Kabanata 26

1.1K 38 3
                                    

Lucille's Point of View:

Bumuntong hininga ako at napatitig sa puting kisame na nandito sa aking kwarto. Ilang taon na akong nandito at hindi ko na mabilang kung ilang araw akong hindi naging malungkot sa bawat araw na dumaan. I have no family by my side at tanging sarili ko lamang ang kaibigan ko ay ang sarili ko sa mga oras na nag-iisa ako.

Kumusta na kaya sila? Ano na ba ang mga bagong nangyari sa kanilang lahat? Hindi ko alam kung ilang beses kong naisip kung anong nangyari sa kanilang lahat. Napatingin ako sa pintuan nang makita ang kaibigan kong nurse na tumulong sa akin habang nandito ako sa mental hospital. She smiled at me. 

"Kumain ka muna. Tama na muna ang paggawa ng kanta at drawing," aniya sa mahinahong boses.

Tumango ako sa kanya at agad na umalis sa aking kama para pumunta sa side table. Simula ng makapunta ako dito ay hindi ako kailanman binisita ng mga magulang ko, kahit si Mommy ay hindi ako pinuntahan. Simula nung gabing 'yun ay nagsimula ang pangungulila ko sa kanilang lahat lalo na kay papa.

"Mamaya ay pupunta dito si Miss Celestine dahil kahapon ay ayaw mo naman lumabas." Kinuha ko ang baso at tumango sa kanya. 

Ilang araw na rin akong hindi lumalabas sa kwarto ko at kung minsan naman ay nasa garden ako habang hawak ang gitara ko. Ayoko rin naman siyang makita dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang boses ko. Pagkatapos kong kumain ay agad akong umupo sa kama at tinapos ang kanta na ilang taon ko ring ginawa.

"Lucille, nandiyan na si Celestine..." mahinahong boses ng nurse.

Tumayo ako at mabilis na sumunod sa kanya. Kinakabahan ako dahil baka kasama niya si Miguel. Kaagad akong pumasok sa loob at agad na nakita si Celestine na may dalang pagkain at nakangiti sa akin ngunit napatingin ako sa lalaking katabi niya at natigilan ako nang makita si Miguel. 

"Lucille." Niyakap ko si Celestine ngunit hindi ko maalis sa aking paningin ang seryosong si Miguel. "How are you? Are you good here? Malapit ka nang lumabas dito."

I smiled. Napansin ko na mas naging maganda si Celestine kaysa noong una na magkita kaming dalawa. Mas nakita ko na inaalagaan s'ya ni Miguel at hindi ako nagkamali na dalhin s'ya sa barko kung nasaan si Miguel. 

"B-Bakit ka nandito?" mahinang tanong ko at napangiti naman s'ya. 

"You're improving..." aniya sa masayang boses. "Sinadya talaga namin na puntahan ka dito. Don't worry sinabi ko naman kay Miguel ang tungkol sa sinabi mo right, babe?”

Tumango si Miguel kaya naman nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong hindi niya sasabihin sa kapatid niya ang lahat. Speaking of him, pulis na pala s’ya at magkasama sila ni Yumi. Bagay nga naman talaga sila.Minsan iniisip ko na kung hindi lang nangyari ang lahat baka kami pa rin hanggang ngayon. Nag-usap kami ni Celestine tungkol sa kaso niya kay Dylan at kung kailan mangyayari ang isang malaking hearing. 

“Your Mom is busy with her luxurious life, nagalit nga si mommy ngunit ayaw niya namang sumunod sa amin. Pinilit ko rin s’ya na huwag ng ituloy ang kaso laban sa’yo kaso ayaw niya talaga,” aniya sa mahinahong boses. 

Mom did that to me. She filed a case at tanging gusto niya ay mawala ako dahil sinaktan ko ang mahal niyang asawa. Naiiyak na lamang ako sa tuwing iniisip ko ang gabing ‘yun. I defended myself pero ako pa rin pala talaga ang masama sa paningin nilang lahat dahil lang sa ginawa ko. Ngumisi ako at maliit na tumango. 

