Kabanata 37

1.3K 33 1
                                    

Raphael's Point of View:

Nakarating kami sa bahay at agad akong lumabas at inalalayan si Lucille na makababa ng kotse. Pareho kaming tahimik dahil sa nangyari kanina ngunit hindi ako nagsisisi na ginawa ko ‘yun kay Yumi dahil gusto kong malaman niya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. 

Kaagad akong naglakad patungo sa bahay dahil pakiramdam ko kapag nagsasalita ako ay tumaas ang boses ko at ayoko naman na sigawan si Lucille. Takot ko lang sa mga suntok niya ‘no kaya ayoko munang magsalita. Umupo agad ako sa sofa at mabilis na tumingin sa kisame at chandeliers. 

“Raphael, can I talk to you now or not?” kalmado ang tanong ni Lucille. 

Tinapik ko ang hita ko at tinignan s’ya na kagat ang labi at nakalagay ang mga  kamay sa likod. Huminga ako ng malalim at agad na hinila ang kamay niya kaya umupo s’ya sa hita ko patagilid. Nilagay ko ang aking mukha sa kanyang balikat at niyakap ang kanyang baywang, hindi ko alam na ganun ang nangyari at mukhang hindi ko na kailangan upang magkaroon ng imbestigasyon para doon. 

“You shouldn't have slapped her...” mahinang sambit niya. “She’s a woman and I don’t think tita would like what you did.”

“Kulang pa ang ginawa ko sa kanya, Lucianna.” Tinignan niya ako at hinaplos ang aking braso. “Sinaktan niya tayong dalawa at sa tingin mo ba ay kaya ko pa s’yang tignan? Ginawa ko ‘yun dahil s’ya ang may kasalanan kung bakit nawala ka sa ‘kin. 

She sighed and shook her head. Nilagay ko ang labi ko sa kanyang pisngi kaya naramdaman kong natigilan s’ya. 

“Patawarin mo ako nung panahon at oras na wala ako sa tabi mo,” mahinang sambit ko. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari kaya bigyan mo sana ako ng pangalawang pagkakataon. I will fix everything and I will make it up to you in seven years.”

Hindi s’ya sumagot kaya mas humigpit ang yakap ko. Natatakot akong sasabihin niya na hindi na pwede at natatakot ako na baka hindi niya ako bigyan pa ng pagkakataon. Hinaplos ko ang kamay niya dahil kinakabahan ako sa mga sasabihin niya at sana hindi niya maramdaman ang malakas na tibok ng aking puso. 

“Bumalik ako para sa career na gusto ko, Raphael. Bumalik ako dahil gusto kong mabuhay sa tahimik na buhay kasama ang pamilya ko. Sana maintindihan mo na hindi pa ako handang kalimutan ang lahat ng masakit na nangyari sa atin at sa mga nangyari sa ‘kin,” mahinahong sambit niya. 

Natigilan ako at hindi agad nakagalaw sa sinabi niya. Naramdaman kong hinaplos niya ang daliri ko kaya mas lalong humigpit ang yakap ko sa baywang niya dahil ayoko nang marinig pa ang mga sinasabi niya dahil nasasaktan ako. 

“I want to find myself first, Raphael...” aniya sa mahinahong boses. 

“Hindi ba pwedeng mag kasama natin hanapin ang sarili mo?” bulong ko at nilagay ang baba sa kanyang balikat. 

She chuckled and I was stunned, and there were butterflies on my stomach when I heard her laugh. Hinalikan ko ang pisngi niya at nilagay s’ya sa pagitan ng mga hita ko, sumandal s’ya sa balikat ko. 

“Kung mahal mo talaga ako, gagawin mo ang gusto ko.” Tinignan niya ako. “Hayaan mo sana akong maramdaman ang katahimikan. I want peace and I want to free myself first, that’s the thing that I want to do now.”

“Pero...you will live with me right?” Umaasa na tanong ko. 

“Nandito na nga ako hindi ba?” nakangising tanong niya. “I don’t want to be plastic towards you. Pagod na pagod na akong magalit at pakiramdam ko ay naiinis ka na sa ‘kin sa sobrang dami kong gusto.”

Tumawa ako at natawa na rin s’ya nang pag-usapan namin kung ano ang mga ginawa niya. May mga oras na kailangan kong pumunta ng Baguio para lang sa strawberries na gusto niya at kailangan ko pang pumunta sa Italy para lang sa dress na gusto niya. 

Music Series 2: Loving you in a Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon