#Clarissa Morningstar
#Sneak peak of my story
#Vote
#Comment & Be a fan
***
Yumuko si Augustus sa isa sa mga reyna ng mga bampira. “Mahal na Reyna. Paumahin kung naistorbo ko kayo sa inyong pagkain. Nandito na po ang ibang mga kapatid niyo.”
Nakatingin si Clarissa sa kanyang tagasilbi habang ang kanyang kamay ay nasa leeg ng isang bampirang lalaki. Walang emosyong tumayo si Clarissa at binalibag ang kanyang ‘pagkain’ na halos wala ng dugo.
Lumapit siya kay Augustus. Tinutukan niya ang leeg nito ng kanyang mahahabang kuko kaya nagdugo ang leeg nito.
“Alam mo bang ayaw kung maistorbo sa aking ‘pagkain?.” Kasing lamig ng yelo ang boses ni Clarissa at natatakot si Augustus kung anong gagawin sa kanya ng reyna. “Pag hindi ito importante sa akin, puputulin ko ang leeg mo. Naiintindihan mo ba ako?”
Mabilis na tumango si Augustus at yumuko bago umalis.
Tiningnan lang ito ni Clarissa at bumaba na para harapin ang kanyang mga kapatid. Sa kusina niya naramdaman ang kanyang mga kapatid at doon nakita niya ang isang lalaki at babae. “Bakit kayo nandito sa aking Kastilyo?” Lumingon ang dalawang bisita at kay lawak ng kanilang ngiti.
Unang nagsalita ang pinakabunso sa mga Morningstar. “Hindi mo ba kami gustong makita ate?” Anas ng isang baritunong tinig.
Siya si Alec Morningstar ang nag – iisang lalaki. Kung gaano kalamig si Clarissa ganun kabait si Alec. Kaya minsan, gusto nalang ikulong ni Clarissa si Alec sa kanyang Kastilyo. Walang kamuwang muwang si Alec sa mga maraming kalaban ng kanilang pamilya.
“Oo nga naman Ate. Parati ka nalang nagkukulong sa tahimik mong palasyo. Gayahin mo ako ate. Just having fun.” Sabi ng maarteng tinig. Siya si Elizabeth Morningstar. May malamig at may mabait.
Si Elizabeth, ay isang pureblood na walang ibang gawin kundi maglaro. Maglaro ng mga lalaki. Gaya nalang ngayon. May kasama siyang dalawang lalaking bampira na nakahubot – hubad ng pang – itaas at pinaypayan si Elizabeth. Napataas ng kilay si Clarissa. Pasaway.
“Bilang isang reyna, gagawin ko ang tungkulin ko. Wala rin akung interes sa mga lalaki. Pagkain lang ang tingin ko sa kanila. Kung gusto nila akung makasama, gagawin ko silang pagkain.” Napanguso nalang si Elizabeth sa tinuran nito samantalang si Alec umiling nalang. “Ano ba ang ginagawa niyo dito?”
Napakislap ang mga mata ni Alec. “Oo nga pala. May pagdiriwang mamayang gabi sa Center Plaza ng City Of Ashes ate. Ikakasal na ako.” Nagulat ang dalawang babae.
Si Elizabeth na ngumingiti kanina ay nawala. Magkamukha na sila ni Clarissa ngayon. Si Clarissa naman, napahawak sa mahogany table ng kanilang kusina at lahat ng salamin sa kanyang Kastilyo biglang nabasag at ang mesa nagiba.
Napatayo si Elizabeth at nilapitan niya si Alec. “Nahihibang ka na ba bunso? Nakalimutan mo na ba ang pinag – usapan natin? Kilalanin mo muna ang mapapangasawa mo. Eh, hindi nga namin alam na may girlfriend ka at wala kang pinakilala na kasintahan sa amin ni Ate Clarissa.”
