Kabanata 20

1.1K 31 1
                                    

Raphael's Point of View:

Hinintay kong matapos ang klase ni Lucille ngayong araw, aniya may pupuntahan daw kami at kailangan na kasama ako. Pumayag na rin ako dahil alam ko ang ugali niya kapag hindi ako pumayag sa gusto niya. Mas lalo ko lang tuloy s’yang minahal sa bawat araw na magkasama kaming dalawa at sa bawat araw na palagi kong nakikita ang maganda niyang ngiti. 

I rejected the offer sa London para sa pagiging pulis ko. Sinabi ko na mas gusto kong magtrabaho dito at bantayan na rin si Lucille dahil matigas ang ulo. Buo na ang desisyon ko na mananatili ako dito dahil nandito ang gusto ko. Kayang kaya kong magtrabaho para kay Lucille dahil ayokong mahiwalay sa kanya kahit ilang metro lang. 

Sinabi ni papa na isang tawag ko lang sa kanya ay ihahanda niya na ang passport ko at ang mga kailangan ko sa pagiging pulis. Ang buong Dela Vega ay pulis, ang iba sa kanila ay sundalo kasama ang mga Madrigal. Sila Travis lang naman ang ayaw dahil hindi raw s’ya makikita ng mga babae niya sa iba’t ibang lugar. 

“Raphael!” Napatingin ako kay Lucille na kalalabas lang ng hall dahil nagkaroon sila ng swimming training at kasama s’ya doon. 

Naglakad ako at kinuha ang towel sa gilid para takpan ang kanyang katawan. She’s wearing a black bikini na required sa kanila kaya naman hindi ko gusto ang tingin ng ibang estudyante sa katawan niya. Umiling ako at hinawakan ang baywang niya at nagtaas ng kilay sa mga estudyante na nakatingin sa amin. 

“Hindi ka pa nagpalit ng damit sa loob,” mariing sambit ko. 

Ngumuso s’ya. “Maraming tao sa banyo kanina. Naisip ko na sa kotse na lang ako magpapalit ng damit. Wala ka na bang klase ngayon?”

Umiling ako. “Kanina pa tapos ang klase ko. Ikaw nalang ang hinihintay ko.”

She giggled at humawak sa braso ko habang naglalakad kami. Pumunta kami sa kotse at pumasok naman s’ya sa backseat habang ako ay nasa driver seat. Hinubad niya ang bikini niya at napapikit naman ako sa inis dahil maling idea na nandito ako sa loob ng kotse. 

“You see me naked. You kiss my boobs every day kaya bakit nakapikit ka?” sambit ni Lucille at tumawa nang malakas. 

“Just...wear your clothes please.” Tinignan ko s’ya sa salamin na nakasuot na ng shorts. 

“Kiss muna.” Ngumisi s’ya at pumunta sa akin para halikan ang labi ko kaya napailing ako at hinawakan ang panga niya para sa isang halik. 

She wore her brown halter top and her white denim shorts. Inalalayan ko s’ya para makaupo sa passenger seat habang inaayos niya ang kanyang buhok. Sinabi niya ang address ng pupuntahan namin kaya agad kong pinaandar ang kotse ko papunta sa gusto niya. 

“I will make a presentation about your meeting tomorrow. Send me the email and I’ll be the one who will do it para may lakas ka bukas.” Gulat s’yang napatingin sa akin ngunit kalaunan ay tumango at ngumiti nang matamis. 

Napalunok ako nang makita ang pamilyar na bahay kaya tinignan ko s’ya na nakangiting bumaba ng kotse kaya napakunot ang noo ko. H'wag mong sabihin na makikilala ko na ang papa niya? Sa isiping ‘yun ay napalunok ako at mahigpit na hinawakan ang manibela dahil hindi ata maganda ang ideya na sumama ako.

“Love! Let’s go,” sambit ni Lucille habang nakatayo doon sa tapat ng gate. 

Bumuntong hininga ako at agad na bumaba ng sasakyan. Hinawakan niya ang kamay ko at kumatok sa gate ng malaking bahay. Bumuntong hininga ako at bumungad sa akin ang isang magandang babae, and the last time I checked ay buntis s’ya ngunit ngayon mas lalo s’yang naging maganda. 

“Nandiyan po ba si papa? Sabi ko po pupunta ako dito,” sambit ni Lucille at napatingin naman s’ya sa akin. “Oh, this is Raphael Dela Vega.”

“Nandito ang papa mo. Kanina ka pa niya hinihintay. Pasok muna kayo,” nakangiting sambit niya. 

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon