Chapter 24

3 1 0
                                    

STEPHANIE'S POV

"Makakalabas ka na anak, yeheeyyy!" bungad sa akin ni mama at papa. Thanks God at 'di na ako maghihirap sa Hospital na ito. Nakakabagot eh.

"Pero please lang Steph mag- ingat ka na sa susunod," paalala sa akin ni kuya.  Wahhh ang caring talaga nito.

"Oo naman kuya promise," sagot ko sa kanya. Si mama, papa at si kuya Stex lang ang nandito ngayon, nasaan kaya ang tatlo? Pagkatapos naming kumain ay nakatulog ako kaya di ko na sila naka-usap lalo na si Bijess. May kaklaruhin lang sana ako eh.

"Ma, sa'n si Bijess?" Tanong ko kay mama. Mukhang pinagtaguan ako ng asungot na 'yon ah? Lalabas na ako ngunit di man lang nagpakita sa akin.

"Umuwi muna siya anak dadalaw na lang daw siya sayo sa bahay," sagot ni mama. Buti naman kailangan ko talaga siyang kausapin tungkol sa sinabi niya.

"C'mmon let's go," aya sa akin ni kuya.

"Ikaw kuya ah excited ka na talagang umuwi porket dadalaw si---"

"Stop Stephanie okay," tinakpan niya ang bibig ko. Ang harass talaga ng kuya ko. Porket may Bijess eh. Inasar ko pa nang inasar si kuya nang biglang tumunog ang notification sa messenger ko. Taray may ka chat pa pala ako. How about naman sayo? May tumutunog pa ba? HAHAHAH

"Hello sweetie, see you later." Basa ko sa chat ni Abdhul wahhh bibisitahin din niya ako. Ommmmmoooo I'm excited. Napangiti tuloy ako nang very slight sabay takip ng bibig baka akalain nila may jowa na ako eh.

Nasa Van na kami ngayon. Si kuya Stex na ang nagdadrive nasa passenger seat naman si papa at kami ni mama ay nasa back seat. Napatingin ako sa phone ko at agad akong napangiti ang gwapo kasi nang Abdhul ko eh.

"Hoy kanina ka pa ngumingiti diyan ah?" Tanong ni mama. Wahhh nahuli ako.

"Hindi naman ako nakangiti ma ah?" Pagsisinungaling ko. Gosh kasi 'yong wallpaper ng cp ko ay si Lance na nakasuot ng hi- jab  Sino kaya nagpalit nito?

"Patingin nga ako niyan," sabi ni mama at inilahad ang kamay.

"Ack wala lang to ma," sagot ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya at binigyan ako ng hindi ako naniniwala look.  Mweheeh 'yong dalaga mo ma may crush na ulit. Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog pala ako sa balikat ni mama.

"Gising na, nasa bahay na tayo." Pag- aalog ni mama. Wahhhh na miss ko ang bahay namin. Ang sariwa ng hangin, ang ganda ng paligid. Dali- dali akong tumakbo papunta sa room ko akoy lumundag sa kama at niyakap ang teddy bear na tinawag kong little Stephanie. Bigay kasi 'to sa akin, pero 'di ko alam kung kay kanino to galing.

"Hello little Stephanie miss mo ba ako?"  Niyakap ko ang human size teddy bear na color pink. Ang cute mo talaga.

" I miss you." Hinalikan ko ito ng paulit ulit. Teka lang? Nasa bahay na ako pero wala pa rin si Bijess? I immediately grab my phone inside my pouch and I dialed her number.

"Hoy Bijess sa'n ka na?" Bungad ko sa kanya. Marami kasi akong tanong na kailangan niyang sagutin.

"Sis! 'di ako makakapunta eh," sagot niya. Wuteeekkk pinagtataguan ba ako nito?

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya. Akala ko pa naman makaka-usap ko na siya.

