Raphael's Point of View:
Maaga akong nagising at agad na natigilan nang maisip na nandito pala si Lucille kaya kailangan kong magluto ng pagkain. Sa tuwing aalis kasi ako ay kape at bread lang ang kinakain ko ngunit ngayon na nandito na s’ya ay kailangan kong magluto. Pumunta ako sa kusina dahil naalala ko na hindi marunong magluto si Lucille, anak mayaman kaya hindi na ako nagtataka pa.
I cooked sunny side up egg, fried rice, bacon, at gumawa rin ako ng creamy latte dahil ‘yun ang paborito niyang pagkain. Napatingin ako sa likod ko nang makita si Lucille na inaayos ang kanyang buhok at natigilan ako nang makita ang suot niya. She’s wearing a linen short, a brown sando, at ang kanyang buhok ay ayos na ayos sa kanyang leeg.
“What?” iritadong tanong niya kaya napasimangot ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Kumain ka na at kailangan ko ng pumasok,” malamig na sambit ko at inayos ang isang plato para sa kanya.
Tinignan ko s’ya na nakatingin sa ‘kin kaya nagtaas ako ng kilay. Ito naman ang gusto niya hindi ba? Ang mag-isa at hindi ako kasama dahil doon s’ya masaya? Gusto kong magtanong ngunit natatakot ako na baka ‘yun nga ang maging sagot niya.
“Uh...hindi ako sanay na kumain mag-isa...” nahihiyang sambit niya. “Pwede...sabay na tayo?”
Sandali akong natigilan lalo na nung yumuko s’ya at pinaglaruan ang kanyang mga mahabang kuko. Napalunok ako at agad na kumuha ng isa pang plato para sa ‘kin. Bahala na kung ma-late ako sa trabaho ko ang mahalaga ay sabay kaming kakain sa araw na ‘to.
“Kung papasok ka, anong gagawin ko?” nakasimangot na tanong niya. “Wala akong gamit dito! Wala akong magagawa sa malaking bahay mo kaya gusto kong pumunta sa studio ni Travis nang sa ganun ay hindi ako ma-bored dito.”
Napabuntong hininga ako dahil palagi nalang s’yang galit sa ‘kin. Hindi ko alam kung ginagawa niya ito na may dahilan o sinasadya niya talagang gawin ‘yan.
“You can go with them, I will drive for you.” Kumunot ang noo niya kaya kumunot rin ang noo ko. “Did you hear what Mr. Garcia told you?”
She rolled her eyes. “Fine! Basta ‘wag ka lang lalapit sa ‘kin dahil ayokong magkaroon ng isyu sa pagitan nating dalawa. Bakit ba kasi kailangan pang gawin ang mga bagay na ito?”
Hindi ko na narinig pa ang ilang sinabi niya at basta nalang ako kumain, ang dami niyang gustong gawin ngunit panay lamang ang tango ko dahil gusto kong ibigay lahat ng mga pangangailangan niya. Pagkatapos naming kumain ay nauna na akong pumunta sa kwarto, napasinghap ako nang pumasok sa aking ilong ang pabango ko at pabango ni Lucille kaya nakagat ko ang labi ko.
Dumiretso ako sa closet at kinuha ang uniform ko at mabilis itong sinuot. Kailangan kong makausap ang pangalawa sa mga anak ni Mr. Valencia dahil alam kong may alam s’ya ngunit natatakot s’ya. Napatingin ako kay Lucille nang pumasok s’ya at tinignan ako, tumingin lamang ako sa salamin at inayos ang bag ko.
“Anong oras ka uuwi?” tanong niya habang ang tingin ay nasa uniform ko.
“12 hours and duty ko ngayon pero kung may kailangan ka, you can call me at pupunta ako.” Inayos ko ang buhok ko at nilagay ang belt na mayroong gamit tungkol sa pagiging pulis.
“Paano kung mauna ako dito tapos wala ka? Nasaan ang susi at paano ako papasok?” masungit na tanong niya at umupo sa kama habang nakahalukipkip. “Gusto kong ako mismo ang kukuha ng gamit ko sa condo ko!”
This spoiled brat. Tinignan ko s’ya na masungit akong tinignan ngunit natigilan ako nang lumapit s’ya at inayos ang buttons ng aking uniform kaya napatingin ako sa kanya. We looked at each other eyes kaya naman bumilis na naman ang tibok ng aking puso dahil ngayon ko lang nakita ang freckles na nasa kanyang ilong papunta sa kanyang pisngi.

BINABASA MO ANG
Music Series 2: Loving you in a Heartbeat
RomansaShe was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a positive lifestyle. When she met Raphael, a fisherman-slash-farmer who lived and fed his family, everyt...