Silong ng Kama

97 18 1
                                    

Minsan akong nanaginip ng masama

Mga halimaw sa ilalim ng kama

Ito'y natanim sa isipan kong bata

Ako ay hinila nang walang kawala


Gabi-gabing katabi ang aking inay

Nagdarasal din muna bago humimlay

Sa higaang mayroong espasyong sapat

Upang mula sa lupa ito'y umangat


Sa oras ng pagkahimbing

Ang bangungot ay dumating

Buong lakas na pumiglas

Ngunit 'di na makakalas


May kukong kumakaluskos

Kamay na tila nalapnos

Mula sa silong ng kama

Ang dumukot sa'king paa


Nalulunos na sumaklolo kay ina

Subalit nagkawali ang kanyang tenga

Pinuwersang bumulalas ng malakas

Walang katiting na boses ang lumabas


Sumingaw ang pawis, pagmulat ng mata

Matingkad pa sa matingkad ang tumambad

Naabutang mag-isa na lang sa kama

Hindi na uminat, bumangon kaagad 

Sa Silong ng KatreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon