Naalimpungatan si Alexander at napabalikwas ng bangon dahil sa panaginip niya. Napasandal siya sa puno at yumuko.
“Y-our Highness?”
Nag – angat siya ng tingin at nakita niya si Keith na nakakunot – noo. Ngayon lang niya nalaman na hindi pantay ang paghinga niya. Napakuyom bigla ang kamao niya.
“Let’s go back to Lycans City ngayon na.” Malamig na sabi niya.
Tumango nalang si Keith at sabay silang napatayo at bumalik sa tinatakasan nilang lugar. Wala silang imik sa paglalakad at nakita nila ang isolated na lugar ng mga Lycans o werewolf.
Napahinto si Alexander. “My s-ister is not here Keith!”
Napahinto rin si Keith. “Po?”
“Hindi ko nararamdaman ang presinsya niya.” Ginulo niya ang buhok at napasuntok sa pader na katabi ng dambuhalang gate ng Lycans city. Lalo itong nawasak kaya napabuntong – hininga nalang ang kasama ni Alexander.
Ang laki ng ipinagbago ng lalaking Morningstar. Kahit nakilala niya itong bihag, siya ang pinakamabait sa magkakapatid pero ng mamatay ang kabiyak nito ay nagbago ito.
Napasandal ang huli sa biyak na natira sa pader ng gate. “Paano ko siya hahanapin nito!? Wala akung alam kung saan si Ate Izzy ngayon naman si Ate Clary wala rin!? Shit!”
“Paano kung bumalik tayo sa City Of Ashes your highness?”
Napatingin ang lalaki sa kanya at nagkatinginan sila. Sabay silang tumango at nagtatalon sila sa mga sanga ng puno para mabilis na makarating sa lugar ng mga vampirii.
Nang nakita nila ang lugar, binagal nila ang pagtalon at pinakiramdam ang lugar. Tama ang hinala nila, maraming mga bampira ang nasa City Of Ashes.
“Kilala niyo po ba ang mga vampirii na nandyan!?”
Tumalikod siya. “Hindi, pero marami akung naaamoy na bihag na tao.”
Nagulantang si Keith. “P-ero diba nakasaad sa libro niyo na bawal uminom ng dugo ng tao kung hindi lamang ito kusang mag – aalok!?”
Nagdilim ang mukha ng lalaking Morningstar at napamulsa. “Yeah but compare to us, the fake king has other plans in his fucking mind. Keith?”
“Po?”
“Maghiwalay na tayo dito. Wala kang obligasyon na pagsilbihan ako dahil hindi mo naman ako kauri.”
Gusto niyang tumutol sa sinasabi nito pero walang boses na maririnig mula sa kanyang bibig ng bigla silang napalingon ng may dalawang babaeng teenager ang nakangise sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Lost Queen ✔
Vampiros(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINISHED: AUGUST 27, 2018