Dalawang put taon siyang nagtiis na magtago sa mga kauri niya na mga taksil. Gabi — gabi niyang napapanaginipan ang pangyayari. Ang sakit, puot at galit sa puso niya ay hindi nawawala.
Napadpad siya sa Pilipinas at sinubukang mamuhay bilang tao pero ang sumpa ng isang pagiging vampirii niya ay hindi niya matatakasan. Kaya gabi — gabi pumupunta siya sa isang gubat at dun siya maghahanap ng hayop.
Sa pagdaan ng taon, ang pula niyang mga mata ay naging kulay dilaw dahil sa dugo ng mga hayop na pinapatay niya. At noong may malaman siya tungkol kay Albus gumawa siya ng aksyon.
Nandito ang tiyuhin niya sa Pinas para gumawa ng maraming bagong silang na supling para maging tauhan nito at sakupin ang buong daigdig. Naging sakim ito sa pagdaan ng dalawang put taon at gagawin niya ang makakaya niya para hindi mangyari ito.
"Hey emo girl, can we sit beside you!?" Sabi ng malanding boses.
Sumimangot siya at nawala siya sa konsentrasyon dahil sa isang matinis na boses. Napabuntong — hininga nalang siya. Kung hindi lang niya kailangan na pumasok sa pesteng paaralan na 'to nunca mananatili siya dito.
"Be my guest Ms. Christina!" Ngumiti siya sa babae at sa isang alipores nito.
Nandito siya sa canteen ng Salvatore Academy para makapag — isip pero malas siya dahil ang isang Queen Bee ng School ay nandito at trip na naman syang istorbohin.
"So what's your name Emo girl?" Sabi ni Honey.
"Jocelyn Alistair, Ms. Honey!" Pag — sisinungaling niya.
"But you're not a Jocelyn type, you're more of an Ingrid type!" Sabi ni Christina.
Tumaas ang kilay niya. At kailan pa naging Ingrid ang pangalan niya?. Ngumiti nalang siya para iwas gulo. Tumayo ang mga ito at kumaway.
"Well see you later 'Ingrid'." Sabi ni Christina sabay irap sa ibang estudyante.
Kumaway nalang siya bilang ganti sa dalawa at napailing. Pinagpatuloy niya ang pag — inom niya ng wine para maibsan ang uhaw niya sa dugo.
Nagtatago siya ng alak araw — araw para maibsan ang pagka — uhaw niya at para hindi niya mainom ang mga dugo ng mga estudyante dito.
Naglalakad siya ng may mahagip siyang tatlong gwapong lalaki na sinisipa ang isang may salaming lalaki. Lalampasan na sana niya ang mga ito at iignora ng makalanghap siya ng mabangong amoy.
Naramdaman niyang tumaas ang pangil niya kaya napamura siya sa kanyang isip.
"Hoy Torres! Sabi ko diba na gawin mo ang research paper namin!" Sabi ng isang lalaki.
"Kaya nga research paper, kayo ang gumawa at kayo ang mag — research!" Matigas na sabi ng nerd.
BINABASA MO ANG
The Lost Queen ✔
Vampire(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINISHED: AUGUST 27, 2018