Nakaharap na ngayon si Angel sa salamin. Hindi maitatago ang saya sa mukha ng dalaga kasi ngayon ang araw na mag – iisang dibdib sila ng pinakamamahal niyang Hari.
Dalawang bampirang babae ang nag – aayos sa kanya pero hindi niya maiwasang matakot sa mga tingin na pinupukol ng mga ito. Parang handa siyang lapain ng anumang oras. . .
May biglang nagsalita sa likod niya. “Pag hindi niyo titigilan ang soon – to – be – sister ko, bukas wala na kayong ulong dalawa. How is that sound, dears?”
Napatingin si Angel kay Elizabeth Morningstar. Kung may malamig na tingin meron ding mapaglaro.
Nakilala niya si Elizabeth Morningstar kanina lang. Nung pinakilala siya ni Alec dito, ganun nalang ang pagkagulat niya ng sinalubong siya ng mainit na yakap ng babae.
Inosente ang mukha nito pero sa mga mata nito makikita rin ang isang Reyna. Kaya lang playgirl ito. Gaya nalang ngayon. Parang pa dami dami ang lalaki nito.
“Patawad po Mahal na Reyna.” Bigla silang yumuko dahil sa takot. Napabuga nalang ng hangin ang dalaga. Minsan, hindi parin siya makapaniwala na may mga bampira talaga at namumuhay sa isang lugar na tinatawag na CITY OF ASHES.
Lumapit sa kanya si Elizabeth at hinawakan ang dalawang braso niya. Tiningnan siya nito sa salamin. Ngumiti ito ng totoo. Hindi peke o kung ano pa man.
“You’re beautiful. My two siblings have a good taste. I am sure you would make my brother happy.” Bigla nitong inipit ang isang ligaw na buhok sa tenga ng Bride.
“Kaya lang anong pinakain ng Brother dearest ko sayo?. Nakatagpo siya ng isang anghel!”
Humalakhak ito at ganun din si Angel. “But kidding aside, gusto mo talaga maging bampira? You read stories about us right?” Sumeryoso si Elizabeth sa sinabi niya.
Hindi kasi niya matiis. Alam niyang mabuting mortal si Angel, nakikita niya yun pero sacrificing to be a vampire just to have Alexander, humanga siya sa determinasyon ng dalaga.
“Sa totoo lang po, takot ako sa mga bampira hanggang ngayon pero nung nakilala ko si Alec, everything change. May nakilala akung mga mabubuting bampira at saka kung nandun ang mahal ko, dun rin ako. Hindi ko po alam, but as day pass by, lalo lang akung napamahal sa kanya.”
Napangiti si Elizabeth at binitiwan na niya ang braso ni Angel. Hindi naniniwala ang dalawang Reyna sa pag – ibig maliban kay Alexander. Nakita nila kung paano nasira ang mga magulang nila ng dahil sa pagmamahal.
Selos, takot at galit. Sa sobrang galit ng Ama niya na nagtaksil ‘daw’ ang kanilang Mahal na Reyna na si Jocelyn Morningstar pinatay niya ito. Sa labis na pagsisisi nagpakamatay rin ito at nakita ng dalawang batang babae ang lahat.
Alam noon ni Clarissa na pinagbubuntis ng kanilang Ina si Alexander, pero hindi nagawang iluwal dahil namatay na nga ito, pero binuhay ito ng pinakamatandang kapatid. Binuksan niya ang tiyan ng Ina nila at kinuha ang sanggol. Walang problema sa kanila dahil kabuwanan na ng Reyna noon. Hindi nila pinaalam kay Alexander ang totoong nangyari para hindi siya matulad sa dalawang kapatid niya. Yan ang masaklap na katotohanan.
BINABASA MO ANG
The Lost Queen ✔
Vampirgeschichten(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINISHED: AUGUST 27, 2018