Napayuko nalang si Alec. Kasalanan naman niya eh, pero masisi mo ba siya? Sa tuwing magkaka – interes siya sa isang babaeng bampira pinapalayo siya ng kanyang mga kapatid. Wala silang natitipuhan ni isa kaya ngayon tinago niya.
Napatingin siya sa nakatatandang kapatid na ngayon nakatingin sa kanya. Alam niyang galit ito? Biruin mo lahat ng salamin sa Kastilyo nabasag?
Pero nabigla siya sa sinabi ni Clarissa. “Pumapayag ako Alec.” Nagulat siya pero napangiti narin. Kahit gaano kawalang emosyon ang ate niya, alam niyang mahal na mahal siya nito. “Pero sa isang kondisyon, gawin mo siyang bampira.” Nagulat ang dalawa sa pahayag ni Clarissa.
“A-lam m-o ate?” Bigla siyang pinagpawisan. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya pinakilala ito sa mga kapatid niya ay isa itong tao.
Hindi naman bawal sa kanila ang maging kabiyak ang isang tao pero minsan lang yun. Kasi ang tingin nila sa katulad nina Clarissa ay mga halimaw.
Tumango lang si Clarissa. Parati niyang sinubaybayan ang dalawa kung may ginagawang kalokohan. Hindi naman niya ibibigay ang kapatid niya kung hindi ito mahal ng babaeng tao.
Kahit hindi siya marunong magmahal sa opposite sex, naiintidihan naman niya ang nararamdaman ng mga ito.
“Pero paano kung hindi siya papayag?” Malungkot nitong tugon.
“Eh hindi ka mahal ng gaga. Problema ba yun?” Umakbay si Elizabeth sa kanyang kapatid. “Kung approve si Ateng Lamig sa kanya ay pumapayag narin ako. I trust her judgement bunso. Kahit cruel yan, maraming rumerespeto sa kanya. Kaya I really like to meet her.”
Walang katumbas na saya ang naramdaman ni Alec. Hinalikan niya ang pisnge ng Ate Clarissa niya at dali – daling lumabas sa Kastilyo nito para ipaalam sa kanyang girlfriend at naiwan si Elizabeth kasama si Clarissa.
“Gusto mo bang kilalanin ang kasintahan ng bunso natin ate?”
Tumango nalang siya. Tinap niya ang balikat ni Elizabeth at sabay sabing. “Ikaw kailan ka magtitino?” Sabay tingin sa dalawang bampira na walang pakundangan pinagpaypay ang kanilang reyna.
Walang halong asar ang tanong ni Clarissa pero biglang tumawa si Elizabeth. Nasanay na sa ugali ng kanyang kapatid.
“After 100 years ate. Sige una na ako.” Tumingin siya sa dalawang alalay at bigla nalang itong sumunod sa kanya. Naiwan sa Kastilyo si Clarissa at tinawag niyang muli si Augustus.
Bigla niyang hinawakan ang braso nito at walang kahirap hirap na natanggal. Nagsisigaw ang lalaki pero hindi ito inintindi ni Clarissa.
“Sa susunod na isturbohin mo ako sa pagkain ko, hindi lang yan ang aabutin mo. Pasalamat ka importante yun at pasalamat ka sa kapangyarihan mo. Kung hindi isang kamay nalang ang gagamitin mo.”
Bago umalis si Clarissa sinuntok niya sa sikmura si Augustus at napalipad nalang sa ere. Bumalik na sa kwarto si Clarissa at nakahandusay naman sa lapag si Augustus.
Isang malupet na reyna si Clarissa pero alam niya ang kanyang limitasyon. Gaya ng ginawa niya kay Augustus. Naputol nga ang kamay nito pero may kapangyarihan itong patuboin ulit iyon. Pero natatakot parin siya kay Clarissa Morningstar.
BINABASA MO ANG
The Lost Queen ✔
Vampire(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINISHED: AUGUST 27, 2018