Kabanata 34

1.3K 35 6
                                    

Lucille's Point of View:

Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa ‘kin ngayon. Ang sabi ko sa sarili ko ay babalik ako para sa career na gusto ko hindi kay Raphael dahil kung tutuusin ay ayaw ko ng magkaroon pa ng koneksyon sa kanya at sa pamilya niya. Hindi ko ‘to gusto ngunit nag-aalala ako para kay mommy na nasa tahanan pa rin ng mga Valencia. 

I’m still lucky dahil nandito ang mga Madrigal para tulungan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala sila sa tabi ko. Mas mabuti ang ganito ngunit ang puso ko ay iba ang sinasabi, kailangan kong magkaroon ng mahabang pasensya dahil alam kong magagalit sa ‘kin si lolo at para naman sa akin ang ginagawa nila. 

“Hindi namin ito ginagawa para sa ‘ming sarili o para sa kagustuhan ni Raphael na makasama ka. Ginawa namin ito dahil alam naming ligtas ka sa mga kamay niya at alam rin naming na mas mabuting hindi nila alam kung saan ka nakatira,” seryosong sambit ni Lolo Garcia. 

Tahimik akong tumango dahil pagod na rin ako. Kahapon ay nakita ko na ang album ko at available na s’ya sa lahat ng store nationwide kaya naman masaya ako dahil dalawang album na ang mayroon ako. Ganun rin si Celestine dahil may dalawa na rin s’yang album at masaya rin ako para sa kanya dahil nagawa niya na ang mga gusto niyang gawin. 

“But I can do what I want right? I’ll be the one who decide for myself not him,” mariing sambit ko at tinignan nang masama si Raphael na nagtaas lamang ng kilay. 

“Yes.” Nilagay niya ang kanyang braso sa itaas ng upuan ko at tinignan ako. “Hindi ako gagawa ng mga bagay na hindi mo gusto kaya naman malaya kang gawin ang mga gusto mo.”

Natapos ang aming usapan kaya agad akong tumayo ngunit napalunok nang lagyan ni Raphael ng jacket ang aking katawan. I’m wearing a butterfly crochet at kitang kita ang pisngi ng aking dibdib kaya hindi nakatakas sa ‘kin ang tingin ni Raphael sa aking katawan. 

He wastes me, then backs off. 

Pumunta ako sa labas at tinignan ang kotse ni Raphael. I wonder kung palagi ba niyang kasama si Yumi dito sa sasakyan? Sa isipin ‘yun ay napalunok ako at tinignan ang passenger seat at ilang senaryo na naman ang pumasok sa utak ko. Kinagat ko ang labi ko at tinakpan ang aking bibig dahil naalala ko ang ginawa namin ni Raphael sa isa sa mga sasakyan ko. 

“Bakit hindi ka pa pumasok?” Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Raphael sa ‘king likod. 

Mabilis akong pumasok sa kotse at agad na tinakpan ang aking mukha dahil sa hiya. Pumasok s’ya at nanatili akong tahimik habang tinitignan ang mga building dito sa Maynila, bumuntong hininga ako dahil wala na akong magagawa pa. Gusto kong makita si mommy ngunit masama pa rin ang loob ko sa kanya dahil sa lahat ng ginawa niya sa ‘kin. 

“Nandito na tayo.” Napatingin ako sa puting malaking gate sa labas at tinignan ko si Raphael na binuksan ang pintuan ng sasakyan. “Bumaba ka na."

Tahimik akong sumunod sa kanya at namangha ako dahil maraming puno, halaman, at may bermuda pa dito bago makarating sa bahay ni Raphael kung bahay niya man ito. Binigay ni Raphael sa guard ang kanyang susi at agad naman akong tumakbo dahil ang bilis niyang maglakad, namangha ako sa loob dahil isang malaking garden ang nakita ko. Sa unahan ay isang glass wall door at sa tingin ko puro glass ang paligid ng bahay niya at kulay brown, white, at gray ang nakikita ko. 

Sa gild ng kanyang bahay ay isang sala na kung saan pwedeng umupo doon at mag-relax. Sa kabilang gilid naman ay ang circle hot spring at kasunod nun ay ang malaking swimming pool na may apat na sun lounger. Sa gilid kung saan ako nakatayo ay nakita ko ang isang malaking duyan at puro puti ito at mayroong malaking pillow at iba pa.

“Lucille.” Tumango ako at agad na sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil magkasama kami sa iisang bahay ngunit gagawin ko ang lahat para magalit s’ya para paalisin ako sa bahay niya. 

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon