Chapter 6: Dungeon

3.4K 99 11
                                    

Chapter 6

Masakit isipin na sa isang katulad lang na Sebastian Cross siya babagsak. Hindi niya akalain na mawawasak lang siya ng tuluyan sa mga taong lobo.

Wala pala siyang kwentang reyna. Isa siyang inutil at hindi rin niya magawang itakas ang kapatid niya dito at asawa nito. Nakasakay ang babae sa likod niya at walang imik na pinagpapatuloy ang paglalakad.

Nakita niya ang isang dambuhalang pinto at napansin niyang huminto rin ang mga kasama niya.

“Open the door, man. The king has arrived.” Sabi nung kasama nilang lalaking may pilat sa kanyang mukha.

Unti – unting bumukas ang pinto at maraming tahol ng lobo ang naririnig ni Clarissa. Hinigpitan niya ang kapit sa nanghihinang babae.

Sari – saring pangungutya ang naririnig niya sa mga kauri ni Cross. Patuloy parin sila sa paglalakad pero may humawak sa braso niya at pagtingin niya si Sebastian pala ito.

Nakangiti ito ngayon sa kanya at kinuha si Angel. Umangal si Clarissa pero sinuntok siya ni Sebastian sa sikmura kaya napatigil siya.

Dinala siya nito sa isang maliit na entablado na may isang kahoy na nakatayog. Parang noong unang panahon na doon ginagapos ang isang mangkukulam o isang bilanggo.

Kinuha ni Sebastian ang kamay ni Clarissa, at ginapos. Ngumiti siya ng nakakaloko ng maraming lycans ang nanonood. Bata man o matanda makikita ang galit sa mga mata ng mga ito.

Parang nagtatanghal si Sebastian sa mga lycans. Ang kanyang mga sundalo naman, ay naaliw sa palabas. Nakita niyang naluluha ang supling, na tinatawag na Angel. Supling ang tawag ng mga bampira sa mga bata ng kanilang uri o isang tao na pinili ang ganitong pamumuhay.

Umiling siya. Sayang ang batang ito, wala itong pag – iisip! Tiningnan niya ang mga manonood at ang nakayukong Reyna na hindi na makakawala.

“My fellow packs, nagtagumpay kaming wasakin ang tinaguriang City Of Ashes. Nasa harap niyo na ngayon ang isang pipitsuging Reyna. You can do whatever you want with her. Aliwin niyo ako!”

Naghihiyawan sila na ikasaya ni Sebastian. May isang lalaking sa tantyang edad ay singkwenta anyos. Bigla nitong tinapon ang isang nabubulok na kamatis. Maraming nabubulok na kamatis.

“Iyan ang bagay sa mga katulad mo. Wala kayong puso. Parehas kayo ng kamatis na ito. Mabulok ka na!”

Napapikit si Angel sa nakita. Hindi niya kayang makita ang Reyna na ganito. “A-ngel?”

Napamulat siya sa narinig na malamig na boses. Ngumiti ito. Bumuhos na ang luha niya. “C-lose your eyes, Please!” Sinunod niya ang utos nito.

Bakit ganito? Masaya naman sila diba kanina. Bakit? “Tingnan niyo umiiyak ang Princesa. Hahahaha!” Pinagtatawanan nila si Angel pero may narinig siyang sumigaw.

The Lost Queen ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon