Kabanata 1

3.1K 64 1
                                    

Lucille's Point of View:

Kaagad akong bumaba matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Ngayon ang pagpunta ko sa Silver Quest at ngayon rin ang pagpunta ko doon dahil mayroong pinapagawa si Mommy sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan na ako pa ang mamahala ng kumpanya kung nandyan naman ang mga anak ng kanyang bagong asawa.

I used to live in a chaotic family. A broken family. Ang pamilya na kailangan perpekto at kailangan maging elegante sa bawat galaw. Natuto akong maging independent at maging masinop sa lahat ng aking gagawin, kailangan kong maging perpekto dahil magagalit si Mommy kung hindi. 

I can't understand her. Ang sabi niya ay hindi na s'ya magmamahal ulit dahil nasaktan na s'ya ngunit masama bang tumigil muna at maging masaya? Kailangan ba na kapag nasaktan ay may kapalit agad? Hindi ko talaga maintindihan ang pagmamahal at kung magmamahal man ako, hinding hindi ko gagayahin si mommy. 

"Lucille!" Si mommy sa masiglang boses kasama ang tatlo kong kapatid sa father side. 

Tinignan ko silang dalawa. I know they hate me dahil sa akin mapupunta ang mana ng pamilya ngunit hindi ko gusto ang kahit na anong yaman. Gusto ko lang na mahanap ang tunay na ako at malayo sa buhay na 'to. My older brother is very casual to me kaya naman ganun rin ako sa kanya at sa iba ko pang kapatid. 

"Good morning, hija." Napatingin ako sa bagong asawa ni mommy. He smiled at me ngunit wala akong naging tugon sa ngiti niya. 

We're living here in Cebu. At sa dulo pa  ng Cebu ang aming kumpanya kaya naman kailangan kong maghanda. Umupo ako at tahimik na kumain habang sila ay nag-uusap sa kumpanya at sa mga dapat na gawin. 

"Bakit si Lucille ang namamahala sa kumpanya kung pwedeng ako na lang?" Ani ng isa sa babae kong kapatid habang nakasimangot sa stepfather ko. 

"Hija..." Mommy in a soft voice. "You're studying and you need to graduate kaya si Lucille muna ang mamahala sa kumpanya. Kapag nakatapos ka na ay pwede kang sumama sa kanya, if you wanted to."

Tinignan niya ako. I looked at her too at s'ya ang nag-iwas ng tingin kaya nagtaas ako ng kilay. Nag-aaral rin naman ako pero sa akin pa rin ang responsibilidad ng pamilyang 'to kasi Garcia ako. I never used Valencia as my surname at bago pa sila dumating sa buhay namin ay Garcia na ako. My Tita Celestia said that. 

"Where do you want to study hija? Ang sabi ng mommy mo ay dito ka lang sa cebu mag-aaral," aniya sa mahinahong boses. 

I sipped my juice. "Yes. I am planning to study here. I'm already done with my training in Europe and I would like to continue my horse back riding here in Cebu," mahinahong sambit ko. 

He nodded his head and smiled at me sweetly. Iniwas ko na lamang ang paningin ko. After we ate ay agad akong umakyat sa kwarto para ihanda ang gamit ko. I'm in my 1st year of college this year and I need to get used to the environment here. 

[Shooting range?] Napangiti ako dahil alam na alam ni Madrigal ang gusto kong gawin. 

"Sure, give me minutes to prepare." He chuckled kaya agad kong ibinaba ang phone ko. 

I wore semi-sweetheart tops, bootcut pants, and a black kitten heels. Tinali ko ang aking buhok at agad na lumabas ng kwarto, nakita ko ang isa kong kapatid na halatang hinihintay ako. Lumakad ako palapit sa kanya at nakita ko na agad ang pagtaas ng kilay niya. 

"I want to manage the Silver Quest," aniya sa seryosong boses 

Natigilan ako at tinignan s'ya mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang pagkairita sa mukha niya kaya tinignan ko ulit ang mukha niya. 

"You can't," ani ko. "Based on my studies you need to research, learn, and be essential. Silver Quest is a big company here in Cebu at sa tingin ko ay hindi sila papayag na mas bata ang mamamahala roon."

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon