A/N: I dedicate this to the one who first like my story. Kung sino ang unang maka - like I'll update this. Tnx.
=======================
Nakaupo ngayon si Clarissa sa kanyang trono at umiinom ng dugo habang may nagsasayaw na tatlong babae sa kanyang harapan.Nababagot siya dahil natapos na ang dapat tapusin.
“Gusto niyo bang putolin ko ang mga parte ng mga katawan niyo? Tanggalin niyo ang pagkabagot ko mga inutil. Sumayaw kayo ng maayos!!!”
Kahit hindi ito sumisigaw alam nilang nauubos na ang pasensya nito. Muling nagsasayaw ang mga babae pero wala paring epekto.
Ang baso na kanina may laman ng dugo biglang nawasak. Tinawag niya ang mga kawal niya.
“Ikulong niyo yang mga yan. Parusa nila dahil hindi nila nawala ang pagkabagot ko.” Sabi niya sa malamig na tinig.
Maluluha na ang mga tatlong babae. Dugo ang lumalabas sa kanilang mga mata. Yumuko ang mga kawal.
“Masusunod po mahal na reyna!” Lumakad na sila at nakagapos na ang tatlo. “Isang araw lang sila sa kulungan at balik na kayo sa trabaho. Mga walang silbi.” Pahabol na sabi ni Clarissa.
Tatayo na sana si Clarissa ng may pangahas na buksan ang pagkalaki – laking pinto. Si Alec na may kasamang babae.
Sa naramdaman niya sa kanyang mga katulong na nagugutom, ito na ang kasintahan ng kanyang kapatid.
“MAGSI – ALISAN KAYO!” Sigaw ni Clarissa at naiwan silang tatlo doon.
“Ate. Ito si Angel Montes fiancée ko.” Kahit naman, pumayag ang ate niya hindi parin mawala na kabahan siya.
“Dun ka muna sa Kusina. Sasamahan pa ako ng fiancée mo sa study room. May pag – uusapan kami.”
Nagsimula na siyang maglakad ng wala siyang maramdamang sumunod sa kanya.
“Susundin niyo ba ako o ipapatay ko ang babaeng yan? Nagugutom na ang mga kawaksi ko Alexander. Ano ang pipiliin mo?” Naramdaman naman na seryoso ang ate niya pero kinakabahan parin siya para kay Angel.
Ngumiti si Angel sa fiancée niya at sumunod na sa kapatid ng kasintahan.
Wala silang imik na naglakad. Ramdam ni Angel kung gaano makapangyarihan si Reyna Clarissa, mahahalata mo sa tindig niya pero kahit ganun hindi niya isusuko si Alec. Lalaban siya kahit tao lang siya.
Binuksan ng kawaksi ang pinto ng study room at pumasok na ang dalawang babae. Napapikit nalang ang kawaksi sa naamoy pero mas takot siyang mamatay ng wala sa oras kaya binalewala nalang niya ang mabangong dugo at gutom. Yumuko siya at umalis na.
BINABASA MO ANG
The Lost Queen ✔
Vampire(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINISHED: AUGUST 27, 2018