Hala Abdhul is calling me but why? akala ko ba mysterious effect gusto niya pero ba't siya tumatawag ngayon?" Sasagutin ko ba?" I keep on talking.
" baka ano na naman ipakita niya sa akin. 'di ko parin nakakalimutan ang ginawa niya last time."
" Lance what do you think sasa...." hala bakit wala na si Lance dito? Saan na naman 'yon nagpunta? Pipindutin ko na sana ang answer nang bigla itong pinatay. Ay gague lang?
"lets go, we will be late." sabi ni Lance. Pawis na pawis ang mukha niya at nakita ko ulit na pasimple niyang ipasok ang cp niya sa kanyang bulsa.
"Sa'n ka galing?" I asked.
"Sa cr." tipid niyang sagot.
" hala 'di ba galing ka na do'n? May sakit ka ba?" I asked him. Hindi na niya ako sinagot at dumiritso sa room ko. Classmate ba kami?
"STEPHHHHHHHH SINO NGA 'YANG KASAMA MO?" Bungad agad ni Bijess sa akin. Ang laki ng bunganga jusko po. Hindi ko alam pa'no siya nawala kanina. Iniwan ba naman ako sa lalaking 'to?
"Si Lan---" 'di ko na natapos ang sasabihin ko sana kasi si Bijess ayon bumunganga na naman.
"Ang gwapo ng Boyfriend mo!" Hala sinigaw pa niya. What the hell. Namula ako dahil sa sinabi niya. Goshhhh
"No! He's not my boyfriend," Sagot ko, everyone look at me questionably. Kung ayaw niyong maniwala edi don't.
"Ikaw huh! Di mo man lang sinabi sa akin na sinagot mo na pala," sabi niya na nag-iwan ng isang malaking katanungan sa akin.
"Anong sinagot? Kilala mo siya?" Tanong ko.
"Wala nevermind," sagot niya at tumakbo palabas ng room. Anyari dun? Uupo na sana ako sa upuan ko pero Puteekk na Lance sa upuan ko pa umupo.
"Tayo ka diyan!" Sabi ko.
"What?" Arte niyang tanong. Halerr upuan ko lang naman ang inuupuan niya ngayon.
"It's my chair," sagot ko. Bigla nalang niyang tiningnan ang kabuuan ng upuan ko.
"I found no name here!" Sarkastiko niyang sabi. Ahhhhh bweseeeet ayaw ko na. Kainis! Lumabas nalang ako ng room at nagpunta muna sa cr, di pa kasi dumating guro namin.
"Miss you already," basa ko sa chat ni Abdhul. Awiee kahit kailan di niya talaga ako nakakalimutan.
"Sorry I don't miss you." Reply ko sa kanya. Gosh my smile 'di ko mapigilan.
"It's okay someday you'll gonna miss me," reply nito. Why he's acting like this? So weird.
"Can I share something." Para maiba naman 'yong topic.
"Sure anything dear, " reply niya. I want to share about me and Amaro kasi naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"If someone asked you a second chance would you still give them?" Tanong ko sa kanya. I know how Amaro wants me back in his life pero masakit pa rin eh.
"Do you still love him?" Tanong niya pabalik. Ito rin ang tanong ni Lance kanina at hindi ko ito masagot. Hayss gulo na ng buhay ko. Ako yung nagtatanong tapos sinagot din ako ng tanong. Tsk!
"I dont know," reply ko sa kanya.
"Dear, second chances are given to the person who's worth it." Sagot niya. I don't know ang gulo.
"But still here I am willing to give you more chances to prove how much you love me ," reply niya. Ay hala puteekkk, bakit napunta sa akin? How sure he is na may gusto ako sa kanya? goshhh feeling din 'tong Arabo na 'to.
"Stop joking I'm dead serious," reply ko syempre 'di dapat tayo mahalata na kinikilig tayo kaunti.
"Sorry I just want to make you smile," reply niya. Parang sira to.
"Abdhul can I see you?" Tanong ko sa kanya. 'di ko kasi nasagot kanina kasi pintay niya naman. I want to see him kahit sa videocall man lang.
"You don't have to dear," reply niya. Bakit naman kaya? Baka busy siya, pero madali lang naman eh gusto ko lang siyang makita.
"Why? Please 5 minutes only," reply ko sa kanya.
"Or 1 Minute, please say yes." Dagdag ko.
"You don't have to because you already saw me," dagdag niya.
"Wahhhhhh! Totoo to?" Napasigaw pa ako sa gulat, saan ko naman siya nakita? Bigla nalang bumukas ang pinto at parang tumigil ang galaw ng lahat. Kami nalang ata ang gumagalaw sa oras na 'yon. Nakita ko sa mukha niya ang pag- aalala.
"Are you okay?" Tanong nito. He check me like something happen to me. Fyi sumigaw lang po ako 'di po ako sinasak or binugbog. Naagaw ang atensyon ko sa kanyang mga kamay na hawak- hawak ang cellphone niya . Oh my God siya na ba? Siya ba si?
"Ikaw ba si---" Nagliwanag ang mata ko dahil sa ngiti niya. Bakit iba ang pakiramdam ko? Iisa lang ba sila?
"Abdhul Jhakul?" Tanong ko. Owemjiiiiiiii siya na kaya?
BINABASA MO ANG
I LOVE MY ARABO, YES I DO
RomanceHow do these two different people with different nationalities, different attitudes, and nothing in common fall in love with each other? Let us all witness how powerful love is above all. A Filipina girl meets an "ARABO" from Saudi Arabia. They sta...