****BIJESS POV***
Nasa labas ako ng room ni Stephanie ngayon, kasalukuyan kasi silang nag-uusap ni Amaro sa loob. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin. Ang daming what if na pumapasok sa isip ko. Bakit hindi mo naman na halata Steph? Ayaw ko talagang may tinatago sa kanya sapagkat mag bestfriend kami.
"Bijess bakit ka nasa labas?" Tanong ni Lance sa akin. Kakarating lang nila kasama si--
"Kuya?" Tanong ko sa kanya. Shitt nandito na naman tong gwapo na lalaki na sumagip kay Steph.
"How many times I would tell you, stop calling me kuya okay?" Wahhh ang sungit. Eh mas matanda naman siguro siya sa akin ah?
"Where's Steph?" He directly asked. Napatingin ako kay Lance na mukhang problemadong problemado.
"Nasa loob kausap si Amaro!" Sagot ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at parang 'di makapaniwala.
"What?" Tanong niya. Hala baka di niya ako naintindihan? Mapapa English ako. Tinuro ko ang room ni Steph at aktong nagsa- sign language. Para na akong pipi nito juskoo.
"What are you doing?" Tanong ni Lance sa akin na halatang nagtataka.
"Baka kasi di niya ako naintindihan kaya tinuro ko nalang," sagot ko naman sa kanya.
"Tss!" Naiinis na sagot ni Lance.
"I'm going inside!" Sabi niya. No, no, no masisira ang moment ng dalawa. Marupok pa naman si Steph baka nagka- iyakan na 'yon. Tapos babalik na siya kay Amaro. Shiit! No way.
"No! Please no Abdhul" pigil ko sa kanya.
"Aj ang name niya, stop calling him that way!" Sapaw ni Lance. Halaaa nagalit?
" Eh bakit naman? Abdhul naman talaga name niya 'di ba? "
"Shut up Bijess!" Saway sa akin ni Lance. Why anong masama sa sinabi ko?
" Bijess please lang don't call him Abdhul especially in front of Steph," sabi niya. Yeah I know ayaw nilang malaman ni Steph ang totoo.
"Sabihin niyo nalang kasi," sabi ko sa kanila.
"Bijess look its not the right time para malaman ni Steph ang totoo. Please cooperate," sabi niya sa akin. Alam kong hindi si Lance si Abdhul sapagkat una kong nakilala si Abdhul at mamaya ko nalang e detalye ang pagkikita namin ah? Laking gulat ko nalang nang sabihin ni Steph na kilala na niya si Abdhul at 'yon daw ay si Lance.
"Pero mali kasi ito eh!" Sagot ko sa kanya.
"Please Bijess, We need your cooperation. Ayaw mong mapahamak ulit si Steph ' di ba? " Lance asked while holding my shoulder. Yes naman, ayaw ko nang mapahamak si Steph. Muntik ko nang ikamatay ang nangyari sa kanila kay Amaro eh. I can't afford losing my best friend.
"Okay fine pero please sabihin niyo ang totoo soonest." Hindi ko alam kung ano ang plano ng dalawa at pinaglalaruan nila si Steph. Lumabas si Amaro na halatang galing sa pag-iyak
"Are you done?" Sarkastikong tanong ni Aj. Ang bastos niya talaga. 'Di na sumagot si Amaro at nagpatuloy sa pagpapa-ikot ng gulong sa wheel chair niya.
"Hatid na kita Amaro," I volunteer. Kawawa naman kasi eh. Pumasok agad si Aj sa loob at naiwan si Lance sa labas. Ano kayang plano nilang dalawa?
"Amaro are you okay?" Tanong ko sa kanya ng makarating kami sa room niya.
"Yes, tanggap ko na Bijess." Yumuko ito at halatang umiiyak. Dapat lang, gusto pa sana kitang sampalin eh naawa lang ako sayo. Humanda ka talaga pag Inulit mo, babalian kita ng buto.
"Ahm Amaro balik na ako sa room ni Steph huh," pamama-alam ko. Tumango siya kaya umalis na ako.
Nasa loob nadin si Lance kaya pumasok na ako. Pagkatapos ng pagpapakilala kumain na rin kami. Medyo tahimik ang room, pati nga ako hindi alam kung ano ang sasabihin. Baka kasi magkamali ako at masabi ko pa ang totoo. Naihain ko na lahat kaya naputol pinag-usapan nila. Ang intense ng eksena nato. Pati ako kinakabahan. Bigla nalang nagsalita si Abdhul.
"Dont serve the hotdog Steph dont want it anymore," sabi ni Aj na nagpanganga sa amin. Wahhh patay mahuhuli na kami.
"Bakit mo alam?" Nagtatakang tanong ni Steph. Steph kumain ka nalang, favourite niya ang hotdog noon pero bigla nalang umayaw. Ano kayang nakain nito at biglang nag- iba ang isip.
"Ah ehh ano," think Bijess wala akong ibang maisip na isasagot. Ito na lagot na kami nito. Tulooong naman!
" Eh ano... Naikwento ko kasi sa kanya Steph, oo tama nag- usap kasi kami tungkol sayo hehe." sagot ni Lance. Wahhhh thanks God nairaos din.
"Ahh okay!" Parang 'di nakumbinsi si Steph sa sinabi ni Lance kahit hindi matalino si Steph marunong naman siya mag overthink.
"Ito na kain kana Steph," binigay ko sa kanya ang plate na may lamang pagkain.
"Bijess mag-usap tayo mamaya ah?" Bulong niya sa akin.
"Tungkol saan?" Tanong ko sa kanya.
"Tungkol sa sinabi mo kanina na mali ang inaakala ko," Jusko lord, nagkamali ata ako. Help wahhhhhh. Bahala na.
BINABASA MO ANG
I LOVE MY ARABO, YES I DO
RomanceHow do these two different people with different nationalities, different attitudes, and nothing in common fall in love with each other? Let us all witness how powerful love is above all. A Filipina girl meets an "ARABO" from Saudi Arabia. They sta...