Lucille's Point of View:
Mabilis akong nagbihis at tinignan si Betty na nakanguso ngunit alam kong s’ya ang may gawa nito. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwarto kasama ang lalaki dahil ang alam ko lang ay nawalan ako ng malay kanina habang umiinom kasama sila. Tumakbo ako at mabilis na sumunod sa akin si Haze na gulat pa rin.
Hindi ko alam kung paano kausapin si Raphael. Alam ko ang ugali niya kapag galit s’ya, alam ko kung paano s’ya magalit. Masakit ang ulo ko at pakiramdam ko ngayon lang ako nagising sa reyalidad dahil parang wala ako sa sarili kanina.
“Stop...” bulong ko at nakita si Raphael kasama si Yumi. “I want...to talk to him.”
“Sa labas ako ng kotse, maghihintay ako.” Natigilan ako nang hawakan ni Raphael ang panga ni Yumi at napasinghap ako nang halikan niya si Yumi sa labi.
Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa nakikita ko. Natulala ako kasabay nang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. They’re kissing in front of my car at nakita kong pumikit si Raphael at hinawakan ang baywang ni Yumi na nakahawak sa kanyang baywang. Sa galit ko ay lumabas ako ng kotse at sumunod naman si Haze at sumandal sa kotse.
“Raphael!” galit na sigaw ko at mukhang hindi s’ya nagulat nang makita ako.
Umayos silang dalawa at kitang kita ko ang pag-iwas ng tingin ni Yumi kaya kumunot ang noo ko at tinignan si Raphael na blangko ang mukha.
“I will explain...” mahinang pakiusap ko. “Please.”
Ngumisi s’ya. “What will you explain to me huh? Bakit nandito ka? Kung sa tingin mo papakinggan kita… hindi na mangyayari ‘yun.”
Napasinghap ako at agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at tumango. Ano nga ba naman ang karapatan ko para magpaliwanag sa kanya kung hindi s’ya maniniwala.
“Why are you so easy to judge me?” tanong ko at natigilan naman s’ya ngunit bumalik sa seryoso ang kanyang mukha.
“Umalis ka na. Wala akong oras para sa mga paliwanag mo! Sinaktan mo ako at mas pinili mong sumama sa lalaking ‘yun huh? Bakit magaling ba s’ya? Mas magaling ba s’yang gumalaw sa ibabaw mo?” aniya.
Isang malakas na sampal ang binitawan ko sa kanya at galit akong tumingin sa kanya. What the hell is he talking about? Tinignan niya ako nang masama at ganun rin ako sa kanya. Natawa ako at nangilid agad ang luha sa mga mata ko.
“Gusto mong malaman ang lahat huh?” Sinuntok ko ang dibdib niya at hindi pa rin s’ya nagsalita. “Sige! Sasabihin ko ang lahat, nakakahiya naman kung ako na naman ang mali sa ating dalawa!”
Nanatili s’yang nakatingin sa akin habang nagtatagis ang panga niya at masama ang tingin sa akin. Umatras ako at ngumisi sa kanya at nakita kong natigilan s’ya.
“Oo! May nangyari sa amin ng lalaking ‘yun!” sigaw ko at mas lalo s’yang natigilan. “Yan naman ang gusto mong malaman hindi ba? Sige, sasabihin ko na! Tutal wala naman na akong magagawa hindi ba? What’s the use of defending myself kung ang boyfriend ko ay hindi man lang akong magawang pakinggan!”
Ang sikip ng dibdib ko ngunit kaya ko ito. Pagkatapos ng lahat ng ito ay hindi na ako magpapakita sa kanya, pagod na pagod na akong depensahan ang sarili ko. Tatanggapin ko nalang na mali ako. Na ako ang may kasalanan. Ako na naman ang may maling nagawa.
“Yes, he’s good at moving on my top! I enjoyed what we did! I enjoyed his kisses on my body! I enjoyed what we had that night. He’s better than you, Raphael...he's better than you!” sigaw ko sa mukha niya at mas lalong nagtagis ang panga niya.
BINABASA MO ANG
Music Series 2: Loving you in a Heartbeat
Любовные романыShe was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a positive lifestyle. When she met Raphael, a fisherman-slash-farmer who lived and fed his family, everyt...