Chapter 11

11 2 0
                                    

"ikaw ba si Abdhul Jhakul?" Tanong ko ulit. Hindi ako nagkakamali siya talaga ang ka chat ko. Look he's holding his phone also maari talagang siya ang ka chat ko.

"SERIOUSLY? THE F*CK AHAHAHAHAHA" tumawa siya ng napakalakas. Anong nakakatawa?

"Tumigil ka nga Lance!" Sigaw ko sa kanya. Kainis eh.

"Who's that man?" Tanong nito sa akin. It's very hot here. Ang init nang pakiramdam ko bigla. 

"Wala, sino ba kasi ka chat mo? Bakit ka ba nandito?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Easy, I just called my mom to update that I'm here already," sagot nito.

"Talaga wala kang ka chat?" Nagdududa kong tanong. Parang nagsisinungaling siya sa akin eh.

"Why do you want to know? Are you jealous?" Gosh ito na naman siya masyadong assumero. Sinilip ko phone ko para makita kung may ibang message ba si Abdhul sa akin.

"I bet his important to you right?" Tanong nito. Anong importante hindi no?

"No!" Sagot ko agad.

"Defensive," sagot niya at tumatawang naglakad palayo sa akin. Wahhhhh kainis talaga 'yong Lance na 'yon nakakasira ng araw. Umilaw ang phone ko so I immediately open it.

"You're so cute, your blushing dear," chat ni Abdhul sa akin. Wahhhhhhhh tumingin ako sa salamin. Aside sa kyutt naman talaga ako ba't ako namumula? Bakit niya alam?

"Hoy ikaw na Arabo ka pagnakita talaga kita lagot ka sa akin," reply ko sa kanya. Bahala na kung di niya maintindihan hirap kaya mag english.

"I love you too," reply nito. Puteek ang landi ng Arabo na 'to.

"Stop playing with me," reply ko. I turn my phone off at pumasok na sa room.

"HOY LANCE ALIS KA NGA DIYAN!" sigaw ko pero di ata ako maririnig nito kasi lahat ng babae kong kaklase pinagkaguguluhan siya. Alam kong naiinis siya dahil sa mukha niya. Celebrity yarn?

"Tabi nga kayo!" Sigaw ko ulit kaya nagtinginan sila lahat sa akin.

"Look what you did girls! My baby is jealous." Nagwink pa sa akin. Ewss nasusuka ako.

"Jealous yang mukha mo! Alis ka nga sa upuan ko." Hinila ko siya patayo.

"If you want to sit here then sit on my lap." Sabay turo sa lap niya. He licked his lip and then he pinch my nose. Arayyyyyy bushhit

"Wahhhhhhhh!" Napasigaw nalang ako sa inis. Lumapit ako kay Bijess at tumabi sa kanya.

"Sis ang gwapo niya talaga," bulong sa akin ni Bijess at kinikilig pa.

"Saan banda?" Tanong ko sa kanya. Naiinis ako sa Lance na yan kinuha niya na lahat sa akin. Pumasok na ang guro namin kaya nagsitahimik kami.

"May transferee pala tayo,"sarkastikong  sabi ni sir kaya napatingin kami Kay Lance. Iba ang tinginan ng dalawa at para bang anytime may gyera na mangyayari. 

"Pwede ka bang tumayo at magpakilala sa amin?" Utos ni Sir.

"What if I don't?" Tanong ni Lance. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Sir Larry. Every students respect him pero itong puteek na Lance binastos lang siya. Lahat ng mga mata namin ay naka focus lang kay Lance, shitt 'di pa namin nakita si sir na nagalit dahil nga mabait ito sa lahat.

"Boy, bago ka lang dito wag mong ipakita agad ugali mo," mahinahong sabi ni sir na halatang nagpipigil ng galit.

"Who the hell care," sagot ni Lance. Di na ako nakapagpigil kaya nagsalita na ako. Ang bastos eh.

"Hoy Lance umayos ka nga guro natin 'yan," sabi ko kaya nagtinginan sila lahat sa akin. Wrong move nakakahiya pala.

"Okay!" Nagtitipid ulit siya ngayon. Nagpakilala siya sa amin kahit halatang walang gana.

"Okay sit down," sabi ni Sir Larry kay Lance. Nagsimula na siyang magturo about Filipino. Marami na siyang nasabi pero nakatuon parin ako kay Lance. Parang may kakaiba eh.

"'Are you done? so boring!" Napanganga kami lahat sa sinabi ni Lance. No one in history interrupts sir Larry while he is discussing.

"Get out!" Sigaw ni sir kay Lance. Natakot kaming lahat sa lakas ng sigaw ni sir. Namula ang kanyang mga pisngi at halatang nag-uusok na sa galit.

"Okay fine, I can learn your lesson maybe 10 minutes by my own," sabi nito. Kinuha niya ang kanyang  bag at lumabas ng room.

"Wag kayong gumaya sa lalaking 'yon masyadong bastos!" Galit na sabi ni Sir. Ano ba kasing nangyari dun?  Bakit ang sama nang templa niya eh kanina okay naman 'yon. Nag vibrate ang phone ko kaya pasimple ko itong kinuha sa bulsa ko.

"I'm not playing with you sweetheart," reply ni Abdhul sa akin. Ang tagal naman niya mag reply, kanina pa to ah? Napangiti nalang ako, si ABDHUL nemen kese eh.

"Miss Menares what are you doing?" Tanong ni sir Larry sa akin. Unti- unti kong inangat ang aking ulo at ngumiti kay sir habang nakatingin sa cellphone ko. shitttt, opo lalabas na po ako huhuhuhu nakakahiya 

"Kung ayaw mo sa klase ko lumabas ka din sumama ka sa bastos na lalaking 'yon," galit na sabi ni sir habang turo ang pintuan. Wala akong nagawa kundi lumabas.

Wahhhhh kasalanan to ni Abdhul eh bakit ngayon pa kasi siya nagreply. Puteek kailangan ko pa palang hanapin si Lance hindi niya alam pasikot sikot ng school na ito. Pero sabi nga sa nabasa kong qoutes sa Internet always look in the positive side at dahil pinalabas ako at napaaga ang break ko pupunta nalang ako sa canteen at kakain. Bahala kayo diyan basta ako mabubusog!

I LOVE MY ARABO, YES I DOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon