Kabanata 10

1K 32 1
                                    

Raphael's Point of View:

Naging abala ako sa mga estudyante ko these past few days. Inasikaso ko ang mga lesson plans, grades, at paper works na kailangan ko pang matapos sa susunod na linggo. Malapit na rin ang prom ng mga estudyante kaya todo ang paghahanda namin para doon dahil gusto namin na maging maayos ang lahat. Even though I do a lot, I didn’t forget being a secretary in Lucille's company. 

Naging abala rin naman si Lucille sa kanyang ginagawa at ganun rin ako sa aking personal na buhay. Kasama ko si Yumi noong gabi dahil tinulungan ko s’ya sa lahat ng thesis niya at iba pang mga gawain. I graduated in high school as a valedictorian and I also graduated in college being a valedictorian at kasama as an honor. Iniwan ko ang trabaho na nakalaan para sa akin dahil ayokong umasa kay papa.

“Lucille?" Nagtatakang tawag ko nang makita ko s’ya sa garden. 

Napaayos s’ya ng tayo at nakita kong pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata. Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya, umiwas s’ya ng tingin at kitang kita ko ang pagkuyom ng mga kamay niya. 

“What happened?” nag-aalala na tanong ko at hinawakan ang kanyang balikat. 

Instead of answering my question he quickly hugged me. I was shocked to see her crying, as she hugged my waist. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya at hinayaan s’yang umiyak sa dibdib ko. Hindi ako nagtanong o nagsalita at hinayaan lamang s’yang umiyak sa bisig ko. 

“I’m...sorry.” Agad s’yang lumayo at pinunasan ang kanyang luha. I wiped her tears using my finger kaya mas lalo kong nakita ang pagkislap ng mga mata niya. 

“Can you tell me what happened?” mahinahong sambit ko. 

She smiled. “I was just...stressed and pressured. I can no longer hide how I feel and I just really want to express how I feel.”

Tumango ako at tinignan s’ya na ayusin ang buhok niya. Kinuha ko ang tali sa aking pulso at binigay sa kanya kaya napangiti s’ya. Naglakad kami sa garden at nakita ang swing kaya naman umupo kami doon, gusto kong makasama s’ya at gusto ko rin na malaman niya na nandito lang ako palagi. 

“You know what...‘yung lalaking pinuntahan natin s’ya ang tunay kong papa.” Gulat akong napatingin sa kanya kaya natawa s’ya. “When I was young and I think 7 years old pa lang ako nung iwan niya ako. I was expecting him na babalikan niya ako ngunit umasa lang ako.”

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya at nanatiling tahimik. Kaya naman pala ganun na lang ang reaksyon niya nang makita ang lalaking ‘yun. She sighed habang magkasalikop ang kanyang mga daliri at tinignan ako. 

“Buong buhay ko gusto ko lang na mamuhay sa piling ni papa. Okay lang sa akin kung mawala ang yaman at ang mana ko basta makasama ko lang ang papa ko. Pagod na pagod na akong mamuhay sa mundo na hindi naman dapat para sa akin,” aniya sa mahinahong boses. 

“Hindi mo ba naisip na puntahan ang papa mo ngayon? Maybe you can talk to him and say your thoughts dahil kahit papaano tatay mo pa rin naman s’ya,” sagot ko. 

She smiled at kitang kita ko talaga ang lungkot sa mga mata niya. Humarap ako at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata at mas lalo s’yang humagulgol sa pag-iyak kaya naman hinayaan ko s’ya. 

“All I want is to live simply. I want to feel the love of a father because I never experienced that because I was trained to be alone and even mommy, she didn’t make me experience the love I want because she’s always thinking about  money and wealth,” mahinang bulong niya. 

Masasabi kong ma-swerte pa rin naman ako sa buhay. Kumpleto ang pamilya ko at nararamdaman ko na may magulang ako. I sighed at binigay ang panyo sa kanya, tinignan niya pa ‘yun kaya naman ako na ang nagpunas sa kanyang mga luha. 

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon