Kabanata 27

1.1K 34 1
                                    

Raphael's Point of View:

Kaagad akong nakarating sa Maynila para sa aking trabaho. Iniwan ko sila mama at papa doon dahil gusto nilang manatili doon kaya naman hindi na lang ko tumutol pa. Nagpagawa ako ng bahay at sariling condominium dito sa Maynila gamit ang pera na naipon ko sa boxing. Bilang isang MMA ay natutunan ko ang iba’t ibang bagay kaya madali sa akin ang ginagawa ng isang pulis.

Marami agad ang trabaho na binigay sa akin kaya naman wala akong naging oras para sa kahit anong mga bagay dahil gusto kong maging abala sa pagiging pulis. Pinakilala sa akin ang mga taong makakasama ko sa loob ng maraming taon at ang iba ay kasama ko na nung training sa ibang bansa. 

“Ito ang dating opisina ng papa mo ngunit sinabi niya sa amin na baguhin ang lahat dahil ayaw niya ang maliit na opisina para sa’yo,” ani ng aming chief, kaibigan ni dad. 

“Hindi naman kailangan ng malaki at  maayos na ito para sa akin,” nakangiting sambit ko. 

Tumawa lamang s’ya kaya napailing ako at agad na pumasok sa loob para tingnan ang opisina ko. Sa aking pagpasok ay isang malaking lamesa at isang itim at puti na swivel chair. Sa aking kanan ay ang shelves na puno ng libro, banyo, at ang lalagyan ng mga awards. Sa aking kaliwa ay malaking drawer at shelves para sa ilang mga envelope, folder, at iba pa para sa mga kaso na babasahin ko. 

Lumakad ako doon at napangiti nang hindi makalimutan ni papa ang litrato ni Lucille sa likod ng aking upuan. I looked at it at napangiti dahil kuha ito noong nasa bahay kami habang hawak niya ang gitara niya. Huminga ako ng malalim at agad na umupo para simulan ang kaso. Unang ibinigay sa akin ay ang kaso ng rape at murdered sa isang batang babae.

Ayon dito, nangyari ang aksidente noong umuwi ang batang babae sa kanilang bahay galing sa eskwelahan. Ang kanyang tatay ay matagal ng may pagnanasa sa batang babae at araw-araw itong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Sinabi dito na dahil sa galit at pagseselos ay nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak at bago mangyari ‘yun ay ilang beses niya muna itong ginahasa.

Nagtagis ang panga ko. Galit na galit talaga ako sa mga taong ganto dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin ang bagay na ito sa sarili nilang anak. Napabuntong hininga na lamang ako dahil iba-iba naman ang tao, kung ano ang gusto ‘yun ang gagawin at kapag nahuli ng pulis ay doon lang sila magsisisi sa kanilang ginawa. 

“Ito pa ang ilang kaso tungkol sa rape at ilang accident na nangyari sa nakalipas na taon. Ang sabi ni chief, ikaw daw ang gagawa ng report tungkol dito at ipasa mo raw sa kanyang email,” sabi ni Sachi nang makapasok sa opisina ko. 

“Salamat dito,” nakangising sambit ko at tumango naman s’ya. 

Kagaya ng sinabi niya ay binasa ko ang ilan sa mga ito ngunit isang pamilyar na pangalan ang nakita ko. Tila nanlamig ako sa aking nakita at sa pangalan na nabasa ko ngayon lamang. Kinuha ko ang papel na ‘yun at ang sabi dito ay paulit-ulit na naging basura ang kaso dahil sa yaman ng mga Valencia. 

“Lucianna Cecille Garcia.” Nanlaki ang mga mata ko at napatitig doon. “Her stepfather almost rape her because of his state and she defended herself by attacking his stepfather using the knife under her pillow. Unfortunately, his stepfather told the police that he’s not a rapist. He was drunk that time and he went to the wrong room and he couldn't believe that his stepdaughter almost killed her.”

Natulala ako at hindi agad nakagalaw sa aking upuan. What? Kailan pa ‘to nangyari? Tinignan ko ang date at 7 years ang kaso ngunit palaging case solved ang kaso dahil sa pera ng mga Valencia. Napalunok ako. Mabilis akong tumayo dahil naguguluhan ako sa nangyayari at hindi ako mapakali hangga’t wala akong nalalaman na kahit na ano. 

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon