Chapter 8: Endless Destruction

2.9K 88 5
                                    

Author’s Note: This chapter is the Queen’s POV guys. Para malaman naman natin kung anong reaksyon niya at damdamin. Deym kill me if hindi maganda. Thanks for reading. Chao and Happy Summer. <3

 

CLARISSA

 

Napaungol ako sa sakit ng ulo ko at pagmulat ko, nasa isang madilim na kwarto ako. Gamit ang isang kamay para suporta sa dingding na sasandalan ko lumakad ako at hinanap ang switch sa ilaw.

Sa pagkapa ko nakita ko rin at bumungad sa akin ang isang magandang kwarto. Inaamoy amoy ko ‘to at pabango ng isang babae ang nalalanghap ko. Naglalakad ako at napahinto ako sa isang maliit na glass table na may mga maraming larawan.

Kinuha ko ang isang litrato at dalawang batang lalaki ang magka – akbay na nakangiti sa camera at parang lahat ng alala ko sa nangyari came rushing back to me at napasalampak ako sa simento ng naging dahilan para mabasag ang litrato.

Napatulala ako at hindi ko namalayan may parang lumandas sa pisnge ko at nakita kung umiiyak ako. Napasuntok ako sa lapag at halos mabiyak ang kwarto sa matinding galit na nararamdaman ko.

Pinagpag ko ang damit at pinihit ang pinto pero naka – lock kaya buong pwersa ko ‘tong hinila at natanggal sa lakas ko. Dali – dali kung tinakpan ang ilong ko sa mga halo halo na mga amoy ng dugo.

Naaamoy ko ang baho ni Albus Morningstar at napatiim bagang ako ng napagtanto ko na siya ang sumalakay sa lugar na ito.

Bumalik ako sa dungeon at napahinto ako sa nakita. Nakasalampak ang lalaking nagmahal sa akin sa kunting oras na nakasama ko siya ng wala ng buhay.

Umiling – iling ako ng paulit – ulit dahil parang hindi gustong tumanim sa utak ko na patay na siya. Hindi naman totoo diba at  unti – unti akung lumalapit sa kanya.

“Hindi ka mapapataob ng tiyuhin ko diba? Ang lakas mo Cross. Muntik muna nga akung patayin noon sa City Of Ashes diba?” Natatawa pa ako kasi imposible naman diba? Diba Cross?

Yinugyog ko siya sa balikat pero bakit nakapikit parin? “Hoy gumising ka nga dyan! Ako ito si Clarissa. Kailangan mo pang magpaliwanag kung bakit mo ako hinalikan? Bakit mo ako iniwan?”

Wala na. Hindi ko na kaya ang sakit at binaon ko nalang ang mukha sa malamig na dibdib niya at buong lakas na sumigaw. Nayanig ang City Of Lycans pero hindi ko ininda.

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” Sa pagsigaw ko namalayan ko nalang nagdilim ulit ang paningin ko.

Sa pagpitik ng oras parang huminto rin ang nararamdaman ko. Inilibing ko si Cross ng nagising ako at natuyo na ang luha na kanina pa umaagos.

Naglalakad ako at nakikita ko ang mga lobong namatay at mga abong hugis tao na ang mga vampirii. Nawasak ang lugar nila dahil sa mga kauri ko at nawasak rin ang amin dahil sa mga lobo.

Pero hindi ako masaya. Namanhid lahat ng parte ng katawan ko at alam kung may masakit pero parang wala lang. Bakit?

Ganito na ba ako nagulat o hindi ko lang matanggap? May nakita akung batang babaeng lycan na wala ng ulo at napasuka ako sa nakita.

“SHIT!” Napamura ako sa nakita. Inaamoy amoy ko ang paligid at lahat ng nakatira dito ay wala ng buhay. Napahinto ako sa pag – amoy at kasing bilis ng kidlat akung tumakbo.

Binuksan ko ang isang pinto na nag – kokonekta sa kwarto kanina na kinalalagyan ko at tumambad sa akin ang sampung bampira na abo na at isang bampirang abo na ang naiwan lang ay ang puting damit nito.

Napaluhod ako at tulalang nakatingin sa natirang labi ng hipag ko. My very own little sister is dead. “Magbabayad ka ALBUS!”

Pinagsusuntok ko ang mga pader, pinto, mesa at kung ano pang mahagip ng mga kamay ko. Lalong gumuho pero wala akung pakialam. Napakasakit kasi. Hindi ko kaya.

Sinuntok ko ang dibdib ko, sinabunutan ang buhok at walang habas na pinagbabasag ang mga gamit dito sa Kastilyo ni Cross.

“AHHHHHHHHHHHHHH”

 

“AHHHHHHHHHHHHHH”

 

“AHHHHHHHHHHHHHH”

 

“AHHHHHHHHHHHHHH”

 

Wala akung tigil sa pagsigaw hanggang nakatalungko nalang ako at yinakap ang damit ni Angel. “Bakit hindi matapos – tapos ang sakit na nadadarama ko? Alexander, Elizabeth nasaan kayo?”

Napahagulhol nalang ako sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung anong oras na ba o ilang araw o buwan akong nasa ganung posisyon pero tumayo ako dahil walang magandang idudulot ang pighati.

Hawak ang damit ni Angel at hikaw ni Cross na kinuha ko lumakad ako at isinusumpa ko na pagbalik ko uubusin ko ang vampirii na mga taksil lalong lalo na ang demonyong Albus na yun.

I will end this endless destruction. No one but me the Queen Of The Pureblood until then he will wait until I will seek my vengeance for my parents, the innocent lycans, Angel and the man who love me despite my cold exterior. Sebastian Cross.

 

“Until then Albus Morningstar. I will claim your head so be prepared bastard.” I mumbled to myself and walk away consuming me in the darkness of the forest.

A/N: Ang masasabi ko lang. Ang ikli. Yun lang. Bow. Happy Summer.<3

The Lost Queen ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon