Lucille's Point of View:
Hindi ko alam ang nararamdaman ko nang malaman ko na kay Betty ang napili na ipakita sa lahat. Bumagsak ang balikat ko at kasabay nun ang pangingilid ng aking luha ko. I almost give my best to make an effort para sa bracelets and design. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, I’m very disappointed to myself even if mommy didn’t tell me that she’s disappointed, ramdam ko.
Napalunok ako nang ibigay sa akin ng head ang design ko. Tinignan ko silang lahat na pinupuri si Betty na malaki ang ngiti. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay bibigay ang katawan ko dahil sa labis na panghihinayang.
“Mom,” mahinang sambit ko nang makitang nakatingin s’ya sa akin.
“We will talk to your office,” mariing sambit niya kaya marahan akong tumango.
Tinignan ko si Raphael na tumango sa akin kaya tumango rin ako at mabilis na umalis doon. Huminga ako ng malalim at naglakad ng nakayuko dahil sa labis na hiya na nararamdaman ko. Pumasok kami sa opisina ko at masama akong tinignan ni mommy.
“What’s wrong with you?” galit na tanong niya. “Did you see what happened huh? I’m expecting you to create a fabulous design because I know you will get passed. Did you see my face earlier? I’m very disappointed in you, Lucianna.”
“M-mom...I did my best. Trust me, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para sa bracelets. Hindi ko alam kung bakit pareho kami ni Betty, maybe she just stole my desig–”
“What?” sigaw niya. “You’re now accusing your sister na walang alam sa nangyari ha?”
Napalunok ako. Hindi naman makukuha ng kahit na sino ang design ko kung walang papasok sa opisina ko at s’ya lang naman ang hindi marunong gumawa ng design.
“Lucianna, you’re accusing another person just to blame them for what you did? I didn’t raise you to become like that!” si mommy sa galit na boses.
“But mom, walang kumuha ng design ko kung walang pumasok dito sa opisina ko! Si Betty… s'ya lang naman ang may alam sa laptop ko! S’ya lang naman itong gustong gusto ng atensyon ninyo!” singhal ko at galit akong tinignan ni mommy.
Sakto ang pagpasok ni Betty na galit na nakatingin sa akin. Sinugod niya ako at isang malakas na sampal ang ginawa niya sa akin kaya napaatras ako at gulat na napahawak sa aking pisngi.
“Ngayon sinisisi mo ako sa maling ginawa mo! You know what, huwag mong isisi sa iba ang pagkakamali mo dahil lang hindi napili ang mga designs mo! Hindi ko rin kasalanan na mali at basura ang lahat ng ginagawa mo!” si Betty sa malakas na boses.
“At ikaw tama?” sigaw ko. “Bakit? Sino ba ang gustong gusto ng maraming atensyon huh? Alam mo sa sarili mo na kinuha mo ang design ko at kapag napatunayan ko, ako mismo ang kakausap sa mga head managers para tanggalin ka!”
Galit na galit akong tumingin sa kanya at kay mommy na mariin ang tingin sa akin. Ganyan naman silang dalawa, kapag ako ang mali palagi nila akong pinagkakaisahan at kapag sila naman ang mali, ako pa rin. Hindi ko maintindihan kung anak pa ba ang turing sa akin ng tunay kong ina dahil pakiramdam ko, isa na lamang akong lumang bagay para sa kanya.
“Stop that, Lucianna! You’re careless! Hindi mo iniisip ang resulta ng mga ginagawa mo at nakuha mo pang gayahin ang design ng ibang tao. Palagi mo nalang akong binibigyan ng sakit ng ulo! You’re such a disappointment! Wala ka nang ginawang tama!” Natigilan ako at hindi makapagsalita dahil sa gulat. “Look at your sister, Betty. Ginagawa niya ang gusto ko and she never disappoint me sa lahat ng bagay na ginagawa niya. Ikaw? You always disappoint me lalo na sa business at sa lahat ng ginagawa mo!”
![](https://img.wattpad.com/cover/300909812-288-k129920.jpg)
BINABASA MO ANG
Music Series 2: Loving you in a Heartbeat
RomansaShe was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a positive lifestyle. When she met Raphael, a fisherman-slash-farmer who lived and fed his family, everyt...