Kabanata 32

1.2K 34 1
                                    

Lucille's Point of View:

Napangiti ako dahil sa sobrang dami ng tao sa event na ito at sobrang tuwa ko dahil foam party ang pinuntahan ko dahil bagay lang ang suot ko. I sang my own song and gladly, nagustuhan nila ang kanta ko kaya napangisi ako at napailing na lamang dahil kay Travis na nakahubad na ng kanyang sando.

“I love the way you changed my mind

The moment when you caught my eye

On a dance floor, where people dances wild

I focused on you, I was stunned when you smiled...”

Natigilan ako nang may nakita akong pares ng mga matang seryosong nakatingin sa ‘kin. Bumilis ang tibok ng aking puso nang makitang si Raphael ‘yun habang hawak ang isang beer sa kanyang kamay. Hindi ko alam kung bakit s’ya nandito at kasama niya pa si Yumi na nakahawak sa kanyang braso habang nakangiti.

“I hate that you are too kind

I hate how you are so blind

Boy, I love it when you are shy

But, I love it the most when you smile.”

Napalunok ako at iniwas na lamang sa kanya ang aking paningin lalo pa’t nakikita ko ang ngiti niya sa harapan ni Yumi. Huminga ako ng malalim at hinubad ang aking jacket kaya sumigaw ang mga tao at ngumisi si Travis at tinignan ako. 

“I hate you when you’re too kind

I hate you because you changed your mine

Boy, I hate it when you lie

But, I love it when you try

I hate all the flaws

I love how our love goes

I hate you but I love you the most.

Remember when we hugged and cried

After we failed but we still tried

The night when our tears and pains hide

We tried, we hugged, we cried...”

Hindi ko kayang makita s’ya ngayon kaya agad kong tinapos ang kanta ko dahil masyado ko nang napapansin ang tingin niya sa ‘kin. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa crowd at yumukod bilang pasasalamat. 

“Tara doon!” Si Travis at nilagay ang kanyang braso sa aking balikat at napapikit nalang sa inis dahil sa table pa nila Celestine kami pupunta. 

They greeted each other ngunit ang paningin ni Raphael ay nasa akin at wala kay Travis. Tinignan ko si Celestine at mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin kaya umiling s’ya habang nakahawak sa kanyang baywang si Miguel. 

“Girlfriend?” nakangising tanong ni Travis habang ang tingin ay na kila Raphael at Yumi. 

“Hindi pa,” humagikgik si Yumi at hinawakan si Raphael. “Masaya naman kami sa kung anong mayroon kaming dalawa.” 

Tinignan ako ni Travis kaya inirapan ko s’ya at natawa naman ang pinsan kong baliw. Umupo kami at hindi na talaga ako komportable dahil nandito ang dalawang taong sinaktan ako kaya wala akong nagawa kundi ang uminom at hindi sila pinansin. 

“Maraming kaso ang kailangan kong gawin kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras para pumunta dito,” sagot ni Raphael sa tanong ni Haze. 

“Next time sumama ka sa ‘min sa birthday ni Lucille.” Napalunok ako nang marinig ang boses ni Celestine. “Hindi naman masama, right? Isa pa wala naman na kayong relasyon kaya I think that’s good naman.”

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon