Chapter 23: Siblings

1.8K 52 2
                                    


Napasalampak si Clarissa sa higaan na nakalaan sa kanya. Hindi kasi nila mapasok ang kastilyo dahil alam niyang any minute magigiba na yun.


Napapikit siya at mukha ni Pierre at ni Angelo ang nakita niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at napatingin sa salamin. Nakabuhaghag ang buhok niya at nakakunot – noo.


"I miss them!" Sabi niya sa repleksyon niya sa salamin. Napasabunot nalang siya sa buhok niya at nadatnan siya sa ganoong ayos.


Di mawari ang itsura ng mga kapatid niya, parang nagpipigil ng tawa kaya napa tikhim siya at namumulang umiwas ng tingin.


"Ano kailangan niyo?" Malamig niyang sabi para matakpan ang pagkapahiya niya sa dalawa.


Naramdaman niyang lumundo ang higaan niya at tumabi si Izzy sa kanan at si Alec sa kaliwa kaya pinapagitnaan siya ng dalawa.



Pero instead na sumagot sa tanong niya, tiningnan siya si Alec ng nakakaloko kaya sinuntok niya ito at napa 'aray' naman ang huli. Napairap siya sa bunsong kapatid.



"So mind telling us kung anong bumagabag sa isip ng butihing ate namin?" Asar ni Izzy kaya binigyan niya ito ng matatalim na tingin pero ang bruha napa 'flip hair' nalang.


"I am thinking of him." Bagot na sabi niya at napanguso.


"Figures." Sabay sabi ng dalawa.


At sumunod ang nakakabinging katahimikan sa pagitan ng tatlo. Inunat ni Alexander ang dalawang kamay niya at humiga. Nakatitig siya sa kisame.


"So pagkatapos nito, ano plano mo ate? If we survive this war that is."


Napatingin siya sa nakatatandang kapatid na malalim ang iniisip pero unti – unting napangiti. "I'm planning to spend my life with Pierre, Alec."


"Hmmm." Yan nalang ang sagot niya pero sumabat si Izzy na seryosong nakatingin sa ate nila.


"Are you going to turn him to one of us.?"


Napatingin silang dalawa kay Elizabeth. Napabuntong – hininga siya at napapikit. Mukha ni Angel ang nasa isip niya. Why would you bring the old memories mind? Dahil ba sa sinabi ni Ate izzy?


"It's not my decision Izzy! Pero gusto ko na manatili siyang maging tao. For his father and sister!" Saad ni ate pero nagulat parin siya.


Hindi kasi iyon ang inaasahan na sagot niya sa ate niya, kaya napatanong siya kay Clarissa.


"Bakit ayaw mo ba siyang makasama habang buhay?"


Napangiti si Clarissa ng malungkot pero payapa rin. Gets niyo? Kasi siya hindi. Tss. "Gustong gusto ko siyang gawing bampira Alec para makasama ko siya habang buhay, pero ayaw kung maging selfish. May sarili siyang buhay at kung gusto niyang tumanda at mamatay who am I to be against his decision right?"

The Lost Queen ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon