Warning: Read at your own risk.
Lucille's Point of View:
Ilang linggo ko nang hindi nakikita si Raphael at hindi ko maintindihan kung bakit, sa tuwing mag-gising ako ay wala na s’ya at kapag naman uuwi ako ay tulog na. Alam kong nag-usap na kami tungkol sa mga bagay ngunit hindi ko pa masabi sa kanya na aalis ako at gusto kong mag-isip kung tama pa ba na maging kami na.
Alam kong mahirap ito ngunit ito lang ang paraan at magagawa ko para pareho kaming hindi masaktan, ayokong bigyan s’ya ng halo halong emotion dahil ayokong umasa si Raphael. Mahal ko s’ya at hindi nawala ‘yun ngunit masisisi mo ba ako? Nasaktan ako at ilang problema ang mayroon ako, hindi ko alam kung kaya ko pa ba o hindi na.
I released another song and the title will be ‘Ako naman muna’ at sinulat ko ‘yun para maintindihan ni Raphael na kailangan kong alagaan at mahalin ang sarili ko. Gusto ko sa pagbalik ko ay kumpleto na ako at wala na akong iisipin pa, ang gagawin ko nalang ay ang mahalin s’ya at gawin ang mga bagay na hindi namin nagawa noon pa.
“You’re 25 years of age, Lucille. When will you get a baby?” tanong ni Haze.
Haze admit that he’s a gay but he didn’t told to our family because he was afraid that lolo might gave him a punishment. Walang problema sa ‘kin kung hindi s’ya lalaki dahil handa akong tanggapin s’ya kung kailangan dahil mahal ko si Haze.
“For now, I don’t have plan to have a baby. Alam mo naman siguro ang nangyari sa ‘kin at sa tingin ko ay hindi pa ako handa para doon,” malungkot akong ngumiti.
“What if sabihin ni Raphael wants a baby from you?” Nagtaas s’ya ng kilay at kumain ng lemon na nasa lamesa.
Natigilan ako dahil maski ako ay hindi ko alam ang sagot sa tanong na ‘yun. Maraming dahilan kung bakit ayokong magkaroon ng anak dahil ayokong lumaki ang bata na hindi kumpleto. Baka hindi ko kayang ibigay ang pangangailangan niya at hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na gusto niya. Papayag naman siguro si Raphael? Hindi naman siguro s’ya magagalit hindi ba?
“Hindi…naman kami…ha?” nagtatakang tanong ko kaya tumawa si Haze.
“But you imagine it, Lucille.” Kumunot ang noo ko at napagtanto ang sinabi niya kya inirapan ko s’ya na mas lalong lumakas ang tawa.
Nandito kami sa Palawan at lahat ng Madrigal at Garcia ay kasama namin para sa isang outing. Sumama ako dahil gusto kong mag-relax muna at kumuha ng inspiration para sa kanta na gagawin ko, gusto kong kahit papaano ay maging soft at maganda ang kanta na gagawin ko para sa last song ko.
“Oh, the Dela Vega’s are here.” Napatingin ako kay Anna nang magsalita s’ya.
Bumilis ang tibok ng aking puso at dahan-dahan na napatingin doon at tama nga s’ya. The Dela Vega’s are here at kasama doon si Raphael na nakasuot ng shades, ang alam ko ay suspended s’ya dahil sa ginawa niya kay Yumi. Nagtama ang paningin namin at napatalon ako doon dahil binaba niya ang shades niya at tinignan ako.
“Jeremy!” si Oliva sa malakas na boses at ang tinatawag niya ay ang isa sa mga Dela Vega.
All the girls here ay sa kanila nakatingin lalo na sa huling pumasok na sina Miguel at Raphael. I rolled my eyes mentally dahil nandito na naman s’ya at kapag wala talaga ako sa bahay ay palagi niyang alam agad kung nasaan ako. Napatalon ako nang may humawak sa baywang ko at sa pag-tingin ko ay si Raphael ‘yun at kinuha ang wine glass ko.
“Nandito ka lang pala,” bulong niya at tinignan ang suot ko.
I’m wearing a flounce top swimsuit at wala akong suot na kahit na ano sa aking paa. Tinignan ko ang suot niya and he’s wearing a blue button up polo, denim shirt, and his snickers kaya naman pala tinitignan s’ya ng mga babae dito.

BINABASA MO ANG
Music Series 2: Loving you in a Heartbeat
RomansaShe was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a positive lifestyle. When she met Raphael, a fisherman-slash-farmer who lived and fed his family, everyt...