Raphael's Point of View:
Naging abala ako sa trabaho sa ibang lugar para kapag bumalik ako ay makita ko na si Lucille. Maybe I can date her and buy her favorite dress or maybe we can watch her favorite movie. Hindi kami nagkita ng isang buwan at naiintindihan ko naman dahil abala rin s’ya at ganun rin ako sa trabaho ko.
After Miss Celestia fired me ay naghahanap agad ako ng trabaho para sa akin. Nalaman ko rin na grounded si Lucille at tinanggal rin ang position niya sa kumpanya kaya naman hindi ko na s’ya nakita. It’s sad because she worked hard for that position and promotion. Nakita ko kung paano s’ya nahirapan at kung ilang araw s’yang walang tulog dahil sa mga trabaho na naghihintay sa kanya.
Sa iba’t ibang lugar ako nag-trabaho at lahat ng trabaho ay pinasok ko para lang makaipon ako ng pera. Gusto ko na sa pagbalik ko ay masaya kami ni Lucille at hindi lamang ‘yun dahil may sasabihin ako sa kanya dahil may opportunity akong natanggap sa Cebu bilang isang manager ng isang restaurant. Magiging regular ako doon at may tendency pa na malapit lang ang trabaho ko kay Lucille.
Ang alam ko ay graduation niya ngayon ngunit hindi naman ako makakapunta dahil may gagawin ako. Nangako naman ako na pupunta ako sa mismong celebration nila sa isang videoke bar. Masayang masaya ako sa kanya dahil tinapos niya ang pag-aaral niya at hindi lamang ‘yun ay valedictorian pa s’ya sa buong college students.
“Ang mga plato kailangan na ‘yan dahil maraming customer,” sambit ng manager.
Mabilis kong pinupunasan ang mga plato at agad na nilagay sa tray para hindi ako mahirapan. Nandito ako sa isang bake shop na may restaurant sa loob kaya naman kailangan nila ng plato dahil maraming customer at ang iba ay nanatili sa restaurant. Naglakad ako at pinunasan ang baso na kailangan ng waiter mamaya, nandito kami sa kusina at ako ang naka assigned sa mga utensils.
“Raphael, kailangan ko ng limang plato at limang baso.”
Tumango agad ako at binigay ang tray na maraming plato. Ingat na ingat ako habang naglalakad dahil baka mahulog ang mga ‘yun. Napatingin ako sa labas at napangiwi nang makitang marami nga ang tao at ang iba ay nasa labas pa nakaupo.
“Nandiyan na ang lahat. Huhugasan ko na lang ang iba,” mahinahong sambit ko.
Pumunta ako sa locker ko para magpalit ngunit napatingin ako sa cellphone ko at napangiti nang makita ang pangalan ni Lucille. Agad ko ‘yung kinuha at sumandal sa locker ko habang nakikinig sa malambing niyang boses.
[Hi, love! I just want to tell you na pumunta ka mamaya ha? Si mommy kasi ay sinama ang birthday ni Betty sa graduation ko. Hindi ko alam kung bakit pero pumunta ka pa rin ha?]
I chuckled. “Ilang beses mo nang sinabi sa akin ‘yan. Opo, pupunta ako dyan pagkatapos ng trabaho ko.”
Humagikgik s’ya. [I want to make sure na pupunta ka. It’s okay for me if you don’t have a gift, your presence is more important to me.”
Napangiti ako. Isa sa mga nagustuhan ko kay Lucille ang ugali niya. She never ask for gifts, to date her at fancy restaurants, and she never demand everything to me. Lahat ng pagmamahal ko ay binigay ko sa kanya at kahit pa lahat ay gagawin ko para lang hindi niya ako iwan. Si Lucille ang buhay ko. Kung wala s’ya hindi ko siguro kilala ang sarili ko ngayon.
“I love you.” Narinig kong suminghap s’ya. “Luciana Cecille Garcia.”
She sighed. [Ikaw talaga...you’re making me kilig kaya! Hmp. I love you.]
Natawa ako at kalaunan ay binaba na rin ang tawag dahil mukhang abala s’ya sa ibang bagay. Napailing ako at agad na bumalik sa trabaho ko para maaga akong makauwi. Bibili pa ako nung paborito niyang necklace na nakita namin sa mall nung last month na magkasama kami. Sapat na siguro ang apat na libo para doon. I want to make her happy.
BINABASA MO ANG
Music Series 2: Loving you in a Heartbeat
RomanceShe was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a positive lifestyle. When she met Raphael, a fisherman-slash-farmer who lived and fed his family, everyt...