16: THE CARAVAN
××××××××××××××××PRIMO BRANTLEY SHINICHI KIM TAJIWARA POV
××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××" Grabe ang putik " reklamo ni joyce habang hirap na hirap na siyang mag lakad sa putikan.
" Ayaw mo kasing sumakay sa kabayo, tingnan mo kami chill lang" sabi naman ni Lorraine na sakay ng kabayo." Okay na ako dito, kisa sa sumakay sa kabayo" sagot niya.
Napatingin naman ako kay aicy sa may hulihan namin, mabigat na yung dala niyang riffle, tapos may sugat pa siya.Tumabi mona ako at pinauna yung mga nasa hulihan ko, subrang daming tao kasi ang kasama sunod-sunod sila sa daan.
" Doc? Ayos ka lang?? Pagod kana ba?? " tanong sakin ni aicy na tumigil sa kalapit ko.
" Oo ayos lang, magpapahinga lang" sagot ko." lieutenant, Sumasakit ba yung sugat mo?" Tanong ko sa kanya
" Hindi naman, ayos lang, tara lakad na tayo" nag nod na lang ako sa kanya at pinauna kona siyang mag lakad habang nasa hulihan lang niya ako.Habang naglalakad kami sa gilid ng bundok, napansin kona ang daming nagmamasid samin.
" Hindi ba delikado para sa mga taong kasama natin na magpatuloy pa?" Tanong ko sa kanya
" Inaalam lang nila kung gaano karami ang mga sundalong naririto, pero hindi sila gagawa ng gulo, ang grupo nila iba sa grupo na sumugod sa kampo" paliwanag niya.Habang patuloy kami sa pag lalakad para hindi mahalata ng mga tao na nag uusap kami.
" Paano kung biglang magka gulo?"
" Hindi yun mangyayari, dahil may mga taong kagaya nila na ayaw manakit ng kapwa nila, kahit na sundalo lalo na kung wala itong laban sa kanila" sagot niya." Lieutenant" tawag ni dylan sa first lieutenant na si sir. Narzoles na nasa pinakang una ng pila ng mga taong nag lalakad, kaya mula sa hulihan namin nag mamadaling lumapit si dylan kay sir.
××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
AUTHORS POV
×××××××××××××Habang tumatawid sila sa malalim na bahagi ng ilog, habang si aicy ay nagmamasid ng lihim sa paligid at bundok na dinaraanan nila.
Bigla silang nakaramdam ng kakaiba ni primo, kaya mabilis at lihim na hinanda ni aicy ang kanyang baril.
" Dumapa kayo" sabay na sigaw nila aicy at primo sa gulat ng mga tao ay kanya kanya na sila ng dapaan, kasunod ang mga putok na nag mumula sa paligid.
Tumago sa malaking bato sina primo at aicy, hinahayaan lang nila na paulanan sila ng putok, habang si aicy tinitingnan niya kung saan nangagaling ang mga bala.
Dahil sa subrang taas at kapal ng damo hindi nila makita ang kalaban kung saan ito nakatayo.
Nang biglang nawala ang mga putok mula sa kalaban ay sabay na tumayo ang mga sundalo at sila naman ang nagpa ulan ng mga bala sa kalaban nila.
" Lahat ng civilian, ilayo nyo na sa lugar ito" utos ni first lieutenant sa mga private at iba pang mga sundalong malapit sa pwesto niya, habang nakikipag barilan siya.
Muling tumago ang mga sundalo at biglang naging tahimik.
" Ang kaylangan lang namin ay ang doctor na kasama ninyo, ibigay nyo siya samin at hahayaan namin na makaalis kayo " sigaw ng isang lalaki mula sa grupo ng mga kalaban nila.
" Lieutenant ikaw na ang bahalang mag layo dito kay doc, hindi natin siya ibibigay sa kanila, dahil papatayin nila tayong lahat kahit ibigay natin siya sa kanila" bulong ni narzoles kay aicy, na nod lang ang sinagot sa kanya.
" Hindi namin siya ibibigay sa inyo, kilala ko ang grupo ninyo wala kayong awa" sigaw ni narzoles sa mga kalaban nila.
Nag simula nanaman mag barilan ang magka laban na grupo, at ito ang kinohang pagkakataon ni aicy para mailayo si primo.
