"Hoy kanino 'yan galing?" Tanong ni mama. Halata sa mukha ni mama ang kilig. May kinalaman ba siya dito?
"Taray! Nakabingwit ng mayaman si unggoy," pangugutya naman ni kuya. Inismiran ko lang siya at inamoy amoy ang bulaklak na rose. Ang ganda nang pagkagawa siguro mahal 'to.
"Anak galing ba 'yan kay Amaro?" tanong ni papa sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango- tango. What if galing talaga 'to sa kanya? Hays nalungkot tuloy ako.
"Para namang magbibigay 'yon sa iyo!" pambabara ni kuya. Nahahalata ko talaga si kuya na ayaw niya si Amaro simula palang dati. One time when Amaro visited me here para magpaalam na liligawan ako, muntik pa silang magsuntukan ni kuya. Yeah, his over protected when it comes to me and I love it.
" Bitter!" sagot ko.
"Kanino nga 'yan galing?" Tanong ulit mama.
"Baka kay Amaro nga ma." Wala naman kasing letter na nakalagay. Kung sino man ang nagpadala sa akin nito, thank you. Well, it made my day. Papasok na sana kami sa loob para maghanda na sa pag- alis papuntang school, isang Lamborghini na kulay blue ang huminto sa tapat ng gate namin.
"Wow ang ganda," I whispered to myself. Hello sinong 'di maa-amaze sa ganyang klase na car? Noong bata ako pinangarap ko talaga ang makasakay man lang ng mamahaling sasakyan. Lahat ata kami dito nakanganga nang lumabas ang isang lalaki na naka uniform parehas ng uniform ko. Shiiitt ang sinag ng araw ang nagbigay liwanag sa kanyang maamong mukha
“Nananaginip ba ako? ” I uttered, he looks like an Angel that everyone wish for. Naagaw agad ang aking mga mata sa matangos niyang ilong at ang asul niyang mga mata. His pinkish and kissable lips adds glamour on his face. Shitt ang masasabi ko lang ay ang gwapo niya period. Ang linis ng mukha niya.
“anak ito panyo tumutulo na laway mo” bulong ni mama sa akin kaya natauhan tuloy ako. Si mama naman kj tsk.
"Good morning ma'am and sir can I ask?" Tanong ng lalaki sa amin. No one ever dares to talk pati si kuya natameme sa aming nakita.
"ahemmm y-yes iho?" si papa na ang sumagot. Tumingin sa gawi namin ni mama ang lalaki at bumaling pabalik kay papa.
"Holy shittt!" Dinig kong sabi ni mama. Hala si mama lumalandi kahit nandito si papa.
" I think I'm lost. CAN YOU TELL ME WHERE SNHS IS LOCATED?" Tanong niya. Does he mean my school?
"You mean SILENTO NATIONAL HIGH SCHOOL?" Tanong ko. Wews napapa English ako.
"Yes!" Tipid nitong sagot sabay smile. Kumikinang ang maputi niyang ngipin. Anong toothpaste ba ginamit nito?
"I think my daughter knows it. Sama ka na sa kanya anak," My mom interrupted and pushes me away. Hala di ko nga 'yan kilala eh.
"Mama naman diba sabi mo 'di ako pwedeng sumama sa mga taong 'di ko kakilala?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti pa si mama habang tinutulak ako palabas ng gate.
"Anak naman, kailangan niya ng tulong." bulong niya sa akin sabay kirot sa tagiliran ko.
"Pa?" Humingi ako ng tulong kay papa pero 'di man lang ako pinansin.
"Mama baka may gawing masama sa akin 'yan, si kuya nalang." Pagtatanggi ko. No I'm still virgin ni reserve ko kaya to kay Abd--- I mean sa future mapapangasawa ko.
"Ayaw ko, busy ako!" Sagot ni kuya sabay takbo papasok sa loob ng bahay namin. Pamilya ko ba talaga sila?
"Mama naman ayaw ko nga sumama," sabi ko pero huli na ang lahat, si mama mismo ang nagbukas sa pinto ng kotse at pina-upo ako sa passenger seat. Pati gamit ko nilagay niya agad sa backseat. Pa oh, binubugaw ako ni mama huhuhu.
"Mukhang mabait naman eh, I love you anak," She kiss my forehead and gives me a gotcha pose. Jusko!
"Thank you mrs...," usal ng lalaki, Shittt ang sarap niyang pakinggan mag English. Ang expensive masyado.
" Tita Senia nalang," sagot ni mama. Hala tita agad?
"Ma! Di naman kayo magkakilala ah?" Tanong ko. Tinalikuran lang ako ni mama at sinara ang pinto ng gate. Kinuha rin niya 'yong bulaklak na pinadala sa akin at dinala sa loob. Pumasok ang lalaki sa kotse na nakangiti at tumitingin pa sa akin nang malagkit.
"Hoy ikaw kung may masama kang binabalak sa akin tumigil ka na. Nananapak ako ng lalaki!" Sigaw ko sa kanya. Kahit gwapo siya 'di ako papatol never.
"Tss" sabi niya tsaka nagkagat ng labi. Owemmmjiii ang bastos nito pero bakit ang cute niya? Nakita ko ang dalawa niyang dimples dahil sa ginawa niyang pagngiti. Lord nasa heaven na ba ako?
"You might melt me with your stares sweetheart." Yumuko ako dahil sa hiya pfttttt. oh lupa lamunin mo na ako please.
" By the way I'm-----"
" Larga na baka ma late pa ako," sapaw ko sa kanya. Wala akong pake sa pangalan niya.
"Sino 'yan?" I asked out of nowhere nakikita ko kasi ang wallpaper ng phone niya dahil kanina pa may tumatawag.
" Can you answer the call for me, please?" hala nautusan pa ako. Aayaw na sana ako pero baka madisgrasya pa kami pag siya ang sumagot.
{" fu*k why the hell you aren't answering your godamn phone? Is she safe?" } Ngumiti lang sa akin ang kasama ko ngunit 'di ko naman alam anong isasagot.
{" Sorry wrong number bye," sagot ko na ikinatawa ng kasama ko.
"bakit?" tawa lang siya nang tawa kahit wala namang nakakatawa. Baliw siguro 'to.
BINABASA MO ANG
I LOVE MY ARABO, YES I DO
RomanceHow do these two different people with different nationalities, different attitudes, and nothing in common fall in love with each other? Let us all witness how powerful love is above all. A Filipina girl meets an "ARABO" from Saudi Arabia. They sta...