"May lagnat ako huhuhuhu 'di papayag si mommy na pumunta ako diyan. Baka mahawa raw kita" Umubo pa siya sa kabilang linya. Haysss bakit parang may tinatago sila sa akin? Bakit iba ang nararamdaman ko, hindi naman ganito si Bijess eh. Magkasama na kami mula elementary at kilalang kilala ko na siya.

"Okay, get well soon Bijess." Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kanya ah pero kasi eh arghhhhhh!

"See you tomorrow nalang Sis," sabi niya sa akin. Akala ko ba may sakit siya bakit papasok na siya bukas?

"Sige! Take care Bijess. I love you," sagot ko sa kanya then I ended the call. Kung ano man ang tinatago niya sa akin sana hindi ito masama. Mahal na mahal ko 'yong kaibigan ko na 'yon. Handa akong makipagpatayan kung may mananakit sa kanya.

"Anak labas ka na kakain na tayo," tawag sa akin ni mama.

"Yes mama susunod po ako." Pumasok ako sa cr at naligo. Pagkatapos ng ilang minuto bumaba na rin ako.

"Hey baby," bati sa akin ni mama.

"Halika na anak kain ka na," aya sa akin ni papa pero parang wala akong narinig nakatuon lang kasi ang mata ko sa dalawang lalaki na bisita namin. Buti nalang talaga ay nakaligo ako. Shutaaa ang asim ko pa naman kanina.

"Hey good evening Steph," bati sa akin ni Lance  ay este Abdhul.  Wahhh kinikilig ako. Napangiti tuloy ako at lumapit sa kanya. Niyakap niya ako at bumulong sa akin.

"I miss you," mahina lang pero alam kong narinig nila iyon. Panay kasi sila ng tikhim eh. Ba't naman kasi may payakap huh? Ikaw Lance huh halata na masyado na may gusto ka sa akin. Sino naman kasing hindi magkakagusto sa akin? Eh anh ganda ko.

"Woyyy, ano naman iniisip mo?" Tanong ni kuya sa akin. Nakakahiya kanina pa pala sila nagsasalita.

"Umupo ka na daw," sabi ni papa. Namula tuloy ako sa kagagahan ko. Ito na po mga mahal na prinsipe uupo na po ang inyong lingkod.

"Tss Let's eat!" Nandito rin pala 'tong pinsan ni Amaro si?

"Kj right?" Tanong ko sa kanya. Wahhh nalimutan ko eh

"Aj not Kj argh!" Sagot niya. Badtrip ata 'to? HAHAH totoo namang KJ siya nagmomoment pa kami ni Abdhul eh sapaw.  Wait lang bakit  Nasa gitna ako ni Aj at Abdhul. Ang Awkward naman.

"Ano?" Tanong ni Aj. Gusto kong makiramdam siya no? Ayaw ko siyang katabi period.

"Eat this," sabay sabay na sabi ni Lance at Aj. Favorite ko ang adobo at hawak ito ngayon ni Aj while hawak naman ni Lance ang tortang talong.

"Talong nalang," sagot ko at ngumiti kay Abdhul. Bad kasi ni Aj eh masyadong kj.

"Argh!" Dinig ko kay Abdhul. Pamilyar reaction niya ah?

"Ahem!" Nagpeke ng ubo si papa para makuha ang attention namin.

"Magkapatid ba kayo?" Tanong ni papa sa kanila. Nakita ko ang pag-iba ng reaction ng dalawa. Oo nga magkamukha nga sila bakit ngayon ko lang to nakita?

"Nope tito I mean sir," sagot ni Aj.

"Okay familiar kasi mga mukha niyo," dagdag ni papa. Wahhh baka kilala niya itong dalawa.

"Sino jowa ni Steph sa inyo?" Biglaang tanong ni kuya Stex wahhhhh! Wala pa kaming label ni Abdhul eh.

"Kuya naman eh," saway ko sa kanya.

"Ako, Im his future boyfriend," sabi nito na nagpalaki ng mata ko and my jaw drop also. Wahhhhhhh

I LOVE MY ARABO, YES I DOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon