Author’s Note: Pang – regalo ito sa pasko guys. Merry Christmas. Pareho lang ang hinihingi ko. Kung sino ang maka – vote ng chapter na ito, I’ll update this story and I’ll also dedicate this to her/him. The names of these characters are not mine. They are from the famous book of Mortal Instruments and the famous author Cassandra Clare. I really love that book, don’t you? Again, Merry Christams and Advanced Happy New Year and the upcoming year of 2015.
Merry Christmas erika18s
========================================
Dugo. Maraming dugo. Dugo ng mga lycans at abo ng mga bampira. Sa masayang pagdiriwang naging isang masamang bangungot. Si Sebastian at Clarissa Morningstar, dalawang pinuno na magkaiba ang lahi.
Walang katapusang kamatayan sa dalawang lahi. Nanghihina na si Clarissa dahil sa daming namatay na mga kalahi niya. “Paano ba yan, unti – unti ka ng nanghihina?”
Si Sebastian Cross, pinuno ng mga taong lobo. Isang hari ng tinatawag na Lycans City. Mga lobong anyong tao. Werewolf kumbaga, yan ang pagkakakilanlan ng mga karamihan.
Mapusok at gutom sa kapangyarihan. Matagal ng kalaban ng Reyna at kinasusuklaman ang mga bampira. Ang hangarin ni Cross ay pabagsakin ang City Of Ashes at ang sabi sabing walang pusong Reyna. Clarissa Morningstar.
“Ito ba ang gusto mo Cross? Walang kapayapaan sa dalawang lahi? Tingnan mo ang kalahi mo, ganito ba ang gusto mong mangyari?” Galit, poot at paghihinagpis. Nararamdaman ni Clarissa ang sigaw at paghingi ng tulong ng mga kalahi niya at wala siyang magawa.
Ngumisi ito ng nakakaloko sa kanya. Unti – unti itong nagpalit ng anyo. Nawasak ang damit, ang itim na mata ay naging kulay dilaw ng isang mabangis na hayop.
Si Sebastian Cross ay naging isang puting lobo kasing puti ng nyebe pero may mabagsik na mga mata. Dahan – dahan itong lumalakad, papalapit sa kanya.
Naging matulis ang mga kuko niya at bigla nalang itong sumugod pero nilagpasan lang siya nito. Isang batang babaeng bampira ang hawak ngayon ni Sebastian. Huminto ang lahat ng nararamdaman niya. Tumigil ang mundo at iyak lang ng supling ang maririnig niya.
“Mama. Tulong po. Mahal na Reyna. Mama.!!!”
“Parang awa niyo na po. Huwag ang anak ko.” Lumuhod ang ina ng bata sa lobo at dun na siya nanghina. Bakit ganito? Ako ang tinuring na pinakamalakas na Reyna, pero hindi ko man lang mailigtas ang mga kalahi ko.
“Cross tigilan mo na’to. Huwag mong idamay ang isang supling.”
Humalakhak ang lobo. Nangugutya. Nandidiri. “Hindi ko alam, na may awa pala ang Reyna ng mga bampira.” Dahan – dahang lumalapit ang lobo at pinakawalan ang batang babae pero, tinapon ng pagkataas – taas. “Catch her, Clarissa. Kawawa naman.”
BINABASA MO ANG
The Lost Queen ✔
Vampiros(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINISHED: AUGUST 27, 2018