“I promise you, I will investigate at kakausapin ko ang mga pinsan ko about your case. May mga kilala akong pulis na pwedeng tulungan ka at may mga pinsan akong attorney, si Diego.” Nangingilid ang luha ko. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil s’ya ang naging pamilya ko at naging sandalan ko. 

Kinabukasan ay nagising na naman ako dahil sa masamang panaginip. Kaagad akong umupo at sinuklay ang maikli kong buhok, huminga ako nang malalim at hinawakan ang leeg ko dahil pakiramdam ko ay may taong gusto akong patayin. Pinilig ko ang ulo ko at kinuha ang gitara. I bite my lower lip at agad na kinuha ang papel na nakalagay ang kanta na ginawa ko para sa isang tao. 

Title: I hate you, I love you. 

Author: Lucille

Lyrics made by: Leisheen

“I love the way you changed my mind

The moment when you caught my eye

On a dance floor, where people dances wild

I focused on you, I was stunned when you smiled...”

I smiled when I remember when we met at the bar. Isa s’yang bartender noon at 16 years old pa lang ako nung magkita kami. That time, I have a crush on him kaya nung magkita kami ngayon, I remain may intimidating aura para hindi niya mapansin. 

“I hate that you are too kind

I hate how you are so blind

Boy, I love it when you are shy

But, I love it the most when you smile.”

Two things I learned about love is, no one is permanent. Hindi lahat ng tao ay para sa’yo, hindi porque na magkasama kayong dalawa ay s’ya na at wala nang iba. There are times na naiisip natin kung bakit kailangan niyang umalis? Bakit hindi na lang maging kami? Time flies, people change, sabi nga nila. Second one is, life is about to move on. Bakit natin kailangang masaktan kung puwede naman nating kalimutan na lang ang lahat?

Move on. Madaling sabihin pero ang hirap gawin. Ang dali niyang isulat pero ang hirap gawin. May mga bagay na kailangan kalimutan ngunit hindi mo makakalimutan ang memorya niyong dalawa. You have to move on from your past dahil hindi pwedeng manatili sa isang tao. Kailangan rin nating maging malaya sa lahat ng bagay o tao na nakakasakit lang sa atin. 

“I hate you when you’re too kind

I hate you because you changed your mine

Boy, I hate it when you lie

But, I love it when you try

I hate all the flaws

I love how our love goes

I hate you but I love you the most.”

Pinikit ko ang mga mata ko at napabuntong hininga. Hindi na dapat ako nag-iisip na baka pwede pa ang lahat, na baka puwede pang bumalik sa dati ang lahat. Kinagat ko ang labi ko at sinulat ang susunod na liriko ng aking kanta para sa isang taong minsan ko ring minahal. 

“Remember when we hugged and cried After we failed but we still tried

The night when our tears and pains hide

We tried, we hugged, we cried.” I wrote and begin to sing again. 

If I were to choose, mas pipiliin kong makasama s’ya ngunit mas pipiliin kong maging mag-isa sa kawalan at maging malaya. Gusto kong maging malaya sa lahat, walang gulo, walang away, walang sakit, at malayo sa magulo na mundo. Tinignan ko ang ilang paintings na ginawa ko, punong puno ng alaala ang lahat para sa akin at agad na nangilid ang luha ko nang makita ang painting kung saan hinalikan ni Raphael si Yumi. 

Napalunok ako at pinagmasdan ‘yun. I smiled, mas mabuting maging masaya na lang s’ya sa bago niyang buhay. Kung hahanapin niya ako o kung mahahanap niya ako ay sana ay hindi niya na ako tanggapin pa. After everything I have done for him. I will choose the best kahit pa saktan ko ang sarili ko ay ayos lang. 

Ano pa ba ang silbi ko sa mundo? Baliw ako. Walang pamilya. Walang kaibigan. Nawala pa ang nag-iisang lalaking malaki ang tiwala sa akin ngunit ayos lang, bagay naman sila ni Yumi. Sino ako para maging hadlang sa kanila? I will get what I want. I'm back for music. 

Music is my comfort. Music is my passion at ‘yun ang bagay na gusto kong kunin sa pagbalik. Ang musika ay ang tanging minamahal ako sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin. I smiled sweetly and nod my head. I will be back. Not to him. I will be back for my music. 

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon