act normal. Normal lang talaga pero wahhh I can't take it.

"Obviously, sinu-sundo ka," napaka slang nang sagot niya. Wahhh super cute. Ayss sa'n kaya si Lance ay este Abdhul? Bakit kaya di siya ang nagsundo sa akin? Huhuhu nakakatampo.

"Ah ehh where's Lance? Bakit ikaw nagsundo sa akin ngayon Aj?" Tanong ko sa kanya. Siya pa naman gusto ko makasama hays.

"Grrrr, you're searching for another person eh ako 'yong nandito," yumuko siya na halatang nagtatampo. Nyettaaa paano manuyo? Di ako marunong paturo naman.

"Im sorry ahm kasi... ano..."

"Let's go," naging cold ang treatment niya sa akin. Parehas talaga sila ni Abdhul may saltik din. Naupo ako sa passenger seat at syempre nasa driver seat siya. Naging tahimik ang byahe namin. Hindi pa ako nagbreakfast eh pero sige sa school nalang ako kakain.

"Ahm, mag- aaral ka din ba sa SNHS?" Halata naman eh pero di ko gusto ang katahimikan. Tiningnan niya ang kabuuan niya at tumingin sa akin.

"Isn't it obvious?" Nyettaaaa pilosopo ang pakenning Aj na ito ah? Bahala ka diyan di na ako magsasalita. Inirapan ko siya at tumingin sa labas.

"Sweetie I'm sorry," sabi niya. Sweetie daw nyeta yucks! Si Abdhu---

"Weyt why you are calling me sweetie? Siguro binasa mo convo namin ni Lance no?" Tanong ko sa kanya.

"Chill okay, why would I?" Sarkastiko niyang tanong pabalik sa akin. Bahala na nga siya sa buhay niya kainis eh.

"Stop the car!" I shouted. Maglalakad nalang ako kaysa naman masira ang araw ko ngayon.

"Nope!" Sagot niya. Nyettaa naiinis na talaga ako sa kanya.

"I said stop!" Pag-uulit ko.

"Wahhhhhh!" Napasigaw nalang ako dahil sa bilis ng pagmaneho niya. Mama help ayaw ko nang sumakay sa lalaking ito. I  mean sa sasakyan niya baka iba iniisip mo eh ahahahh. Nandito na kami sa tapat ng gate binuksan ko ang pinto parang masusuka na ako, hilong-hilo ako.

"This is all your fault," bulyaw ko sa kanya ng makababa ako.

"I dont care," sagot niya at naunang maglakad papasok. Ang bastos talaga niya.

"Ang gwapo niya!"

"Siya 'yong transferee na sinasabi nila super hot naman pala."

"Crush ko na siya." Wahhh masusuka ata ulit ako. Tss di naman niyan gwapo ah? I mean gwapo siya pero slight lang mas gwapo si Abdhul baby ko. Wait! Sa'n na kaya 'yon.

"Bakit ang ta-gal niyo?" Ang slang naman niyang magsalita speaking of my baby ito na siya sa likod ko. Inipit ko sa gilid ng tenga ko ang iilang hibla ng buhok ko.

"Hi Abdhul!" Ngumiti ako sa kanya at kumaway pa. Nyetaa ang gwapo niya.

"Hi Sweetie," sagot niya at niyakap ako hindi lang 'yon humalik pa siya sa pisngi ko. Wahhhh kinilig ako nyetaaa

"Let's go PDA is not allowed here. Its a school bro!" Saway sa amin ni Aj. Super Kj niya talaga. Nag eenjoy pa ako eh. Naglalakad na kaming tatlo sa lobby papuntang classroom namin. Pinagtitinginan na kami ng iilang mga estudyante.

"Arghhhh!" Napalingon kami ni Lance sa likod namin.

"Im so sorry!" The girl apologized.

"I dont fucking care about your sorry!" Nanggigil na sagot ni Aj. Nataponan kasi siya ng juice na dala ng isang babae. Ang aga aga nagju'juice eh.

"Miss are you okay?" Hinawakan ko siya sa balikat mukhang natakot eh.

"Stop touching me you dirty flirty girl!" sigaw niya. Nyettaaa sinigawan pa ako ah! Tinutulungan ko na nga siya eh para di siya mapahiya.

"Ouch!" Bigla nalang sumigaw ang babae.  Nahawakan na pala ni Aj ang kamay nito.m at hinila niya ito papalapit sa kanya.

"Dont mess up with me  or else I will shut you out," nanlaki ang mga mata niya at nakakatakot tingnan si Aj. Juice lang naman 'yon eh ang arte- arte.

"I'm not scared!" Sagot ng babae sa kanya at umirap pa. Binaling niya ang kanyang paningin sa akin sabay smirk. Ano ba kasing kasalanan ko sa babaeng ito? Mali ba ginawa kong tulungan siya?

"You dirty girl start living your life to the fullest  baka kasi bukas huling araw mo na!" Pagbabanta niya sa akin sabay pulot ng kanyang mga gamit sa sahig. Pagkatayo niya ay nagwika ulit.

"At mapagmatiyag ka sa paligid mo baka kasi niloloko ka na ng mga kasama mo!" Yun lang at naiwan kaming nakatunganga. All her word left a big question in my mind. Anong nagawa ko? Sinong mga kasama? Wahhhhh ang sakit na ng ulo ko umagang umaga eh.  Whatever she say sana hindi totoo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE MY ARABO, YES I DOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon