Chapter 27

224 11 3
                                    

27: THE POWER OF ONE MAFIA
××××××××××××××××××××××××××××

AUTHOR'S POV
×××××××××××××

Parang isang malakas na bagyo ang dumaan sa loob ng hide out sa isang grupo ng mga assassin, Nagkalat ang lahat ng mga gamit, animoy umulan ng dugo dahil bumabaha ito sa paligid.

Umaapoy ang paligid, Nagkalat din ang mga katawan kahit saan, at sa isang sandali pa ay tuloyan ng sumabog ang boung lugar.

Habang sumasabog ang lugar ay pinagmamasdan ito ni etcheya, Habang umaagos sa kamay niya ang mga dugo mula sa kanyang laban.

" Master, pinapasabi ni Sir. Xie na nakita na si princess aicy, Babalik na po ba kayo sa hospital?" Tanong sa kanya ng isa sa mga taohan niya.

" Hindi pa, meron pa tayong tataposin ngayon gabe, na magsasabi sa kanila na tinatangap ko ang digmaan na gusto nila, mahahalintulad sila sa asong kinakagat ang kamay ng among nagpalamon sa kanila, hindi kona sila magpagbibigyan sa ginawa nila" Saad ni Etcheya

Samantala naka rating na ang agad ang balita kay tuchiro tajiwara ang nangyari sa mga taohan niya, Narinig ito ni Primo na nag madaling umalis ng kanilang bahay.

" Master xaio, Nakita na namin kung nasaan si Lady Margaux" bulong kay etcheya, ng isa sa mga taohan niya.

" Master xiao,  Anong maipapaglingkod namin sa inyo?" Magalang na pag bate ng pinuno sa grupo ng mga assassin.

" Isa nga lamang kayong hamak na tagalingkod, kaya bakit Inaakala ninyong mapapabagsak ninyo ako?!" Cold na sambit ni etcheya.

Nagkunwaring nagugulohan ang mga taong naka harap sa kanya.

" Hindi po namin kayo maintindihan master xiao"
Bahagyang napa atras si Toren ang lalaking kausap ni etcheya, Ng may patalim na tumama sa kanyang mukha, at naga-lusan ng bahagya ang kanyang balat.

" Hindi mo nga maintindihan dahil nagkukunwari kang walang alam, Ibigay nyo na saakin ang kaylangan ko upang maawa pa ako sa inyo" banta ni etcheya.

" Patawad master xiao, subalit hindi ko talaga batid ang inyong kinagagalit"
Tumalsik Ng mabilis si toren ng mabilis siyang sinugod ng galit na galit na si Etcheya.

Hindi maka laban ang mga taohan ni toren dahil sa takot narin sa madaming taohan ni etcheya.

" Master xiao, anobg naging kasalanan ko sa inyo" muling pag tangi ni toren na labis na kinagalit ni etcheya, naglabas ng patalim si etcheya at agad na tinarak sa kamay ni toren.

Napasigaw ng malakas si toren sa ginawa sa kanya ni etcheya, lampas sa palad at bumaon pa sa lamesang kahoy ang patalim na ginamit.

" Alam mo ang tinutukoy ko, Nagsisimula kayong kalabanin ang aking pamilya, dahil nais ninyong kayo ang mamuno" lalong binaon ni etcheya ang patalim sa kamay ni toren.

" Wala kaming alam master, nautosan lamang kami upang kunin ang isang babae, yun lang po ang ginawa namin" sagot ni toren na napasigaw na lamang ng biglang hugotin ni etcheya ang patalim sa kanyang kamay.

" Hindi nyo ba kilala ang babaeng yun?? Ang buhay ninyong lahat ay hindi tutumbas sa kanyang buhay" singhal sa kanya ni etcheya, hindi na nakapag salita si toren.

" Master papasabogin na po ba natin ang boung lugar na ito?" Tanong kay etcheya
" Iatali nyo silang lahat upang hindi makaalis sa oras na mag simula ng masunog ang lugar" utos ni etcheya.

" Master... Nakikiusap ako? Huwag nyo ng idamay ang mga taohan ko meron din silang pamilyang umaasa sa kanila, Pakiusap master" pagmamakaawa ni toren.

Walang imik si etcheya na Paalis sa lugar.

×××××××××××××××××××××××××××

The Mafia's Daughter and The Assassin's Son ( Completed )Where stories live. Discover now