Raphael's Point of View:
Gulat akong napatingin sa kanya at hindi ko inaasahan ang mga lumalabas sa kanyang bibig. Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko inaasahan ang ganito at wala sa plano ko ang halikan s’ya ngunit hindi ko rin mapigilan dahil ang lambot at ang sarap ng kanyang labi. Lumunok ako at hinawakan ang kanyang baywang.
“Lucille...” bulong ko at hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat...hindi ko alam paano kita nagustuhan ngunit alam kong hindi ako nagbibiro...at alam kong totoo ang nararamdaman ko,” mahinang sambit niya at titig na titig sa mga mata ko.
Lumayo ako at sinuklay ang aking buhok dahil hindi ako naging handa sa biglaang pag-amin ni Lucille. She bites her lower lip at tiningnan ang mga mata ko.
I sighed. “Si Yumi...” bulong ko dahil hindi puwede ito. “I promised to her and I should stick with her.”
Napaawang ang labi niya at hindi makapaniwalang napatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Masyadong mabilis at sa tingin ko hindi ako bagay sa katulad niya na mataas ang estado at mataas ang standard. Napatingin ako sa kanya ng bigla s’yang tumawa at tumango.
“I know...you will rejected me again, hindi na ako nasanay.” Kinagat ko ang labi ko. “Don’t worry… infatuation lang naman ‘to at...at mawawala rin kalaunan.”
Magsasalita na sana ako nang bigla s’yang umalis sa harap ko. Naiwan akong nakatulala at huminto na rin ang magandang music. Napakurap ako at nagtagis ang panga ko ngunit natigilan nang makita si Yumi sa aking harapan kaya hinawakan ko ang kamay niya.
“Mukhang malungkot ka, what happened?” nag aalala na tanong niya.
I shook my head at ngumiti ng pilit sa kanya. Pumunta kami sa mga kaibigan namin at nahagip ng aking mata si Lucille na kasama ang kanyang mga pinsan at mukhang nag-uusap sila habang s’ya ay nakatulala. Sana hindi mawala ang nararamdaman niya para sa akin.
“Gusto mo bang kumain? Kanina kumuha ako ng pagkain para sa ating dalawa,” nakangiting sambit ni Yumi at ngumiti rin ako.
“Nagutom ako kanina dahil marami akong ginawa,” nakangising sambit ko.
Right. I have to stay with Yumi because I know this is the right thing to do so that Lucille doesn't experience judgment from someone else. I don’t want to add to the painful things that happened to her because I know Lucille is weak in that way. Better like this, no mess and quiet and peaceful.
Nag tuloy-tuloy ang event at naging maayos naman ang lahat. Kinuha namin ang banda ni Travis at nakitang nag-enjoy naman ang mga tao at ang iba ay panay ang sigaw ng mga tao kaya napailing ako.
“Dahan-dahan...” bulong ko kay Yumi at humagikgik naman s’ya.
Napailing ako at napatingin kay Lucille nang bigla s’yang tumayo. Nagsisigawan ang mga tao at pati si Travis ay nakangisi na. Kunot ang noo ko at mukhang alam ko na ang gagawin niya sa unahan. Kinuha niya ang gitara ni Travis at humarap s’ya doon sa microphone.
“Let’s go Lucille!” sigaw ng mga pinsan niya sa kabilang table.
She smirked at nag strum sa kanyang gitara at bumilis na naman ang tibok ng aking puso. Umayos ako ng upo at hindi ko na maalis sa kanya ang aking paningin.
Song: Hear Me Out
Written by: Lucille Garcia
“Ano ba ang meron sa'yo?
Hindi mo ba napapansin ang pagtingin ko?
Marahil ikaw ay nagtataka,
kung bakit ikaw sa ‘kin ay mahalaga.
BINABASA MO ANG
Music Series 2: Loving you in a Heartbeat
RomanceShe was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a positive lifestyle. When she met Raphael, a fisherman-slash-farmer who lived and fed his family, everyt...