Kabanata 4

1.2K 30 4
                                    

Raphael's Point of View:

Tuwang tuwa sila mama nang matanggap ako sa Silver Quest. Lahat sila ay masaya para sa akin at ganun rin ako para sa sarili ko, hindi ko lubos akalain na matatanggap ako bilang secretary. Ngayon ang kauna-unahan kong araw dahil ayaw nang ipagpabukas ng boss namin ang araw ng aking pagpasok. Kaya naman hindi na kami nakapaghanda ni mama dahil agaran ang pagpasok ko. 

"Mag-ingat ka doon." Hindi ko alam kung banta o paalala ang sinasabi ni kuya kaya naman tumango na lamang ako sa kanya. 

Alam ko naman na dati pa man ay may lamat na sa pagitan namin at kay papa. Hindi na lang rin namin pinansin pa at mas tinuon na lang namin ang pansin sa kung paano kami mabubuhay ng kami lang. Hindi rin kami umaasa kay papa dahil hindi rin kami magkasundo ng asawa at anak niya. 

Alam ko ang nakaraan sa pagitan ni mama, papa, at Celestia. Nasaksihan ko ang lahat kasama si kuya kaya naman nangako kami ni Kuya sa isa't- isa na hindi namin papabayaan ang magiging nobyo o asawa namin sa hinaharap. Wala naman sa plano ko ang magkaroon, kumbaga gusto ko lang nang may matatawag na girlfriend. 

"Aalis na po ako!" Sigaw ko at kumaway sa kanila. Sumakay agad ako sa tricycle na kanina pa nakaparada sa harapan ng aming gate. 

Naligo ako nang husto para dito dahil maldita ang boss ko. Bukas rin ang pagpasok ko sa school at baka mamayang hapon ay nagpaalam ako dahil may tuturuan ako. Si Yumi ay kadarating lang sa bahay kanina kaya naman masaya ako. Si Yumi ay matalik kong kaibigan at komportable naman ako sa kanya. Yumi is my ideal girl dahil mas matured s'ya kaysa sa akin at mas matanda. 

"Salamat," nakangiting sambit ko at agad nagbayad ng pera bago ako bumaba. 

Pumasok ako sa lobby at bumati sa guard na nandoon. Bumati rin ako sa mga employee na nakilala ko nung inilibot ako ni Rosh sa kumpanya kaya naman kilala ko na ang ilan. Pumasok ako sa elevator at may mga kasabay pa ako na empleyado na maraming dala at materyales. 

"Galit si ma'am kanina. Paulit-ulit na bumalik ang design team dahil palpak ang mga design na ipinakita sa kanya at s'ya pa mismo ang nagpaulit," narinig kong sambit ng babae na may hawak ng portfolio. 

Tumunog ang elevator at agad akong lumabas. Lahat ng empleyado ay busy at may kanya kanyang ginagawa, muntik pa akong mabangga ngunit nakaiwas rin naman agad. Huminga ako nang malalim at kumatok ng tatlong beses. 

"Come in!" Sigaw galing sa loob ng opisina kaya napakunot ang noo ko. Galit na galit naman ata s'ya. 

Pumasok na lamang ako at nakita s'yang nagtitipa sa laptop. She looked at me at inayos ang kanyang salamin bago nagtaas ng kilay. 

"Tatayo ka na lang ba diyan o sisimulan ko nang i-discuss lahat ng gagawin mo?" Aniya sa sarkastikang na boses. 

Ngumuso ako at agad na umupo sa kanyang harapan. Tumayo s'ya at may inabot sa shelves na nasa kanang bahagi ng kanyang lamesa. Tinignan ko s'ya dahil matangkad naman s'ya pero halata pa rin ang pagiging bata niya. 

"You're 10 minutes late," aniya kaya nanlaki naman ang mata ko. 

"Huh? 6:30 am pa lang at maaga naman akong dumating kagaya ng sinabi ni Rosh," sagot ko sa mahinahong boses. 

She looked at me while frowning. "S'ya ba ang boss mo?" Tanong niya gamit ang iritadong boses. 

Napapahiyang napailing naman ako at tinikom na lamang ang aking bibig. Mamaya ay ako pa ang pagalitan niya kahit wala pa naman akong ginagawa, she sighed at humalukipkip sa aking harapan. 

"Next time, 6 am pa lang ay nandito ka. Ang secretary ang mauuna bago ang boss and if you still obey what Rosh said, mas mabuting s'ya na lang ang maging boss mo at ng makapunta ka sa head ng materyales," aniya sa seryosong boses. 

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon