10: EMERGENCY MISSION
××××××××××××××××××××××
PRIMO BRANTLEY SHINICHI KIM TAJIWARA POV
××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××Nayanig ang lahat ng dahil sa malakas na pagsabog na nag mula sa kalapit ng bundok, At bigla pa itong nasundan nang isa pang pag sabog at Nagkaroon na ng putokan sa kalapit na bundok.
" Doc.... Pumasok na po mona kayo sa loob " Agad na sabi samin ni sir. Travis, nagkakagulo na ang mga sundalo sa loob ng kampo, ganun din ang mga tao sa labas ng kampo.
" lieutenant... Anong nangyari" dumating si Aicy at napansin ko agad yung dugo sa damit niya.
" Hindi pa namin alam pero mukang nagkaroon ng laban sa mga kasamahan natin na nag lilibot sa bundok, kaylangan namin silang puntahan" paliwanag ni travis." Paano ang mga tao sa labas?? Ililikas ko na sila" sabi ni aicy
" Gawin ang dapat lieutenant...... Soldiers lets move... Move .... Move" Utos ni sir. Travis sa mga sundalo na nag hihintay sa uto niya.At agad silang umalis....
" Pumasok na kayo doc, baka mapahamak kayo dito" sabi sakin ni aicy
" Ang sugat mo" sabi ko sa kanya, pinigilan ko siyang umalis.....
" Duty first doc" sagot niya sakin at agad na umalis uoang lumabas ng kampo na may dalang baril.Bigla ulit sumabog kaya agad akong bumalik sa loob ng bahay namin, upang tingnan ang mga kasamahan ko.
" Doc... Anong nangyayari?? May labanan ba??" Nag aalalang tanong ni joyce
" Sa tingin ko, huwag na mona kayong lalabas, delikado" utos ko sa kanila...." ahhhhhhhhhh" napasigaw na sila ng may sumabog na pakiramdam ko ay malapit na samin, kaya sumilip ako sa bentana para tingnan ang nangyayari.
×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
EMBER AICY LARISSA MATSUMOTO PARK POV
×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××Napaupo ako ng may biglang sumabog malapit sa loob ng kampo, tumingin ako sa paligid kung saan nagmumula ang bomba.....
" Lieutenant..... " biglang dumating si dylan na nakikipag barilan sa mga taong bumaba sa bundok.
Kaya tinulongan kona siya....." Private.... Mag bigay ka ng utos na Ilikas ang mga tao sa paligid, dalhin nyo sa school bilisan nyo" utos ko sa kanya
" pero paano ka lieutenant?? " Tanong niya sakin habang nakikipag barilan kami
" Gawin mo ang utos ko, sikapin nyong walang mapapahamak na civilian" sabi ko sa kanya" copy that lieutenant" sabay salute niya sakin sabay takbo.....
Tumago na mona ako sa may tindahan nila ate sarah, at tinitingnan ko kung marami pang lalabas na tao mula sa bundok upang sumugod samin.
Biglang may sumabog sa loob ng kampo,
Kaya agad akong tumakbo pabalik sa kampo upang tiyakin na ligtas sina doc at ang mga nurse.Napatago ako sa sasakyan na naka parada ng babarilin na ako ng isang lalaki, tiningnan ko yung lalaki tumigil ako ng makita na bata pa yung lalaki.
Muli niya akong binaril kaya muli akong tumago, pagkatapos ay ginantihan ko siya ng baril at pinatama ko lang sa kanyang binti kaya natumba siya at napilay.
Muli nanaman sumabog sa loob ng kampo, kaya agad na akong tumakbo papunta doon....
Bigla akong natumba ng may nag hagis ng pasabog sa kalapit ko, nabitawan ko yung baril ko at napatama pa ako sa mga bato.
Pag tayo ko ay biglang may tumutok ng baril sakin, kaya natigilan ako, isang lalaki na may mahabang buhok at balbas.
May dumating pang isang lalaki at tinutukan parin ako ng baril, ang tapang nila para sumugod ng ganitong oras.
YOU ARE READING
The Mafia's Daughter and The Assassin's Son ( Completed )
Storie d'amoreThe Powerful Couple