××××××××××××××××××××××××××××××××××××
A /N: PLS GUYS VOTE AND SUPPORT MY NEW STORY THE TITLE IS " SON OF THE CRIMINAL"
YAN PO YONG DATI NA THROUGH THE RAIN ANG TITLE BINAGO KO LANG PO
AND MY 6th STORY TITTLE IS " 199 DAYS "
PLSSSSS PA SUPPORTSTAY SAFE EVERYONE
THANK YOU ❤× CONTINUATION FOR CHAPTER 16 ×
AUTHORS POV
×××××××××××××Dahil sa kakayahan ni primo bilang Assassins, at si aicy ang kakayahan niya bilang mafia tahimik silang nakalayo sa lugar.
Nakarating sila sa itaas ng bundok, malayo sa mga naglalabanan, Biglang umulan habang sila ay naglalakad.
Kaya tumigil mona sila sa tapat ng isang puno, habang tinitingnan ni Aicy ang paligid, sa kanya naman nakatingin si primo.
" Titingnan ko lang kung ligtas ang paligid, babalik rin ako after 10 minutes" sabi ni aicy at nag simula na siyang maglakad papalayo.
Sa pagmamasid ni Aicy sa paligid, may napansin siyang isang kubo, malapit sa bangin, kung saan kita ang magandang tanawin.
Kaya napag pasyahan na niyang bumalik kay primo, pag balik niya wala si primo naiwan lang yung bag na dala ni primo tabi ng puno.
Nilibot niya ang kanyang tingin pero wala si primo, kaya tiningnan niya kung saan may mga bakas at sinundan niya ito.
Hanggang sa makarating siya sa may sapa, isa itong part ng bundok kung saan dumadaloy ang tubig pababa sa bundok.
Lalong lumalakas ang ulan, may kasama na itong kulog at kidlat at malakas na hangin, kaya kahit halos walang makita si aicy sa paligid ay nagpatuloy siya sa paglalakad.
Bigla siyang nadulas at nahulog siya sa bangin na hindi naman masyadong mataas, pero napatama ang ulo niya sa bato.
Kahit nagdidilim ang paningin ni aicy ay tumayo parin siya, Matutumba sana siya pero may humawak sa may likod at braso niya.
Si primo, pariho na silang basang basa sa ulan
Samantalang sa lugar kung saan patuloy parin sa pagpapalitan ng putok ang mga sundalo at ang mga taong bundok.
May mga ilan sa mga civilian ang nasugatan, lumalabo narin ang tubig sa ilog dahil sa pag ulan ng malakas, napapansin ni Narzoles na may dumating ng back up sa kanila, ang kanilang CO.
Nilabas ni primo galing sa bag niya ang mga gagamitin, para sa sugat ni aicy, patuloy parin ang pag ulan.
Naka silong sila sa maliit na kubo na nakita ni aicy.Gagamotin na sana ni primo si aicy pero Pinigilan siya ni aicy
" Pag tigil ng ulan, Bababa na tayo ng bundok" sabi ni aicy
" Kaylangan ko mo nang gamotin ang sugat mo" sagot ni primo sa kanya.
" Ayos lang ako, mas inaalala ko ang mga kasama ko, sana ayos lang silang lahat" pagaalalang sabi ni aicy." Kaylangan nila ako,maaring gusto nila akong kunin para mang gamot sa kanila" sabi ni primo habang tinatabi na ang mga gamit niya.
" Hindi ka namin ibibigay sa kanila, Yun ang trabaho namin" paliwanag ni aicy.
Isang ngite ang sinagot sa kanya ni primo." Magka iba nga talaga ng tungkolin ang sundalo at doctor, ang tungkolin nyo maari kayong pumatay basi sa utos sa inyo, pero kami buhay ang pinaka mahalaga" paliwanag ni primo.
Isa isa nang inalis ni aicy ang kanyang mga gamit, dahil nararamdaman niya na Hindi na ayos ang sugat niya, medyo humina na ang ulan.
Sa pag tayo ni aicy sa pagkaka upo niya sa lupa, yun din ang pag tumba ni aicy kaya agad siyang sinalo ni primo.
××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
A /N: PLS GUYS VOTE AND SUPPORT MY NEW STORY THE TITLE IS " SON OF THE CRIMINAL"
YAN PO YONG DATI NA THROUGH THE RAIN ANG TITLE BINAGO KO LANG PO
AND MY 6th STORY TITTLE IS " 199 DAYS "
PLSSSSS PA SUPPORTSTAY SAFE EVERYONE
THANK YOU ❤
YOU ARE READING
The Mafia's Daughter and The Assassin's Son ( Completed )
RomantizmThe Powerful Couple