Kabanata 11

877 33 1
                                    

Lucille's Point of View:

Iritado akong makita si Travis. Kung pwede ko lang s’yang suntukin sa tiyan ay gagawin ko kahit ilang beses pa. He’s the worst Dela Vega slash Madrigal at sa lahat ng nakilala ko s’ya pa lang ang hindi tinatamaan ng karma at balita ko may iniwan na naman s’yang babae. Kung makahanap s’ya ng katapat panigurado ng magiging matino na si Travis.

Napag-usapan ng buong school ang gagawing prom sa monday. I want to attend dahil gabi naman at nandoon naman si Betty para mamahala sa kumpanya namin. I'm annoyed with Betty because she's always the one who's always good in mommy's eyes. Mommy and I didn't talk after what happened that night. Naging mas alerto ako dahil sa tuwing nandyan ang stepfather ko ay kinikilabutan lang ako. 

“Ipasa mo ‘to sa head manager ng design team. I want her to check that dahil sa tingin ko may kulang sa colors and hindi maganda sa paningin ko.”

Buong maghapon kaming nasa trabaho ni Raphael. Aniya hindi raw s’ya makakapunta sa prom dahil may mga bagay s’yang asikasuhin at syempre nalungkot ako. Gusto ko sana na s’ya ang partner ko ngunit hindi naman s’ya makakapunta kaya ako na lang ang mag-isa sa prom kasama si Celestine. 

“Coffee?" Napatingin ako kay Raphael na kakapasok lang ng pintuan. Agad akong napangisi at tumango sa kanya. 

“Thank you,” mahinang sambit ko. “Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?”

He shook his head. “Kung pupunta ako doon maiiwan ko naman ang trabaho ko. Alam mo na hindi madali ang buhay at kailangan kong kumayod para sa pamilya ko.”

Kaya naman before the prom ay agad akong naghanda. Si mommy ang nag asikaso ng mga kailangan at susuotin ko sa prom. White and black ang theme ng party kaya naman punong puno ng black dress at white dress ang buong bahay. 

“Here.” Inabot sa akin ni mommy ang isang white brooklyn decker gown kaya mabilis ko ‘yung sinukat.

Umikot ako sa salamin at maganda naman at elegante kung tignan. This my first choice. Kumuha pa ako ng isang white basque gown at mabilis kong sinukat ang isang ‘yun at bagay na bagay sa akin. Binigay ko kay mommy ang white brooklyn decker at sinabing ‘yun ang magiging gown ko mamayang gabi. 

“Good choice,” nakangiting sambit niya at ngumiti rin ako nang maliit. 

Kumpleto kami ngayon at nandito ang tatlo kong kapatid. Ang dalawang lalaki ay nakatingin sa akin habang si Betty ay abala sa kakatingin sa mga gown para sa pupuntahan niyang kasal bukas. 

“Ang glam team ay pupunta na sa kwarto mo. Maligo ka na rin at ang kuya mo ay ihahatid ka na lang sa school mo.” Tumango ako kay mommy at agad na umakyat sa itaas. 

Sinirado ko ang pintuan at huminga ng malalim. Dumiretso ako sa banyo at agad na naligo ng mabilis dahil ayoko na naman na mahuli ako at baka pumasok na naman ang stepfather ko. Sinuot ko ang roba at agad na nakita ang glam team, ngumiti ako at agad na umupo para simulan ang makeup ko. 

“I think mas maganda sa’yo ang light makeup. You have a smooth and soft skin kaya gagawin namin ay light makeup but we will make sure na ikaw ang star of the night,” sambit niya habang hinahanda ang mga gagamitin sa mukha ko. 

Sinimulan nila sa aking mahabang ginger hair. Pumikit ako nang lagyan nila ng eye shadow ang mga mata ko at sinabi kong dapat maganda ako dahil gusto kong makita ni Raphael ang itsura ko. Ilang minuto ang tinagal bago naging maayos ang itsura ko at namangha ako. Ang aking buhok ay nakatali into side swept and waves at ang make-up ko ay tama lamang sa aking mukha. 

“You’re so gorgeous. Kamukha mo si Ma’am Celestia kapag may makeup ka.” Natawa ako sa kanila dahil nakikita ko nga sa aking mukha si Tita Celestia.

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon